You are on page 1of 15

EPP 5

Home Economics
Iik
Ikalawang Markahan
EPP – Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 9: Wastong Paraan ng Pamamalantsa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Grace D. Cabañal
Editor: Dolores Antolin
Tagasuri: Dolores Antolin
Tagaguhit: -----
Tagalapat: Grace D. Cabañal
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikalawang Markahan
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto
Wastong Paraan ng Pamamalantsa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP –Home Economics 5 ng
Modyul para sa Wastong Paraan ng Pamamalantsa !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP- Home Economics - 5 Modyul ukol sa


Wastong Paraan at Paggamit ng Plantsa.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Mapagpalang araw!

Sa modyul na ito’y, inaasahang natutunan ang wastong paraan ng


pamamalantsa.

PAUNANG PAGSUBOK

Ano ang napansin mo sa kasuotan ng dalawang mag-aaral?


Kaaya-aya ba silang tignan? Ano ang sekreto ng pagiging maayos na
kasuotan?

Sagot:
____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
BALIK-ARAL

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek ang kahon kng
tamang batayan ng pamamalantsa ang isinasaad ng pangungusap at x ekis kung
hindi.
1. Iwasang iwanan ang pinaplantsa. Kung kinakailangan

tanggalin ang plug ng plantsa sa outlet na pinagmumulan ng


koryente.

2. Pagtuunan ng pansin ang ginagawa upang maiwasan ang

sakuna.
3. Ilagay sa mataas na temperatura ang init ng plantsa upang

mapabilis ang pamamalantsa.

4. Gawin ang pamamalantsa sa isang lugar na maliwanag at

mahangin.

5. Itiklop ang plantsahan at ilagay sa lugar na hindi ito

babagsak o babaliktad

ARALIN

Ang mga damit na bagong laba ay kailangang plantsahin. Hindi


magandang tingnan ang damit kung isusuot na hindi pinaplantsa. Ang
pamamalantsa ay isang paraan ng pangangalaga at pag-aayos ng damit
upang bumalik ang dating hugis at ayos nito.
Handa ka na ba sa gagawin natin ngayong araw? Ilabas mo na ang
mga gagamitin natin sa pagpaplantsa. Pero bago yan nais ko munang
ipakita sa iyo ang mga tamang hakbang ng pamamalantsa sa pamamagitan
ng mga larawan sa ibaba.
Mga Hakbang sa Pamamalantsa

1. Ihanda ang plantsa at mga damit na paplantsahin,


malinis na tubig, at bimpo na gagamitin sa
pamamalantsa.

2. Ilagay sa tamang temperature ang control ng plantsa.


Ang init ng plantsa ay inaayon sa uri ng damit na
paplatsahin. Ang telang koton at linen ay kailangang
ilagay sa mataas na temperature samantalang sa seda
ay katamtaman ang kailangang init.

3. Unahing plantsahin ang makakapal na damit at


isunod ang maninipis. Baligtarin ang damit at
plantsahin ang tupi, bulsa, hugpungan, kuwelyo
at laylayan.

4. Plantsahin ang mga manggas.

5. Ipasok ang balikat ng polo o bulsa sa dulo ng


plantsahan at plantsahin. Gawin ito sa kabilang
balikat.

6. Ipasok o ilusot ang buong damit sa plantsahan at


plantsahin ang harap at likod ng bulsa o polo.

7. Simulang plantsahin ang palda sa ibaba ng


baywang. Kung may pileges ang palda, ayusin ito at
padaanan ng basang bimpo bago plantsahin mula
laylayan patungong baywang.

8. Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad


ng bestida, pantalon, polo, at blusa. Ang mga damit
pambabae ay tiklupin at patasin ayon sa uri at itago
sa kahon o aparador.

9. Ang iba pang kagamitang tulad ng panyo at mga


damit panloob ay kailangang plantsahin.

10. Huwag iwanan ang plantsa sa ibaba ng tela o sa


ibabaw ng kabayo. Ilagay ito sa bakal na lalagyan .
Kung tapos na sa pagpaplantsa, alisin ang plug
kung de-kuryente ang ginagamit na plantsa.
Palamigin ang plantsa at langisan bago ito itago.
Itiklop ang plantsahan.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ito’y isinagawa at ekis (x) kung
hindi.
Pamantayan Tsek Ekis
1. Naihanda ko ba ang mga
kagamitan bago ang
pamamalantsa.
2. Gumamit ba ako ng dahon ng
saging na pagpapatungan ng
plantsa upang
maging magaan ang
pamamalantsa?
3. Ang init ba ng plantsa ay
angkop sa tela na aking
pinaplantsa?
4. Inuna ko ba ang makapal bago
ang manipis na damit?
5. Ibinalik ko ba sa karayagan
ang damit upang plantsahin
ang kuwelyo,manggas,likod at
harapan ng damit?
6. Naalis ba ang lukot ng damit
na aking pinaplantsa?
7. Isinabit ko ba sa hanger ang
mga damit na aking
naplantsa?
8. Nasiyahan ba ako sa
pamamalantsa ng mga damit?

