You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN MAPEH 5


QUARTER 1

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: . Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang quarter note ay may na kumpas
A. 2 B. 3 C. 1 D. 4

2. Ang halaga ng eight note sa palakumpasang tatluhan ay .


A. Isa B. dalawa C. kalahati D. Tatlo

3. Ang eight rest ay may halagang kumpas.


A. 1/2 B. ¼ C. 1 D. 2

4. Ang bawat tunog na maririnig natin sa musika ay kinakatawan ng simbolo na


tinatawag na .
a. rest/pahinga b. note/nota c. beat d. dynamics

5. Ang mga sumusunod na measures ay nagpapakita ng 4-time signature.


Alin ang hindi?

A. C.

B. D.

6. Ano ang ibig sabihin ng 3 na nakikita sa itaas ng ¾ time signature?


A. May tatlong notes bawat measure.
B. May tatlong rests bawat measure.
C. May tatlong beats bawat measure.
D. May tatlong measure bawat staff.

7-8.Tukuyin ang mga rhythmic pattern na nasa ibaba. Isulat ang titik na kumakatawan sa
sagot.
A. dalawahan
B. tatluhan
C. apatan

7.

8.

9. Ilang kumpas ang makikita sa bawat measure ng 2/4 time signature?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
10. Ano naman ang tinutukoy ng numero o bilang na makikita sa itaas na bahagi ng ¾ time
signature?
A. Nagsasaad kung ilang beat maryoon ang bawat measure
B. Nagsasaad kung ilang accent mayroon ang bawat measure
C. Tumutukoy sa note na tatanggap ng isang beat
D. Tumutukoy sa accent na tatanggap ng isang beat.
11. Saan matatagpuan ang diin o accent sa 4/4 time signatutre?
A. una B. ikalawa C. ikatlo at ikaapat D. parihas na b at c
12. Alin ang katumbas ng simbolong sa simbolo ng rest ?
A. b. C. D.
13. Alin sa mga sumusunod ang rhythm syllable ng half note?
A. ta B. ta-ta C. ta- a D. Ti

14. Ito ay ang rhythmic pattern na nagpapakita ng sukat na dalawahan.

A. C.

B. D.

15. Piliin ang note ng rhythm syllable ng ti-ti.


A. B. C. D.

ARTS
16. Masayang ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Pasko at Bagong Taon. Sa panahong ito, bawat
pamilya ay samasamang nagsisimba at nag-aalay ng panalangin sa Dakilang Lumikha.
A. Pasko at Bagong Taon C. Araw ng mga Patay
B. Araw ng Kagitingan D. United Nations

17. Anong paraan ng shading ang gumagamit ng pinagkrus na linya?


A. contour shading C. cross contour
B. crosshatching D. contour lining
18. Alin sa mga halimbawa ng shading ang nagpapakita ng crosshatching technique?

A. C.

B. D.

19. Isang uri ng payak na tahanan gawa sa kawayan,dahon ng niyog,at damong kogon.
A. bahay na bato C. bahay-kubo
B. bunggalo D. Torogan

20. Sa mga pamayanan sa Timog tulad ng Marawi,itinuring itong mahalagang tanawin.


A.Okir C.Panolong
B.Disenyong Muslim D.Torogan

21. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa bahay na bato maliban sa isa..


A.kilala sa Pilipinas C.natatanging arkitiktura
B.naitayo sa panahon ng mga kastila D.payak na tahanan

22. Ito ang paggamit ng mga linya sa paglikha ng ilusyon ng espasyo.


A. Perspektibo C. Kulay ng mga bagay
B. Sukat ng mga bagay D. Detalye ng mga bagay

23. Mas madilim ang kulay ng mga bagay na malapit sa tumitingin habang mapusyaw ang
mga nasa malayo.
A. Pagkakapatong-patong ng mga bagay C. Detalye ng mga bagay
B. Detalye ng mga bagay D. Sukat ng mga bagay

24. Kapag mas malayo ang isang bagay, mas kaunti detalye nito.
A. Detalye ng mga bagay C. Sukat ng mga bagay
B. Pagkakapatong-patong ng mga bagay D. ang masisinagang
25. Isang material o bagay na gawa ng tao na nagpapakita ng kasaysayan, kabuhayan, at
paraan ng pamumuhay noong unang panahon.
A. Arkeolohikal B. Artifact C. Balangay D. Sining

26. Isa sa naging miyembro sa pagpapatayo ng kapitolyo ng ating lalawigan.


A. Victor Tomelden C. Pope Francis
B. Don Antonio Bengson Sr. D. Daniel Maramba

27. Ang gusaling ito ay itinatag noong 1901. Dito inilalagak ang mga bagay na may
kinalaman sa kasaysayan at mga bagay na may kinalaman sa sining at siyensiya ng
ating bansa.
A. Pambansang Museo C. Batasang Pambansa
B. simbahan D. Artifacts

28. Ito ay layunin ng eksibit .


A. Maipagdamot sa iba ang mga likhang sining.
B. Maipagyabang ang mga pamana ng ating mga ninuno.
C. Maipakita na ang mga sinaunang bagay at bahay ay walang katuturan.
D. Maitanghal at maipagmalaki ang mga sinaunang bagay at bahay ng ating kultura.

