You are on page 1of 7

MAPEH 2

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC TEST
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
MUSIKA
1. Ito ang kombinasyon ng mga tunog na naririnig at hindi
naririnig na may pareho o magkaibang haba.
A. Musika C. Ritmo
B. Panandang Guhit D. Rhythmic Pattern
2. Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa quarter
rest?
I. Hindi naririnig
II. Tumatanggap ng kaukulang bilang
III. Simbolo sa musika
IV. Mayroong mas mabilis na kilos
A. I at II C. I, II at III
B. III at IV D. IV lamang
3. Ang pagsasagawa ng kilos nang may pantay na kumpas ay
kinakailangan ng lubos na .
I. Pakikinig
II. Pandama
III. Pagmamasid
IV. Husay sa musika
A. I at II
B. I, II at III
C. II, III at IV
D. I, III at I
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama
tungkol sa Melodic Contour ?
I. Ito ay tinatawag na galaw ng tono.
II. Pinagsamang pantay at pataas na tono.
III. Maaaring pababa at pantay na tono.
IV. Tinatawag na bahay ng mga nota.
A. I, II at III C. II at IV
B. b. II, III at IV D. IV lamang
5. Ano-ano ang bumubuo sa staff o limguhit?
I. Limang guhit III. Rests
II. Apat na puwang Iv. Nota
A. I at II C. II at IV
B. I at III D. III at IV
6. Suriin ang larawan. Aling nota ang may pinakamataas na tono ?
A. Do
B. Re
C. Mi
D. Fa
7. Nakabibingi ang tunog na narinig mo sa parada sa
kalsada. Anong instrumentong pangmusika ang
nakalilikha ng malakas na tunog ?

A.

A. Biyulin
B. Pompiyang, Tambol at Torotot
C. Tambol at Pompiyang
D. Torotot
8. Bakit kailangang sundin ang mga paraan ng wastong pag- awit ?
I. Upang makaawit nang masaya.
II. Upang makaawit nang kaaya-aya sa pandinig.
III. Upang maaliw ang mga nakikinig.
IV. Upang lalo pang maging sikat sa mga tao.
A. I at IV B. I at II C. I, II at III D. I at III
9. Anong emosyon ang ipinakikita ng mabilis na tugtog ?
A. Kasiglahan, positibo at mabilis na emosyon.
B. Malungkot at natatakot na emosyon.
C. Masaya at naghahatid ng emosyon.
D. Nagagalit at naguguluhan ang isip.
10. Ang tempo ng isang awitin o tugtugin ay may katangian
na maaaring .
A. mabagal at mas mabilis
B. mabagal,mas mabagal, mabilis at mas mabilis
C. mabagal, mabilis at mas mabilis
D. mabilis at mabagal
SINING
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nglalarawan sa
istilo ng pagguhit ni Fernando C. Amorsolo?
I. Siya ay nagpapakita ng abstrak.
II. Siya ay gumagamit ng konseptong “Still Life”
III. Tungkol sa mga totoong tao o bagay na makikita sa
kapaligiran ang kanyang mga iginuguhit.
IV. Ang kanyang mga ginuguhit ay mula sa kaniyang
imahinasyon.
A. I at IV C. I at II
B. II at III D. II,III at IV
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa
pagguhit ng mukha ng tao ?
I. Maaari tayong gumamit ng iba’t ibang linya.
II. Maaaring magkakaiba ang hugis ng mga mukha ng tao.
III. Magkakapareho lahat ang hugis ng mga mata.
IV. Tayo ay maaaring gumamit ng iba’t ibang tekstura.
A. I, II at III C. II at III
B. I, II at IV D. II

13. Paano ang tamang pamamaraan ng pagkukulay gamit ang


iba’t ibang kagamitan sa pagguhit ?
A. Gumamit ng iisang kulay.
B. Gamitan ng mapusyaw na kulay.
C. Gamitan ng matingkad na kulay.
D. Gumamit ng matingkad at mapusyaw na kulay.
14. Nais mong gayahin ang likhang sining na bahay mula sa
ginupit na papel na gaya ng nasa ibaba. Alin sa mga bagay sa
ibaba ang maaaring gawing gabay sa pagguhit ng mga linya at
hugis na gagamitin mo ?
bas notebook

plato

A. aklat, notebook at kahon C. aklat, bote at plato


B. aklat, bote at kahon D. baso, bote, kahon
15. Sa paggawa ng saranggola, ano ang dapat tandan upang
makalipad ito nang maayos?
I. Gumamit ng materyales na magaan.
II. Lagyan ng mga dekorasyon.
III. Lagyan ng magaan na buntot.
IV. Siguraduhing balanse ang lahat ng bahagi nito.
A. I, at II C. I III at IV
B. II at III D. II, III at IV
EDUKASYONG PANGKATAWAN
16. Nais magsagawa ni Kevin ng galaw na lokomotor, alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang ipakita?
A. pagyuko C. pagtakbo
B. pagkembot D. pag-unat

17. Nasiyahan si Sabel sa ginawa niyang pag-eehersisyo habang


sinasabayan ng tugtog ang paglakad, pagyuko, pagtakbo at
paglukso. Alin sa mga nabanggit na kilos ang di-lokomotor ?
A. paglakad C. pagtakbo
B. pagyuko D. paglukso
18. Bakit mahalaga sa ating katawan ang pag-eehersisyo lalo

ngayong panahon ng pandemya?