Balikan natin ang tseklist. Alin ang hindi mo naisagawa ? Bakit?

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang larawan ng tamang pagkakasunod-


sunod ng paraan ng pamamalantsa.

________
_________

_________

_________

_________

B. Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa
kahon.

Palamigin Ihanda makapal na damit

temperatura hanger
1. __________ ang plantsa at mga damit na paplantsahin,
malinis na tubig, at bimpo na gagamitin sa
pamamalantsa.

2. Ilagay sa tamang __________________ ang control ng plantsa.

3. Unahing plantsahin ang ________________________ at


isunod ang maninipis.

4. Isabit sa ________ ang mga naplantsang damit tulad


ng bestida, pantalon, polo, at blusa.

5. _______________ ang plantsa at langisan bago ito itago.

C. Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na


pangungusap.
________ 1. Ibinalik sa karayagan ang damit upang plantsahin
kuwelyo,manggas,likod at harapan ng damit.
_________ 2. Ihinanda ang mga kagamitan bago ang pamamalantsa.
_________ 3. Hinayaang nakabukas ang plantsa kahit tapos na sa
pamamalantsa.
_________ 4. Inuna ang makapal bago ang manipis na damit sa
pamamalatnsa.
_________ 5. Hindi isinabit ko ba sa hanger ang mga damit na aking
naplantsa.

PAGLALAHAT

Panuto: Sa iyong pagsasagawa ng gawaing pamamalantsa, ano ano ang


mga natutunan mo? Sumulat ng limang pangungusap.
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

Isang umaga napansin ko ang aming kapitbahay na tambak ang


plantsahin nilang damit. Buong tiyaga niyang ginawa ang pamamalantsa ng
damit maging ito ay kasuotang panloob o panlabas. Dahil sinunod niya ang
mga tamang pamamaraan ng pamamalantsa ay maaga siyang natapos at
nailagay sa cabinet ang bawat kasuotan. Marahan din niyang ibinalik sa
lagayan ang plantsa at plantsahan. Masayang natapos sa gawaing
pamamalantsa ang aming kapitbahay.

1. Ano ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa pamamaraan ng


pagpaplantsa? Anong magandang katangian ang ipinakita ng aming
kapitbahay?

Sagot
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng tamang bilang ang mga pangungusap ayun sa


pagkaksunod sunod ng tamang paraan ng pamamalantsa.

________ Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad


ng bestida, pantalon, polo, at blusa.

________ Ihanda ang plantsa at mga damit na paplantsahin,


malinis na tubig, at bimpo na gagamitin sa
pamamalantsa.
________ Ang iba pang kagamitang tulad ng panyo at mga
damit panloob ay kailangang plantsahin.
________ Palamigin ang plantsa at langisan bago ito itago.
Itiklop ang plantsahan.
________ Unahing plantsahin ang makakapal na damit at
isunod ang maninipis. Baligtarin ang damit at
plantsahin ang tupi, bulsa, hugpungan, kuwelyo
at laylayan.
SUSI SA PAGWAWASTO
PAUNANG PAGSUBOK
1. Ang napansin ko sa kasuotan ng mga mag –aaral ay maayos at malinis.
BALIK-ARAL
1. 2. 3. X 4. 5.
MGA PAGSASANAY
A. 5-3-1-4-2
B. 1. Ihanda C. 1. TAMA
2. temperature 2. TAMA
3. makapal na damit 3. MALI
4. hanger 4. TAMA
5. Palamigin 5. TAMA
PAGLALAHAT
1. Ihinanda ang mga kagamitan bago ang pamamalantsa.
2. Unahing plantsahin ang makakapal na damit at isunod ang maninipis.
Baligtarin ang damit at plantsahin ang tupi, bulsa, hugpungan, kuwelyo
at laylayan.
3. Ang iba pang kagamitang tulad ng panyo at mga damit panloob ay
kailangang plantsahin.
4. Isabit sa hanger ang mga naplantsang damit tulad ng bestida, pantalon,
polo, at blusa.
5. Palamigin ang plantsa at langisan bago ito itago.
Itiklop ang plantsahan.
PAGPAPAHALAGA
1. Ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa pamamaraan ng pagpaplantsa ay
maayos na naisasagawa ang gawaing pamamalantsa.
Ang pagiging matiyaga ang naipakitang kaugalian ng kapitbahay sa kuwento.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
4-1-3-5-2
Sanggunian

Dep Ed Most Essential Learning Competencies (EPP 1.8)


Ana B. Vantura, Evelyn D. Deliade, Randy R. Ermen. Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pagkabuhayan 5. Adriana Publishing Co. INC.
Manila Phil.
Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, Yolanda L.
Quiambao, Jeffrey D. de Guzman. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran 5 2016 Vibal Group
Herminia E. Alviar, Ma. Cereza A. Maguyon, Timoteo C. Alviar. Angat
Kabuhayan 5 2008 Rex Book store Inc.

You might also like