You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATASA PARA SA KALAGITNAANG TAON SA MAPEH 4


Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra na
may tamang sagot.

MUSIC

1. Anong simbolo ang may (2) dalawang kumpas?


A. C.

B. D.

2. Anong simbolo ang maaaring gamitin upang makumpleto ang rhythmic pattern na
ito?
4 ___
A. C.

B. D.

3. Ano ang meter ng rhythmic pattern na ito?


A. compound meter C. quadruple meter
B. duple meter D. triple meter
4. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa time signature?
A. Binubuo ito ng dalawang numero.
B. Bilang ito na makikita sa umpisa ng piyesa.
C. Bilang ito ng mga nota lamang sa isang measure.
D. Tumutukoy ito kung anong nota ang may (1) isang kumpas.
5. Ano ang time signature ng “Chua-ay”?

A. 2 C. 4
4 4
B. 3 D. 6
4 8

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Para sa bilang 6-8

I II III IV V
6. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa notation I?
A. paakyat na palaktaw C. pababang palaktaw
B. paakyat na pahakbang D. pababang pahakbang

7. Alin sa sumusunod ang mayroong melodiya na walang paggalaw?


A. II C. IV
B. III D. V
8. Ang notation V ay nagpapakita ng iba’t-ibang daloy ng melodiya MALIBAN sa
_____.
A. paakyat na palaktaw C. pababang palaktaw
B. paakyat na pahakbang D. pababang pahakbang

Para sa bilang 9-10

9. Ano ang pitch name ng pinakamababang nota?


A. E C. G
B. F D. A
10. Ano ang pitch name ng pinakamataas na nota?
A. F C. A
B. G D. B
ARTS
11. Alin sa sumusunod ang katangian ng kasuotan ng mga katutubo sa Luzon?
A. paggamit ng dagta ng dahon bilang pangkulay
B. madetalyeng paraan ng pagbuburda
C. kakikitaan ng disenyo ng dagat, dahon, o manok
D. kakikitaan ng disenyo ng kidlat, ahas, butiki, o puno
12. Saang lugar sa Mindanao naninirahan ang karamihan ng mga Maranao?
I. Lawa ng Lanao III. Lungsod ng Iligan
II. Lungsod ng Cotabato IV. Basilan

A. I at II C. II at III
B. I at III D. II at IV

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
13. Aling dibuhong araw na disenyo ang nagmula sa Ifugao?

A. C.

B. D.

14. Maliban sa kasuotang damit, saan pa maaaring makita ang mga disenyong
etniko?
A. banga at mangkok C. lahat ng nabanggit
B. hinabing tela D. wala sa nabanggit
15. Aling larawan sa ibaba ang nagpapakita ng disenyong galing sa mga Bagobo?

I II III IV
A. I, II, at III C. II, III, at IV
B. I, III, at IV D. I, II, III, at IV
16. Alin sa sumusunod na pista ang ipinagdiriwang sa Lucban, Quezon tuwing
ika-15 ng Mayo na ginagamitan ng makukulay na kiping bilang palamuti?
A. Ati-Atihan Festival C. Pahiyas Festival
B. Moriones Festival D. Panagbenga Festival
17. Alin sa sumusunod na katangian ang tumutukoy sa Moriones Festival?
A. Pagpupugay ito kay Sto. Niño.
B. Parada ito ng mga makukulay na bulaklak.
C. Pagpapasalamat ito kay San Isidro Labrador para sa masaganang ani.
D. Pagsasadula ito ng pagpapahirap ng mga Romanong sundalo kay Hesus.
18. Bakit ipinagdiriwang ng mga taga-Kalibo, Aklan ang Ati-Atihan Festival?
A. Ipinagdiriwang ito para makita ng mga turista.
B. Ipinagdiriwang ito bilang pagdakila kay Sto. Niño.
C. Ipinagdiriwang ito dahil sa kasaganaan ng mga bulaklak.
D. Ipinagdiriwang ito upang magpasalamat sa masaganang ani.
19. Alin sa sumusunod ang itinatampok sa Panagbenga Festival ng Lungsod ng Baguio
tuwing Pebrero?
A. mga pinatuyong palay C. mga makukulay na maskara
B. mga sariwang bulaklak D. mga inaning prutas at gulay

20. Alin sa sumusunod ang tawag sa larawan na ang karaniwang paksa ay kapaligiran
gaya ng bundok, burol, at puno?
A. abstract C. portrait
B. landscape D. still life

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
PHYSICAL EDUCATION
21. Si Zion ay madalas maglaro ng tumbang preso kasama ang kaniyang mga
kaibigan. Anong kaugalian ang kaniyang napauunlad sa paglalaro nito?
A. kagalakan C. tatag ng puso
B. kaliksihan D. pagiging tapat
22. Naglalaro ng tumbang preso ang magkakaibigan na sina Zoey, Zion, Kian, at
Noah. Malugod na tinanggap ni Noah ang kaniyang pagkatalo. Ano ang
ipinapakitang pag-uugali ni Noah?
A. Paggalang at kagalakan sa laro
B. Pakikiisa sa panahon ng pakikilahok
C. Pagpapakita ng tatag at pagsusumikap
D. Patas na laro sa panahon ng pakikilahok
23. Ang tumbang preso ay isang larong Pinoy na ang pinakapangunahing layunin ay
ang _____.
A. pag-ilag C. pagtakbo
B. paghagis D. pagtarget
24. Ano ang binabantayan sa larong tumbang preso?
A. lata C. tsinelas
B. palaruan D. yeso o chalk
25. Alin sa sumusunod na kasanayan ang nililinang sa paglalaro ng syato?
A. paglukso C. pagtalon
B. pagpalo D. pagtambling
26. Sa larong syato, ang pagpukol o pagpalo sa patpat na pinapalo ay kasanayang
nangangailangan ng _____.
A. lakas C. kakayanan
B. paggalang D. tatag ng kalamnan
27. Sino ang tatanghaling panalo sa larong syato?
A. ang may pinakamalayong patpat
B. ang pinakamabilis pumukol o pumalo
C. ang may pinakamataas na lipad ng patpat
D. ang may pinakamalakas na pagpukol o pagpalo

