You are on page 1of 8

Yunit 1

Pagkilala sa Aking
Sarili
Aralin 2
Ang Aking Mga Kilos ay Mahalaga

Layunin

a. Natutukoy ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagbibinata/


pagdadalaga
b. Naipapaliwanag ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa mga kakayahan
at kilos
c. Nakabubuo at naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin
d. Nakagagawa ang mga konkretong plano at paraan sa paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos

Activity: “Aktibong Pagtuklas”

Gawain 1

Alalahanin ang mga gawaing madalas mong gawin noong ikaw ay walo hanggang
sampung taong gulang pa lamang ayon sa aspetong nakatala sa tsart sa ibaba.

Mga bituin:
Palagi - Madalas -
Paminsan-minsan - Hindi na ginagawa -

Mga Kilos Dalas ng Pagsasagawa


ng Kilos
1. Nakikipaglaro ako sa mga kaibigan ko
2. Madalas akong makaramdam ng hiya tuwing may ipakikilalang bagong kalaro o
kaibigan
3. Hindi ako tumutulong sa gawaing bagay
4. Hindi ako nakikipaglaro sa kasalungat na kasarian
5. Nahihiya akong lumabas ng bahay kapag madungis ako o hindi pa naliligo
6. Hinihintay ko ang sasabihin ng aking mga magulang bago gumawa ng pagpapasya
7. Hindi na ako naglalaro masyado dahil gusto ko nang makapagtapos agad ng pag-
aaralupang makapagtrabaho
8. Pinag-iisipan ko ang nais kong gawin sa buhay paglaki ko
9. Madalas akong magkaroon ng crush
10. Mas gusto kong kasama ang mga kaedad ko na kapareho ko ng asal at interes
11. Sinisigawan ko ang mga tao sa paligid ko kapag nagagalit ako
12. Kapag nasa bahay ako ng ibang tao, maingay at malakas ang boses ko
13. Mahilig akong pumorma sa pagdadamit kahit mainit o malamig ang panahon o wala
sa okasyon
14. Ayokong makipag-usap o makisalamuha sa ibang tao
15. Ayoko pang isipin ang hinaharap sa ngayon

81
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
Gawain 2

Mula sa mga napansin mong pagbabago sa naunang gawain, suriin mo naman ngayon
kung sa anong aspeto ng mg pagbabago napapabilang ang mga paglalarawan ng kilos na nasa
ibaba.
Buuin ang Puno ng Pagbabago. Isulat sa malaking dahon ang uri ng kilos: Pakikipag-
ugnayan sa Kasing-edad, Papel sa Lipunan, Pakikipagkapwa, at Pagpapasya ayon sa
paglalarawan ng kilos sa mga sanga.

2
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili

Puno ng Pagbababago

Sumusubok ng gawaing
pambabae/panlalaki
Namimili
Tumitibay ang tiwala ng mga kakaibiganin
sa sarili

Hindi nahihiyang umiyak kapag


may dinaramdam
Nahihilig sa mga babasahin ukol
sa career planning Iniisip ang kapakanan ng
iba

Nagpaplano para sa hinaharap


Pantay na pagtingin sa
kapwa

9
Sagutin ang mga tanong.
1. Alin sa mga nabanggit na kilos ang madalas mong nararanasan ngayon? Alin sa mga ito ang
hindi mo pa nagagawa o nararanasan?

3
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili

2. Bakit kaya may dapat asahan sa iyong kilos bilang nagbibinata/nagdadalaga? Sa iyong
palagay, mahalaga ba ang pagkakaroon ng mga inaasahang kilos? Para saan ang mga
inaasahang kilos o kakayahan?

3. Kung ikaw ang tatanungin, magiging madali ba ang pagsasagawa ng mga inaasahang kilos na
ito? Paano mo ito maisasagawa nang maayos at tama?

Ang Aking Kilos ay Mahalaga


Ipikit mo sandali ang iyong mga mata, isipin mo na kaya mong gawin ang lahat ng
gawain sa loob ng isang araw ano man ito, maging tama man o mali. Ngunit, pagkatapos ng
isang araw ano man ang nagawa no ay hindi mo na ulit mababago at lahat ng resulta nito ay
dapat mong harapin. Ngayon, mula sa iyong mga naisip, piliin ang mga kilos na iyong isasantabi
at unti-unting pagsisikapang gawin o gagawing muli. Punan ang tsart sa ibaba.
Ang aking mga nais Mga gawaing isasantabi at Mga gawaing pagsisikapang
isagawang kilos sa loob ng mga dahilan kung bakit gawin at mga dahilan kung bakit
isang araw

Masarap kumilos hindi ba? Lalo na kung wala kang kinatatakutan, walang magsasabi sa
iyo ng dapat gawin at masaya ka sa iyong gagawin. Ngunit hindi ba mas masaya kung mayroong
10
gumagabay sa iyo habang ginagawa ang mga kilos upang lalo kang magkaroon ng motibasyon
na pagbutihin pa ang iyong gawain nang sa gayon ay malinang mo pa ang mga kakayahan mo

