You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BAYANAN ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BAYANAN, BACOOR CITY, CAVITE

SEPTEMBER 1, 2022 - THURSDAY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

TIME SECTION
10:40-11:10 INTEGRITY
11:30-12:00 PURITY

I. Layunin:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa pamilya EsP6PKP Ia-i– 37
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon

II. Paksang Aralin:


Pagsusuri ng mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pagpapasya

III. Sanggunian:
PIVOT Module - CLMD4A_EsPG6 pahina 13-14, 17
K-to-12-MELCS pahina 86
BOW in ESP pahina 239

IV. Kagamitan:
Powerpoint Presentation / Pivot Module / Activity Sheet

V. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Balikan natin ang mga kahalagahan ng pagsusuri sa sarili.
A. Napatatatag ang relasyon
B. Higit na nagiging malinaw ang bagay-bagay o sitwasyon
C. Nakilala mo ang iyong tunay na pagpapahalaga
D. Napapaunlad ang kakayahang bumuo ng mabuting desisyon o pagpapasya
E. Mas nakatutulog nang mahimbing
F. Nababawasan ang pag-alala at pagkabaha

2. Pagtalakay:
Sa pagkakataong ito, atin naming alamin ang mga hakbang upang mas makilala natin ang ating
mga sarili at at masuri ang mga pangyayari.

1. Humanap ng tahimik na lugar.


Mas makapag-iisip ka ng malinaw at makatotohanan kung ikaw ay nasa tahimik at mapayapang
lugar. Ito ay isang lugar na kung saan ay ikaw ay komportable, hindi ka maaabala ng mga tao o
bagay na nakapaligid sa iyo.
2. Tanungin ang sarili ng mga mahahalagang tanong
Kung nais nating suriin ang ating sarili, maaari nating kausapin ang ating sarili at magtanong sa
sarili katulad ng pamamaraan kung paano tayo nagtatanong sa mga taong mas may kaalaman
kaysa sa atin.

Gamitin ang mga sumusunod: “Bakit?”, “Ano?’, “Saan?”, “Sino?”, at “Paano?”


Halimbawa:
Bakit ito nangyari o bakit ito ang naging desisyon ko?
Ano ang dapat kong ginawa o ano ang maaari ko pang gawin?
Saan ito patungo o ano ang magiging bunga nitong desisyon ko?
Sino ang maaaring maapektuhan ng desisyong ito?
Paano ko isasagawa ang aking nabuong desisyon?

Maaari ka ring magtanong ng iba pa na sa iyong palagay ay makatutulong sa kung anuman ang
iyong sinusuri.

3. Bigyan ang sarili ng panahon


Maaring bigyan natin ang ating sarili ng panahon o ‘time” upang mas makapag-isip o masuri ang
sarili at pangyayari subalit kailangang alam mo kung kailan dapat huminto. Iwasan ang “over-
thinking” o iyong pag-iisip ng paulit-ulit subalit wala namang nabubuong desisyon sapagkat ito
maaaring magdulot ng di mabuting resulta. Mahalaga na bigyan ang sarili ng limitasyon o panahon
kung hanggang kailan lamang isasagawa ang personal na pagsusuri.

4. Isulat sa dyornal ang mga naiisip


Magkaroon ng dyornal kung saan naitatala mo ang mga naiisip habang nagsusuri ng sarili tungkol
sa mga pangyayaring may kinalaman sa sarili na magsisilbing “reviewer” mo sa tamang panahon.

5. Makipag-usap sa mga propesyunal o pinagkakatiwalaang tao


Nakatutulong din ang pakikipag-usap sa mga propesyunal o mga pinagkakatiwalang tao upang
matulungan ka na maiayos ang iyong mga iniisip at makaisip ng mga dapat mong gawin sa pagbuo
ng positibo mong pagbabago na hinahangad. Nakatutulong din ang pakikipag-usap sa mga tamang
tao upang mapagaan ang iyong isipan at damdamin.

3. Pang-isahang gawain: (Activity Sheet)


Panuto: Isipin ang isang pangyayari sa iyo o sa inyong pamilya. Suriin ang pangyayaring
ito gamit ang talaan ng paraan ng pagsusuri ng sarili sa ibaba. Ang isang halimbawa ay
ibinigay upang maging gabay mo.

Ano ang nais Sino ang mga


Bakit ito ang
mong maging makakatulong
Bakit ito Ano ang maaari mong magawa ukol napili mong
Pangyayari bunga sa iyo sa
nangyari? dito? hakbang o
gagawin pagsasagawa
desisyon?
aksyon? ng mga
hakbang?
Lagi kaming Parehong ayaw Kausapin ang magulang tungkol sa nais Magtulungan Ito ang aking Mga magulang
nagtatalo ng aking naming mangyari. kaming hakbang na
nakababatang maghugas ng magkapatid naisip sapagkat
kapatid tungkol sa plato Mag-usap at magkasundo tungkol sa pareho naman
kung sino ang schedule ng paghuhugas. naming kayang
maghuhugas ng gawin ang
pinagkainan. Ipaskil sa isang lugar ang nabuong paghuhugas at
schedule. naiiwasang
magkaasahan
Kung may araw na hindi kung sino ang
makapaghuhugas ng pinakainan dahil sa maghuhugas.
importanteng dahilan, ipapaalam o pag-
usapan ito.
4. Pagtataya (Activity Sheet)
Panuto: Punan ang mga patlang ng nawawalang mga salita upang mabuo ang kaisipan. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

1. Maaring bigyan natin ang ating sarili ng _____________ o ‘time” upang mas makapag-isip o
masuri ang sarili at pangyayari.
2. Maaari nating ___________ ang ating sarili at magtanong sa sarili katulad ng pamamaraan
kung paano tayo nagtatanong sa mga taong mas may kaalaman.
3. Mas makapag-iisip ka ng malinaw at makatotohanan kung ikaw ay nasa ____________ at
mapayapang lugar.
4. Magkaroon ng ____________ kung saan naitatala mo ang mga naiisip.
5. Nakatutulong din ang _______________ sa mga tamang tao upang mapagaan ang iyong isipan
at damdamin.
kausapin tahimik

dyornal panahon

pakikipag-usap

5. Pagtatapos:
Isulat ang iyong maikling repleksyon tungkol sa aralin:
Ang aking natutunan:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
VI. Proficiency Level:

PROFICIENCY LEVEL
Integrity Purity
5 X = 5 X =
4 X = 4 X =
3 X = 3 X =
2 X = 2 X =
1 X = 1 X =

Reflection:

VI- Integrity
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

VI- Purity
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Prepared by:

ZARAH MARISSE P. VALENZUELA


Teacher I

Checked by:

MARIBEL S. BANATANTO
Master Teacher I

You might also like