29. Dapat bang pangalagaan ang sinaunang bagay?


A. Oo, kasi ito ay nakatutulong sa paglinang ng pambansang pagkakakilanlan at
pagkakaisa.
B. Hindi, kasi marami nang mga bago at magagandang gusali/bagay sa panahon
ngayon.
C. Huwag ito pagtuunan ng pansin.
D. Wala akong pakialam.

30. Paano naiiba ang sinaunang bagay sa makabagong kagamitan?


A. May taglay na linya at lungkot
B. May taglay na disenyo at kulay
C. May taglay na ibenta
D. Wala sa nabanggit

P.E
31. Ano ang tawag sa gabay para malaman gaano kadalas ginagawa ang
mga gawaing pisikal?
A. Physical Activity Pyramid Guide
B. Physical Activity Pyramid Lesson
C. Physical Activity Pyramid Evaluation
D. Physical Activity Pyramid Presentation

32. Alin sa mga sumusunod na gawain ang mainam gawin araw – araw?
A. Paglalaro ng Basketbol
B. Pag – akyat sa punongkahoy
C. Pagtulong sa mga gawaing bahay
D. Paghiga ng matagal sa kama tuwing umaga
33. Sa anong antas ng Pyramid Guide napabilang ang pagsasayaw ng Ballroom?
A. Pangatlong antas C. Pinakamababang antas
B. Pangalawang antas D. Pinakamataas na antas

34. Ilang beses sa isang linggo ginagawa ang pagpapakain ng alagang aso?
A. 1 beses C. 3 – 5 beses
B. 2 – 3 beses D. araw – araw

35. Alin ang dapat tandaan sa pagsasagawa ng mga physical activities?


A. Gawin ang mga ito nang madalian.
B. Gawin ang mga ito tuwing hapon lamang.
C. Gawin ang mga ito kapag walang gumagabay.
D. Gawin ang mga ito na may kaukulang pag – iingat.

36. Anong sangkap ng physical fitness ang tumutukoy sa kakayahang makaabot


ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at
kasukasuan?
A. Balance B. Coordination C. Flexibility D. Power
37. Gusto ni Jose na malaman ang kanyang bilis. Anong physical activity
ang dapat niyang gawin?
A. 40-meter sprint C. Hexagon Agility Test
B. Stork Stand Test D. Standing Long Jump
38. Anong sangkap sa Physical Fitness ang Sit and Reach?
A. Power B. Speed C. Flexibility D. Coordination
39. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng paglilinang sa Reaction
Time?
A. Push up C. Hexagon Agility test
B. Ruler Drop test D. 3 - minute step test

40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang


gawain?
A. Si Kiko ay nag 3 - minute step test ng madalian.
B. Si Jia ay tumatakbo ng mabilis sa loob ng kanilang bahay.
C. Si Anton ay nag Sit and Reach nang walang gumagabay na
nakakatanda.
D. Si Linda ay nag Standing Long Jump ng may pag – iingat at
may magulang na gumagabay.

41. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang


gawain sa paglalaro?
A. Maglaro sa loob ng bahay kahit may kalat.
B. Lumabas ng iyong tahanan para sa kalsada maglaro.
C. Sundin ang mga batayan/rules para maging maayos ang laro.
D. Dayain ang mga kalaro mo para ikaw ang manalo sa inyong laro.

42. Ilang beses dapat ma out ang isang manlalaro/grupo sa


Kickball?
A. 2 beses B. 3 beses C. 4 beses D. 5 beses
43. Anong mga kasanayan ang maaaring gawin sa Batuhang Bola?
A. Pagtakbo, Pag – iwas, at Pagsalo
B. Pagtakbo, Pag – iwas, at Pagtalon
C. Pagtakbo, Pag – iwas, Pagsalo at Pagbato
D. Pagtakbo, Pag – iwas, Pagtalon at Pagbato

44. Ito ay isang larong pinoy na ginagamitan ng maliit at mataas na patpat.


Anong laro ito?
A. Syato C. Luksong Baka
B. Kickball D. Batuhang Bola

45. Ano ang kahalagahan ng mga larong pinoy para sa Physical Fitness?
A. Ito ay nakadagdag sa ating timbang.
B. Ito ay nakapagpataas ng iyong marka sa pasulit.
C. Ito ay nakatutulong para mapaunlad ang ating kalusugan.
D. Ito ay nakahihina ng resistensiya dulot ng labis na pagkilos.

