You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT


MAPEH 2

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

MUSIKA
1. Ito ang kombinasyon ng mga tunog na naririnig at hindi naririnig
na may pareho o magkaibang haba.
A. Musika
B. Panandang Guhit
C. Ritmo
D. Rhythmic Pattern

2. Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa quarter


rest?
I. Hindi naririnig
II. Tumatanggap ng kaukulang bilang
III. Simbolo sa musika
IV. Mayroong mas mabilis na kilos
A. I at II
B. III at IV
C. I, II at III
D. IV lamang

3. Ang pagsasagawa ng kilos nang may pantay na kumpas ay


kinakailangan ng lubos na __________.
I. Pakikinig
II.Pandama
III.Pagmamasid
IV.Husay sa musika
A. I at II
B. I, II at III
C. II, III at IV
D. I, III at IV

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama tungkol sa


Melodic?
I. Ito ay tinatawag na galaw ng tono.
II. Pinagsamang pantay at pataas na tono.
III. Maaaring pababa at pantay na tono.
IV. Tinatawag na bahay ng mga nota.
A. I, II at III
B. II, III
C. II at IV
D. IV lamang

5. Ano - ano ang bumubuo sa staff o limguhit?


I. Limang guhit
II. Apat na puwang
III. Rests
IV. Nota
A. I at II
B. I at III
C. II at IV
D. III at IV

6. Suriin ang larawan. Aling nota ang may pinakamataas


na tono?
A. Do
B. Re
C. Mi
D. Fa

7. Nakabibingi ang tunog na narinig mo sa parada sa


kalsada. Anong instrumentong pangmusika ang
nakalilikha ng malakas na tunog?

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A. Biyulin
B. Pompiyang, Tambol at Torotot
C. Tambol at Pompiyang
D. Torotot

8. Bakit kailangang sundin ang mga paraan ng wastong


pag awit?
I. Upang makaawit nang masaya.
II. Upang makaawit nang kaaya-aya sa pandinig.
III. Upang maaliw ang mga nakikinig.
IV. Upang lalo pang maging sikat sa mga tao.
A. I at IV
B. I at II
C. I, II at III
D. I at III

9. Anong emosyon ang ipinakikita ng mabilis na tugtog?


A. Kasiglahan, positibo at mabilis na emosyon.
B. Malungkot at natatakot na emosyon.
C. Masaya at naghahatid ng emosyon.
D. Nagagalit at naguguluhan ang isip.

10. Ang tempo ng isang awitin o tugtugin ay may katangian na


maaaring _______________.
A. Mabagal at mas mabilis
B. Mabagal, mas mabagal, mabilis at mas mabilis
C. Mabagal, mabilis at mas mabilis
D. Mabilis at mabagal

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

SINING

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa istilo


ng pagguhit ni Fernando C. Amorsolo?
I. Siya ay nagpapakita ng abstrak.
II. SIya ay gumagamit ng konseptong “Still Life”.
III. Tungkol sa mga totoong tao o bagay na makikita sa kapaligiran
ang kanyang mga iginuguhit.
IV. Ang kanyang mga ginuguhit ay mula sa kaniyang
imahinasyon.
A. I at IV
B. II at III
C. I at II
D. II, III at IV

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa pagguhit


ng mukha ng tao?
I. Maaari tayong gumamit ng iba’t ibang linya.
II. Maaaring magkakaiba ang hugis ng mga mukha ng tao.
III. Magkakapareho lahat ang hugis ng mga mata.
IV. Tayo ay maaaring gumamit ng iba’t ibang tekstura.
A. I, II at III
B. I, II at IV
C. II at III
D. II

13. Paano ang tamang pamamaraan ng pagkukulay gamit ang


iba’t ibang kagamitan sa pagguhit?
A. Gumamit ng iisang kulay.
B. Gamitan ng mapusyaw na kulay.
C. Gamitan ng matingkad na kulay.
D. Gumamit ng matingkad at mapusyaw na kulay.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

14. Nais mong gayahin ang likhang sining na bahay mula sa ginupit
na papel na gaya ng nasa ibaba. Alin sa mga bagay sa ibaba
ang maaaring gawing gabay sa pagguhit ng mga linya at hugis
na gagamitin mo?

baso
notebook plato

A. Aklat, notebook at kahon


B. Aklat, bote at kahon
C. Aklat, bote at plato
D. Baso, bote kahon

15. Sa paggawa ng saranggola, ano ang dapat tandaan upang


makalipad ito nang maayos?
I. Gumamit ng materyales na magaan.
II. Lagyan ng mga dekorasyon.
III. Lagyan ng magaan na buntot.
IV. Siguraduhing balanse ang lahat ng bahagi nito.
A. I at II C. I, III at IV
B. II at III D. II, III at IV

EDUKASYONG PANGKATAWAN

16. Nais magsagawa ni Kevin ng galaw na lokomotor. Alin sa mga


sumusunod ang dapat niyang ipakita?
A. Pagyuko
B. Pagkembot
C. Pagtakbo
D. Pag-unat

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

17. Nasiyahan si Sabel sa ginawa niyang pag-eehersisyo habang


sinasabayan ng tugtog ang paglakad, pagyuko, pagtakbo at
paglukso. Alin sa mga nabanggit na kilos ang di-lokomotor?
A. Paglakad
B. Pagyuko
C. Pagtakbo
D. Paglukso