I. upang tayo ay lumusog
II. upang tayo ay manghina
III. upang tayo ay sumaya
IV. upang tayo ay lumakas
A. I C. I at III
B. II D. I at IV
19. Anong galaw ng katawan ang ipinakikita ni Bel salarawan
?
A. pag-iskape
B. pagkandirit
C. pagtalon
D. pagtakbo

20. Sinunod ni Kevin ang wastong pagsasagawa ng Jumping Jack.


Paano niya ito ipinakita sa klase ?
I. Tumayo na magkatabi ang mga paa at ang bisig ay
nakababa.
II. Lumundag nang magkalayo ang mga paa at sabay ang
pagpalakpak sa itaas ng ulo bilang 1.
III. Lumundag muli at pinagtabi ang mga paa at ang
kamay ay ibinaba sa tabi… bilang 2.
IV. Umikot ng umikot hanggang sa mahilo.
A. I C. II, III at IV
B.IV D. I, II, at III

21. Nagpakita ng kasanayan si Isabel sa pagtakbo. Alin sa mga


pangungusap ang nagsasabi ng tama tungkol sa pagtakbo ?
I. Ang pagtakbo ay nagpapalakas ng katawan at
kalusugan.
II. Ang pagtakbo ay nakalilibang at nagpapatatag ng
katawan.
III. Nakatuon ang mata kahit saang direksiyon habang
tumatakbo.
IV. Ang mga kamao ay bahagyang nakatikom o
nakasara habang tumatakbo.
A. IV C. I at II
B.III D. I, II, at IV
22. Alin sa mga sumusunod na pagkilos ang nagpapakita
ng mabilis na paggalaw ?
I. Asong tumatakbo
II. Isdang lumalangoy
III. Kabayong nakikipagkarera
IV. Pagong na naglalakad
A. I, II, III B. I, II C. I at IV D. IV

23. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa paraan ng


paglalaro ng Batuhang Bola.
1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa
isa’t isa.
2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang
babato sa taga-iwas.
3. Ang bawat tamaan ng bola ay kasali pa rin.

4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang tamaan ito


sa loob ng tatlo hanggang limang direktang pagbato.
A. 1 at 3 B. 1, 2 at 4 C. 2, 3 at 4 D. 1, 3 at 4

24. Alin sa sumusunod na pahayag ang nararapat gawin ng isang


batang tulad mo ?
I. Maglaro buong araw.
II. Kumain ng tama ayon sa iyong edad.
III. Ipamalas ang iyong talento sa pag awit at
pagsayaw upang maging modelo sa iba.
IV. Mag ehersisyo lamang kung kailan gusto.
A. I B. IV C. I at II D. I, II at III
25. Ito ang ating pambansang laro. Ang sining ng
opensa at depensa, ginagamitan ito ng patpat na
yari sa yantok o kamagong.
A. Arnis
B. Habulan Taya
C. Langit Lupa
D. Patintero

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
26. Ano ang naibibigay ng pagkain sa ating katawan?
I. lakas
II. sakit
III. bitamina
IV. protina

A. I, II, At III C. I, III at IV


B. II at IV D. II lamang
27. Ano sa palagay mo ang maaaring mangyari sa iyo kapag
palaging junk foods ang kinakain mo ?
I. magiging malusog ako
II. magkakaroon ako ng sakit
III. kulang sa nutrisyon ang katawan ko
IV.magiging masigla at malakas ako
A. I at II C. III at IV
B. II at III D. I at IV
28. Paano mo maipakikita ang tamang pangangalaga ng iyong
katawan ?
I. Madalas na paghuhugas ng mga kamay.
II. Gumamit ng mask kapag lumalabas ng bahay.
III. Magsepilyo minsan sa isang araw.
IV. Kumain agad ng hindi naghuhugas ng kamay.
A. I at II C. II at III
B.I at III D. III at IV
29. Bakit mahalaga ang wastong asal at gawi ng pamilya sa
pagkakaroon ng mabuting kalusugan?
I. nakatutulong upang maiwasan ang sakit ng bawat
miyembro ng pamilya
II. nagagawa natin ang ating nais gawin dahil sa malakas na
pangangatawan
III. napananatili nito ang sigla at lakas ng katawan ng
pamilya
IV. napananatili nito ang talas ng ating memorya
A. I, II, III at IV B. I at II C. III at IV D. III
30. Pagsunod-sunurin ang mga panuntunan na kailangang sundin
habang ginagamit ang mga pantahanang kemikal.
I. Huwag itong paglaruan
II. Huwag tikman o amuyin ang mga ito.
III. Magsuot ng mga proteksyon tulad ng gwantes at
goggles para sa mata.
IV. Tiyakin na may patnubay ng magulang o nakatatanda bago
gumamit nito.
A. I, III, II, IV B. IV, III, II, I C. II, IV, I, III D. I, II, III, IV

You might also like