You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BAYANAN ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BAYANAN, BACOOR CITY, CAVITE

SEPTEMBER 2, 2022 - Friday

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

TIME SECTION
10:40-11:10 INTEGRITY
11:30-12:00 PURITY

I. Layunin:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa pamilya EsP6PKP Ia-i– 37
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon

II. Paksang Aralin:


Pagsusuri ng mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pagpapasya

III. Sanggunian:
PIVOT Module - CLMD4A_EsPG6 pahina 14-15, 17
K-to-12-MELCS pahina 86
BOW in ESP pahina 239

IV. Kagamitan:
Powerpoint Presentation / Pivot Module / Activity Sheet

V. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Balikan natin ang mga aralin sa linggong ito.
Kahalagahan ng Pagsusuri sa sarili at pangyayari
A. Napatatatag ang relasyon
B. Higit na nagiging malinaw ang bagay-bagay o sitwasyon
C. Nakilala mo ang iyong tunay na pagpapahalaga
D. Napapaunlad ang kakayahang bumuo ng mabuting desisyon o pagpapasya
E. Mas nakatutulog nang mahimbing
F. Nababawasan ang pag-alala at pagkabaha

Hakbang sa pagsusuri sa sarili at pangyayari


1. Humanap ng tahimik na lugar.
2. Tanungin ang sarili ng mga mahahalagang tanong
3. Bigyan ang sarili ng panahon
4. Isulat sa dyornal ang mga naiisip
5. Makipag-usap sa mga propesyunal o pinagkakatiwalaang tao

2. Pagtalakay:
Mga Pamamaraan ng Pagtatala o Pagbuo ng Pagsusuri
1. Pagbuo ng Antas ng Pagsusuri (Levels of Reflection).
2. Reflection Vlog. Ito ay maaaring gawin kung mayroong kakayahang teknolohikal ang mag-aaral.
3. Scrapbook Reflection. Paggamit ng larawan at
pagsusulat ng pagsusuri batay sa ibinigay na
gabay.
4. Sketch and Reflect. Maaaring gumuhit ng
simbolo na lumalarawan ng iyong ginawang
pagsusuri.
5. Cube of Reflection. Gagawa ng “cube” at dito
isusulat ang pagsusuri

Tandaan: Ang kakayahang magsuri ng mga bagay na may kinalaman sa sarili ay dapat
nagpapalakas sa iyo at magbibigay ng inspirasyon na mapaunlad ang sarili sapagkat isa itong
mabisang hakbang upang makabuo ka ng desisyon na makatwiran at makabubuti sa iyong sarili, sa
iyong pamilya, o sa lahat nang may kaugnayan dito.

3. Pang-isahang gawain: (Activity Sheet)


Panuto: Buuin ang Pagsusuring Personal Worksheet.
Isulat ang iyong mga tala o kasagutan sa sagutang
papel.

4. Pagtataya (Activity Sheet)


Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang tama kung ang pahayag ay nagsasaad
ng tamang pagsusuri sa sarili at pangyayari at isulat naman ang mali kung hindi tama ang
pagsusuri sa sarili at pangyayari.

________1. Ang pagsusuri sa sarili at pangyayari ay ginagawa sa lahat ng oras.


________2. Ang pagkonsulta at pagkausap sa mga espesyalista ay nakatutulong upang mas
maliwanagan ka sa mga pangyayari sa iyong buhay at nakakatulong upang mas makilala mo ang
iyong sarili.
________3. Nararapat na makapagdesisyon agad kahit na hindi nasusuri nang Mabuti ang mga
pangyayari upang malutas ang ano mang problema o pagsubok sa buhay.
________4. Kinakailangang alam natin kung ano at paano mahuhubog ang mga pagpapahalaga o
values na ating taglay.
________5. Nakakabahala at nakakapangamba ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao kung
kaya’t dapat ito ay atin na lang sinasarili upang di na makaabala sa iba pang tao.

5. Pagtatapos:
Isulat ang iyong maikling repleksyon tungkol sa aralin:
Ang aking natutunan:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
VI. Proficiency Level:

PROFICIENCY LEVEL
Integrity Purity
5 X = 5 X =
4 X = 4 X =
3 X = 3 X =
2 X = 2 X =
1 X = 1 X =

Reflection:

VI- Integrity
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

VI- Purity
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Prepared by:

ZARAH MARISSE P. VALENZUELA


Teacher I

Checked by:

MARIBEL S. BANATANTO
Master Teacher I

You might also like