You are on page 1of 2

SALUS INSTITUTE OF TECHNOLOGY

Cabulijan, Tubigon, Bohol


S.Y. 2021-2022

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Guro: Gng.Aileen J. Batausa,RN, LPT

Ikalawang Markahan (Ikalawang Linggo)

Modyul 2:
PAKIKIPAGKAPWA TAO DAAN TUNGO SA MAKABULUHANG UGNAYAN

ALAMIN!

Ang tao ay likas na panlipunang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa


kaniyang kapwa upang malinang siya sa aspektong
intelektwal,panlipunan,pangkabuhayan ,at politikal. Ang birtud ng katarungan
at pagmamahal ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
Ang pagiging ganap niyang tao matatamo sa paglilingkod sa kapwa-ang tunay
na indikasyon ng pagmamahal.
Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na
dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral.

Ang pagiging ganap na tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa-ang


tunay na indikasyon ng pagmamahal. (EsP8PIIa-5.3)
Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga
mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong
pangkabuhayan o pulitikal. (EsP8PIIb-5.3)

SURIIN!

Sino-sino kaya ang mga itinuturing mong kapwa sa bahaging tuklasin?


Tiyak na naisulat mo ang iyong magulang, kaibigan, kaklase at iba pa. Ano
ang nagagawa ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa? Sa simpleng usapan,
tawanan at kwentuhan ay unti-unting nalilinang ang iyong
pagkatao.Maraming nagagawa ang pakikipag-uganyan mo sa iba sa pagkat ang
iyong aspektong intelektwal, pangkabuhayan at politikal ay daan tungo sa
makabuluahng ugnayan.
Ang bawat isa ay bukod tangi at mayroon kaniya kaniyang taglay na
talento at kakayahan na ibinigay ng Diyos na magagamit sa pakikipag-
ugnayan sa iba. Kailangan mo ang iyong kapwa sapagkat mayroon kang mga
pangangailangan na hindi matutugunan kung wala ang kapwa mo at ganoon
din kailangan ka rin ng kapwa mo- kailangan kita! Kailangan mo ako! Kapwa-
tao tayo.
Ang mga pangangailangan mo at ng ibang tao ay madaling matugunan
kung mayroon pagkakaisa ,pagtutulungan at bukas na komunikasyon.At higit
sa lahat ang birtud ng katarungan at pagmamahal ay kailangan upang maging
matatag ang pakikipagkapwa. Kaya una munang kailangang matugunan ang
pagbibigay ng nararapat sa kapwa.Kailangan ang katarungan upang maibigay
ang nararapat,na walang iba kundi ang paggalang sa kaniyang
dignidad.Subalit may mga bagay na maari nating ibigay nang higit pa sa
itinakda ng karapatan at katarungan,ito ay ang mga bagay na ayon sa ating
pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.
Aspektong intelektwal ,politikal ,panlipuna’t pangkabuhayan ay
malilinang sa pagkakaroon ng isang makabuluhang pakikipag-ugnayan.

1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Ikalawang Markahan ( Ikalawang Linggo)

Pangalan: ________________________________ Iskor: ___________


Baitang at Seksiyon: _____________________ Petsa: ___________

Guro: Gng.Aileen J. Batausa,RN, LPT

ISAGAWA!

Gawain 1.

Isabuhay Mo!
Panuto: Gamit ang talaan sa ibaba.Isulat ang mga taong nais mong paglingkuran at
mga bagay na nais mong gawin upang mapaunlad mo ang pakikipag-ugnayan sa
kanila.

Gagawin ko
Pangalan Siya upang Petsa Nararamdaman
ay aking: mapaunlad ng ko pagkatapos
ang pagsasakatuparan kung gawin
kaugnayan
ko:

1.

2.

3.

4.

5.

Sanggunian

 Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-


BLR, Unang Edisyon 2013, pp 117-132

You might also like