HEALTH
46. Alin sa mga sumusunod ang taglay ng taong may malusog na kaisipan?
A. laging malungkot C. positibo ang pananaw niya sa buhay
B. gusto niyang mapag-isa lagi D.iyakin

47. Ano ang may kaugnayan sa pagkakaroon ng kalusugang pisikal,emosyonal,mental at


sosyal na kalagayan.
A. pagkakaroon ng malusog na kaisipan
B. maging negatibo sa buhay
C. magbasa
D. makinig sa mga awiting papuri sa Diyos

48. Bakit napakahalaga sa buhay ng isang bata ang pagkakaroon ng positibong emosyon?
A. mapapaaway ka C. wala kang kaibigan
B.maging maayos ang lahat D.magkakaroon ka ng kaibigan

49. Anong aspeto ng kalusugan ang nagpapakita ng positibong emosyon at pag-uugali?


A. kalusugang sosyal C. kalusugang emosyonal
B.kalusugang mental D.kalusugang pisikal

50. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa paglinang at pag-aalaga sa kalusugang
mental?
A. Magkaroon ng sapat na tulog, hindi labis o hindi kulang
B. Kumain ng masustansiyang pagkain
C.Magkaroon ng regular na ehersisyo
D. Magpuyat sa kanonood dahil nalilibang ka.

51. Anong uri ng relasyon ang nakapagbibigay kasiyahan sa isang tao?


A. Magulong relasyon C. Masalimuot na relasyon
B. malusog na relasyon D. Masamang relasyon
52. Sino sa sumusunod na pamilya ang mayroon malusog na relasyon?
A. Ang mga magulang ni Nelia ay nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga kagamitan sa
bahay sa tuwing sila ay nag-aaway.
B. Ang Pamilyang Ramos ay nag-uusap ng mahinahon sa tuwing may hindi
pagkakaunawaan sa bawat kasapi ng pamilya.
C. Ang mga anak nila Mang Ben at Aling Tess ay walang kalayaan upang
makapagpahayag ng kanilang saloobin at problema sa kanilang pamilya.
D. Sa magkapatid na Alfred, Ben at June, palaging mas binibigyan ng atensiyon at
pinapanigan si June ng kanyang mga magulang dahil siya ang bunso

53. Alin ang palatandaan ng pagkakaroon ng malusog na relasyon?


A. may pagbibigayan
B. walang oras sa pakikipag-usap
C. Nagseselos kapag may kasamang iba ang kaibigan.
D. Walang Kalayaan upang makapagpahayag ng opinion o idea.

54. Ito ay tumutukoy sa alalahanin kung saan may mga gawaing sinasadya upang saktan
ang damdamin ng isang tao ng paulit-ulit sa loob at labas ng paaralan.
A. Pambubulas C. Panliligalig
B. Pang-aabuso D. Panunukso

55-56. Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?


55. May kapatid kang nagtatago sa tuwing may darating na bisita. Ayaw din
niyang makipag-usap. Gusto niyang palagi mapag-isa.Paano mo siya tutulungan?
A. Pagtawanan siya sa kanyang inaasal.
B. Pabayaan lamang siya sa kanyang ipinapakitang pag-uugali.
C. Pagalitan siya at pagsabihan na dapat siyang makipagsalamuha sa mga bisita.
D. Kausapin ng mahinahon ang kapatid at ipapangako na sasamahan ito hanggang sa
umalis ang mga bisita.

56. Palagi kang inaabangan ng kapitbahay mong si Ronnie sa iyong pag-uwi at hinihingan
ka ng pera. Nagbanta itong bugbugin ka kapag hindi mo ibibigay ang kanyang
hinihingi.
A. Makikipagsuntukan ako kay Ronnie.
B. Lalaitin at pagsasalitaan ng masama si Ronnie.
C. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng aking pera para hindi na niya ako guguluhin.
D. Tatakbo at iiwasan si Ronnie. Ipapaalam ko sa aking mga magulang ang

57. Tumutukoy ito sa mapanalakay o agresyon na kakikitaan ng dahas, pamimilit o


pamwewersa.
A. pagkamasumpungin C. paghahari-harian
B. panliligalig D. social anxiety

58. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng pabago-bagong emosyon, minsan sobrang


kasiyahan at minsan naman ay labis na kalungkutan?
A. panliligalig B. cyberbullying C. social anxiety D. Pagkamasumpungin
59. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kapag nakakaranas ng social anxiety?
A. maglibang kasama ang ibang tao
B. huwag makisalamuha
C. huwag makipag-usap sa ibang tao
D. makaramdam ng inggit

60. May kaibigan kang may suliranin sa kanilang tahanan. Sinasabi ng kaibigan mo na
gusto na niyang umalis sa kanilang tahanan dahil madalas na nag-aaway ang kanyang
mga magulang. Anong payo ang ibibigay mo sa kanya?
A. Gumamit ng bawal na gamot upang malimutan ang problema.
B. Imbitahan siyang tumira muna sa aming bahay.
C. Papayuhan siya na ipagpatuloy ang kanyang plano kung iyon ang sa tingin niyang
nararapat gawin.
D. Kakausapin ko siya at sasabihin na dapat ay isipin muna niyang mabuti kung ano
ang kahihinatnan ng kanyang gagawin.

You might also like