Para sa Bilang 28-30

Physical Activities Pyramid Para sa Batang Pilipino

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
28. Ano-ano ang mga bumubuo sa Physical Activities Pyramid Para sa Batang
Pilipino?
I. dalas ng paggawa (frequency) III. mga gawaing pisikal (physical activities)
II. mga antas (levels) IV. takdang oras (time frame)
A. I, at II C. I, II, at III
B. III, at IV D. II, III, at IV
29. Mahilig magsayaw si Norham sa saliw ng mga paborito niyang awitin na Korean
Pop. Gaano kadalas niya ito dapat gawin bilang isang batang Pilipno?
A. araw-araw C. 2-3 beses sa isang linggo
B. 1 beses sa isang linggo D. 3-5 beses sa isang linggo
30. Si Jenn ay araw-araw na nagbibisikleta sa kanilang lugar. Bilang batang kagaya
niya, ano ang maipapayo mo sa kanya na dalas ng pagbibisikleta?
A. araw-araw C. 2-3 beses sa isang linggo
B. 1 beses sa isang linggo D. 3-5 beses sa isang linggo

Health 4
31. Ang sumusunod ay mga pagkain o produkto na nakalagay sa pakete, bote o
anumang uri ng lalagyan. Ano-anong mga pagkain ang nakatutulong sa paglaki
at nakakapagpatibay ng mga buto at ngipin?
A. gatas, itlog, keso, at yogurt C. gatas, mais, kamote, at tsokolate
B. gatas, kanin, prutas, at gulay D. gatas, keso, mantikilya, at kalabasa
32. Alin sa sumusunod na impormasyon ang makikita sa label o pabalat ng iba’t-ibang
pagkain na kailangan nating mabasa o makita upang mapangalagaan nang wasto
ang ating kalusugan?
A. kung kailan ginawa ang pagkain o inumin
B. kung hanggang kailan masarap ang lasa ng mga pagkain o inumin
C. kung kailan ginawa at magsisimulang masira o mapanis ang pagkain o
inumin
D. kung hanggang kailan mananatili sa pinakasariwang kalidad ang pagkain o
inumin
33. Si Sarah ay palaging umiinom ng sariwang gatas na nakalagay sa boteng plastic at
kahon. Ano ang dapat niyang gawin bago ito isalin sa baso para inumin?
A. Pilitin itong ubusin para hindi mapanis.
B. Ilagay ito sa refrigerator kapag hindi naubos.
C. Tingnang mabuti kung ito ay hindi pa expired.
D. Tikman muna kung ito ay panis o may masamang lasa.
34. Si Charissa ay bumili ng tinapay sa tindahan para sa kanyang almusal. Nang
buksan niya ito ay napansin niyang may kulay abo na nakadikit dito. Ano ang ibig
sabihin nito?
A. masarap ang tinapay
B. maasim na ang tinapay
C. bagong luto ang tinapay
D. inaamag na ang tinapay

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
35. May iba’t-ibang pamamaraan ng paghahanda ng ating mga pagkain upang
mapanatiling ligtas at masustansya. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
tamang paghahanda ng pagkain?
A. pag-iihaw ng isda
B. pagpiprito ng manok at baboy
C. pagbababad ng gulay sa suka
D. pagluluto ng half-cooked na gulay
36. Sa paanong paraan nakakapasok ang mikrobyo sa ating katawan?
A. pagtatakip ng bibig kapag uubo
B. pagkukutkot ng kuko gamit ang bibig
C. paggamit ng bimpo sa pagsingi ng sipon
D. paggamit ng malinis na kutsara at tinidor sa pagkain
37. Habang nakikipag-usap si Jane sa kaniyang kapatid ay hindi niya naiwasang
bumahing sa harap nito. Ano ang maaaring mangyari sa kaniyang kapatid?
A. Magdurugo ang ilong nito.
B. Mamamantal ang balat nito.
C. Mahahawa ito ng sipon sa kanya.
D. Magkakaroon ito ng trangkaso kinabukasan.
38. Si Kristine ay mayroong trangkaso na nagdulot ng pagbaba ng kaniyang immune
system. Paano niya palalakasin ang kaniyang immune system para mawala ang
kanyang trangkaso?
A. pagtulog nang madaling araw
B. pagkain ng sariwang prutas at gulay
C. panonood ng mga nakakatawang palabas
D. pag-eehersisyo upang lumakas ang katawan
39. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pamamaraan upang mapapanatiling
ligtas ang ating sarili mula sa sakit pagkatapos gamitin ang palikuran?
A. pag-apak sa toilet flush
B. paglalagay ng alcohol sa mga kamay
C. paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
D. pagbubuhos ng toilet seat at bowl matapos gamitin
40. Paano natin mapupuksa ang iba’t-ibang organismo tulad ng bacteria, virus, at
parasites na nagdudulot ng karamdaman?
A. paglilinis ng bahay at kapaligiran araw-araw
B. paglilinis ng katawan tuwing makalawang araw
C. paggamit ng mga pamatay sa insekto araw-araw
D. pagsisipilyo ng mga ngipin isang beses sa isang araw

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like