18. Bakit mahalaga sa ating katawan ang pag-eehersisyo lalo


ngayong panahon ng pandemya?
I. Upang tayo ay lumusog
II. Upang tayo ay manghina
III. Upang tayo ay sumaya
IV. Upang tayo ay lumakas
A. I C. I at II
B. II D. I at IV

19. Anong galaw ng katawan ang ipinakikita ni Bel sa larawan?


A. Pag-iskape
B. Pagkandirit
C. Pagtalon
D. Pagtakbo

20. Sinunod ni Kevin ang wastong pagsasagawa ng Jumping Jack.


Paano niya ito ipinakita sa klase?
I. Tumayo na magkatabi ang mga paa at ang bisig ay nakababa.
II. Lumundag nang magkalayo ang mga paa at sabay ang
pagpalakpak sa itaas ng ulo bilang 1.
III. Lumundag muli at pinagtabi ang mga paa at ang kamay ay
ibinaba sa tabi… bilang 2.
IV. Umikot ng umikot hanggang sa mahilo.
A. I C. II, III at IV
B. IV D. I, II, at III

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

21. Nagpakita ng kasanayan si Isabel sa pagtakbo. Alin sa mga


pangungusap ang nagsasabi ng tama tungkol sa pagtakbo?
I. Ang pagtakbo ay nagpapalakas ng katawan at kalusugan.
II. Ang pagtakbo ay nakalilibang at nagpapatatag ng katawan.
III. Nakatuon ang mata kahit saang direksiyon habang
tumatakbo.
IV. Ang mga kamao ay bahagyang nakatikom o nakasara
habang tumatakbo.
A. IV
B. III
C. I at II
D. I, II, at IV

22. Alin sa mga sumusunod na pagkilos ang nagpapakita ng mabilis


na paggalaw?
I. Asong tumatakbo
II. Isdang lumalangoy
III. Kabayong nakikipagkarera
Iv. Pagong na naglalakad
A. I, II, III
B. I, II
C. I at IV
D. IV

23. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa paraan ng paglalaro ng


Batuhang Bola?
1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa isa’t isa.
2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang babato sa taga-
iwas.
3. Ang bawat tamaan ng bola ay kasali pa rin.
4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang tamaan ito
sa loob ng tatlo hanggang limang direktang pagbato.
A. 1 at 3 C. 2, 3 at 4
B. 1, 2 at 4 D. 1, 3 at 4

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

24. Alin sa sumusunod na pahayag ang nararapat gawin ng isang


batang tulad mo?
I. Maglaro buong araw
II. Kumain ng tama ayon sa edad
III. Ipamalas ang iyong talento sa pagawit at pagsayaw upang
maging modelo sa iba
Iv. Mag ehersisyo lamang kung kailan gusto
A. I
B. IV
C. I at III
D. I, II at III

25. Ito ang ating pambansang laro. Ang sining ng opensa at


depensa, ginagamitan ito ng patpat na yari sa yantok o
kamagong.
A. Arnis
B. Habulan Taya
C. Langit Lupa
D. Patintero

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN

26. Ano ang naibibigay ng pagkain sa ating katawan?


I. Lakas
II. Sakit
III. Bitamina
Iv. Protina
A. I, II at III
B. II at IV
C. I, III at IV
D. II lamang

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

27. Ano sa palagay mo ang maaaring mangyari sa iyo kapag


palaging junk foods ang kinakain mo?
I. Magiging malusog ako
II. Magkakaroon ako ng sakit
III. Kulang sa nutrisyon ang katawan ko
Iv. Magiging masigla at malakas ako
A. I at II
B. II at III
C. III at IV
D. I at IV

28. Paano mo maipakikita ang tamang pangangalaga ng iyong


katawan?
I. Madalas na paghuhugas ng mga kamay.
II. Gumamit ng mask kapag lumalabas ng bahay.
III. Magsepilyo minsan sa isang araw.
Iv. Kumain agad ng hindi naghuhugas ng kamay.
A. I at II
B. I at III
C. II at III
D. III at IV

29. Bakit mahalaga ang wastong asal at gawi ng pamilya sa


pagkakaroon ng mabuting kalusugan?
I. Nakatutulong upang maiwasan ang sakit ng bawat miyembro
ng pamilya.
II. Nagagawa natin ang ating nais gawin dahil sa malakas na
pangangatawan.
III. Napananatili nito ang sigla at lakas ng katawan ng pamilya.
Iv. Napananatili nito ang talas ng ating memorya.
A. I, II, III at IV
B. I at II
C. III at IV
D. III

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

30. Pagsunod-sunurin ang mga panuntunan na kailangang sundin


habang ginagamit ang mga pantahanang kemikal.
I. Huwag itong paglaruan.
II. Huwag tikman o amuyin ang mga ito.
III. Magsuot ng mga proteksyon tulad ng gwantes at goggles para
sa mata’.
Iv. Tiyakin na may patnubay ng magulang o nakatatanda bago
gumamit nito.
A. I, III, II, IV
B. IV, III, II, I
C. II, IV, I, III
D. I, II, III, IV

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like