You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

AUGUST 22, 2022 - MONDAY

TIME SECTION

I. Layunin:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa pamilya EsP6PKP Ia-i– 37
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon

II. Paksang Aralin:


Pagsusuri ng mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pagpapasya

III. Sanggunian:
PIVOT Module - CLMD4A_EsPG6 pahina 6

IV. Kagamitan:
Powerpoint Presentation / Pivot Module

V. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Sa araling ito, inaasahan na mas higit mong makilala ang iyong sarili at masusuri ang mga pangyayari
sa iyong buhay na mahalagang sangkap upang makabuo ka ng isang makatwiran at mabuting desisyon
para sa lahat lalo na sa iyong pamilya.

Halina at tuklasin ang mga at mga pangyayaring may kaugnayan sa iyong sarili na makatutulong sa iyo
sa pagbuo ng mga desisyon na wasto at mabuti sa pamamagitan ng pag-alam sa mga
pagpapahalagang dapat mong taglayin. Sagutan ang gawain sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ang bawat pagpapahalaga ay makikita ng isang beses sa bawat
pahalang at pababang bahagi ng kahon at sa 3X2 na kahon na may mas makapal na linya. Kulayan ang
tamang mga kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. (Pahina 6)

2. Pagtalakay:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Naging madali ba o mahirap ang pagsagot sa “Values Sudoku”? Bakit?
2. Ano ang iyong mga napansin sa salitang mga nasa kahon?
3. Alin sa mga pagpapahalagang iyan ang iyong naisasabuhay? Magbigay ng isang halimbawa?
4. Nakatutulong ba ang mga pagpapahalagang nasa kahon upang higit mong makilala ang iyong sarili?
Patunayan.

3. Pang-isahang gawain:
Sagutan at gawin naman natin ang ikalawang gawain para sa pagkilala sa iyong sarili.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumuhit ng larawan ng isang tao. Sagutin
ang mga sumusunod na tanong at isulat sa bahagi ng katawang kumikilos nito o kung saan ito makikita
at kulayan ayon sa nakasulat sa bawat tanong.

Ipakita sa klase ang ilan sa mga natapos na gawain ng mga mag-aaral, hayaang ipaliwanag ng mag-
aaral ang kanyang gawa.

4. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga pahayag na nagpapakita ng pagkakaaroon ng kakayahang kilalanin
ang sarili batay sa mga pagpapahalaga.
______1. Pagiging mahinahon sa oras ng pangangailangan o sakuna upang makabuo ng tamang
desisyon.
______2. Suriing mabuti ang mga pangyayari upang makabuo ng tamang pagdedesisyon.
______3. Napanghihinaan ng kalooban sa tuwing nahaharap sa problema.
______4. Naniniwala at nasusuri ang katotohanan mula sa mga maling impormasyon.
______5. Naipapakita ang kakayahan at pagtitiyaga lalo na kung may pagsubok na dinaranas.

5. Pagtatapos:
Isulat ang iyong maikling repleksyon tungkol sa aralin:
Ang aking natutunan:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
VI. Proficiency Level:

PROFICIENCY LEVEL
Purity Integrity
5 X = 5 X =
4 X = 4 X =
3 X = 3 X =
2 X = 2 X =
1 X = 1 X =

Reflection:

VI- Purity
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

VI- Integrity
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Prepared by:

ZARAH MARISSE P. VALENZUELA


Teacher I

Checked by:

MARIBEL S. BANATANTO
Master Teacher I

You might also like