You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
BATO ELEMENTARY SCHOOL

MAPEH 5
Summative Test No.2
Third Quarter

MUSIC
Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Ito ang timbre ng babaeng mababa ang tinig o boses, ano ito?
A. soprano B. tenor C. alto D. bass
2. Alin dito ang tinig ng isang lalaki na nasa mataas na antas?
A. soprano B. tenor C. alto D. bass
3. Ang babae ay may dalawang timbre ng boses isa na doon ang alto na nagpapakita ng mababang tinig.
Ano naman ang mataas na antas ng boses ng babae?
A. soprano B. tenor C. alto D. bass
4. Kung ang octavina ang naglalarawan sa mataas na tinig ng lalaki na ang tenor. Ano naming timbre ng
boses ng lalaki ang inilalarawan ng bajo de arko?
A. soprano B. tenor C. alto D. bass
5. Alin sa sumusunod na pangkat ang tinatawag na uri ng timbre ng tao?
A. tenor, soprano, alto, bass
B. soprano, tenor, blending, second voice,
C. octave, hayop, bagay
D. snare drums, cymbals, bass drums

ARTS
Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

6. Ito ay isang paraan ng paglilimbag na kung saan inuukitan ng disenyo ang linoleum, rubber o
malambot na kahoy, o iba pang materyal na pwedeng maukitan gaya ng sponge, at styrofoam.
A. intaglio B. relief C. stencil D.
7. Ito ay isa sa pangunahing kagamitan sa pag-ukit na nakakaukit ng malawak at may palikong hugis.
A. v-tool B. chisel C. curved gouge D. wrench
8. Ang kagamitang ito ay para naman sa maninipis na pag-ukit at may matalim na unahan.
A. v-tool B. curved gouge C. chisel D. wrench
9. Ang likhang sining na ito ay ang pinakalumang anyo ng paglilimbag galing sa China.
A. linocut B. woodcut C. rubber D. styrofoam
10. Ang kagamitang ito ay walang himaymay di gaya ng kahoy. Ito ay naimbento bilang takip ng sahig
(floor covering) noong ika-19 na siglo.
A. linoleum B. woodcut C. rubber D. styrofoam

PHYSICAL EDUCATION
Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

11. Ang “Miligoy De Cebu” ay nasa palakumpasang.


A. 3
4
B. 2
4
C. 4
4
D. 6
8

12. Sa figure VI (a), ang magkapareha ay mag-uumpisa sa anong paa?


A. Kaliwang paa
B. Kapareho sa babae
C. Kanang paa
D.Kanang kamay

Address: Bato, Toledo City


Tel. No. (032) 383-3082
Email Address: 120742@deped.gov.ph
13. Sa anong Figure na ang lalaki ay luluhod sa kanan at ang mga bisig ay nasa ika-2 na posisyon, mga
palad paitaas.
A. Figure I
B. Figure II
C. Figure III
D.Figure V
14. Bakit kailangan na laging nakataas ang baba (chin up) kapag sumasayaw?
A. Upang hindi maka istorbo sa iba.
B. Upang mapanatili ang tamang tikas ng katawan.
C. Upang maihakbang ng tama ang sayaw.
D.Upang hindi sagabal sa kapareha.

15. Saan nagmula ang sayaw na Miligoy De Cebu?


A. Consolacion,Cebu
B. Sibunga,Cebu
C. Carcar,Cebu
D.Mandaue,Cebu

HEALTH
Isulat ang salitang KOREK kung Tama at EKIS naman kung Mali ang pahayag. Isulat ang sagot sa
malinis na papel.
16. Kapag sobra na ang caffeine sa katawan ng isang tao maaari siyang magkaroon ng kalituhan at
pagkahibang o nagiging dahilan ng pagkamatay sanhi ng konbulsyon, nagiging dahilan din ito ng
pagiging iritable o mainitin ang ulo at pagbilis ng pagtibok ng puso at hirap sa paghinga.
17. Kapag ang isa sa pamilya ay madalas uminom ng kape, naninigarilyo o mahilig uminom ng alak, ito
ay hindi maaaring makaimpluwensiya sa lahat ng miyembro ng pamilya at gumaya na din sa kanilang
nakikita sa kanya.
18. Sumasali sa mga gawain na inyong kinagigiliwan upang maiwasan ang pagkagumon sa mga gateway
drugs.
19. Nakikipagkaibigan sa mga kabataan na nakatutulong sa iyo sa mabuting paraan.
20. Ginagawang huwaran ang mga taong naninigarilyo, umiinom ng alak, at gumagamit ng bawal na
gamot.

Address: Bato, Toledo City


Tel. No. (032) 383-3082
Email Address: 120742@deped.gov.ph

You might also like