4
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
habang nagbibinata/nagdadalaga? Ito ang dapat mong isaisip sa pagsasagawa ng iyong mga kilos
dahil mahalaga ang maging maingat ka habang ikaw ay bata pa.
Mahala ring isaisip na tayo, bilang tao, ay binigyan ng Diyos ng mga natatanging
kakayahang higit sa iba pang nilalang. Responsibilidad nating pagyamanin at paunlarin ang mga
ito.
Ayon sa sikolohistang si Robert J. Havighurst, dahil sa mga hamong kinakaharap ng mga
kabataan, kailangan munang malaman at maisabuhay nila ang mga inaasahang kakayahan at
kilos (Developmental Tasks) upang magtagumpay sa susunod na yugto ng buhay. Ang mga
developmental task na ito ay mga pang-araw-araw na kilos na dapat na malinang upang
malampasan nila ang iba’t ibang mga suliranin na maaari nilang maranasan sa pakikisalamuha
hindi lamang sa kanilang kapwa kundi maging sa sarili nilang mga pagsubok.

Ang Walong (8) Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


Pagbibinata/Pagdadalaga

1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad. Mahalaga ang


makipagkaibigan lalo na sa panahong ito kung saan ninanais mong mapabilang sa pangkat na
kapareho mo ng interes. Kung minsan, napadadalas na ikaw ay nasa labas ng tahanan at
kailangan mo ng mga taong makakasama na hindi kabilang sa iyong pamilya. Ang
pakikipag-ugnayan sa kapwa ay isang kakayahang dapat linangin upang magkaroon ng
malasakit sa pakikipagkaibigan. Tandaan ang sumusunod na mga paalala upang lalong
maging mabunga ang pakikipagkaibigan:
Alamin ang iyong nais
Ipakita ang tunay na ikaw
Panatilihing bukas ang komunikasyon
Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao
Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa
Maglaro at maglibang
Mahalin ang iyong sarili

2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa lalaki o babae. Ang iyong paniniwala sa


mga bagay na may kinalaman sa kasarian at kung paano ka kikilos ayon sa iyong kasarian ay
natutunan natin sa loob ng tahanan. Kung susuriin, mapapansing naiiba ang kaugalian nating
mga Pilipino lalo na sa pagpapalaki ng mga anak. Narito ang ilan sa mga nakagisnan nating
paniniwala:
Hindi dapat nagpapakita ng emosyon ang mga lalaki
Ang lalaki ang katuwang ng ama at ina sa pamilya.
Ang mga babae ay katuwang ng ina sa mga gawaing bahay.
Ang lalaki ang gumagawa ng mabibigat na gawain.
Ang babae ay dapat kumilos at magdamit nang angkop sa edad at okasyon.
Ang babae at lalaki lamang ang maaaring magkarelasyon.
Kahit nababago na ang henerasyon, hindi natin dapat kinalilimutan ang magagandang
kaugaliang sumasalamin sa ating pagiging Pilipino. Ngunit ano man ang nakagisnan natin, iisipin
kung ano at makakabuti para sa atin.
Sa kabila ng mga nakamulatan nating kaugalian bilang Pilipino, hindi nangangahulugang
dapat nating ipako ang ating sarili sa mga paniniwalang nakalaan sa bawat kasarian. Halimbawa,
11
tanggap na ngayon sa lipunan ang pagpapalitan ng gawain ng lalaki at babae. Ang pag-aalaga ng

5
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
bata, paglalaba, at pamamalantsa ay ginagawa na ng mga lalaki samantalangang pawe-welding,
pagmamaneho ng sasakyan, pagiging inhenyero, at iba pa ay ginagawa na rin ng mga babae.
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa
mga ito. Inaasahang habang ikaw ay mas nagkakaisip ay lalo mong pahahalagahan ang iyong
pisikal na anyone siyang sumasalamin din sa iyong pagkatao. Bagama’t hindi dapat maging
punto ng paghuhusga ang panlabas na anyo, ito ay mahalaga sa pakikisalamuha sa ating
kapwa. Sabi nga, first impressions last. Kung marami na ang nagbabago sa iyong katawan,
dapat mas mapanatili moa ng kalinisan nito at pagkadisente ng iyong pananamit at kilos.
Hangga’t maaari para sa mga babae ay iwasan muna ang paggamit ng make-up at concealers
lalo na kung walang mahalagang okasyon. Nakasisira ito sa balat na nagdudulot ng maagang
pagtanda at pagkakaroon ng taghiyawat sa mukha. Para naman sa mga lalaking naglalagay ng
gel sa buhok, ang pagsa-shampoo ay makatutulong nang Malaki upang maiwasan ang
pagkakaroon ng balakubak. Sa pananamit, siguraduhing lagging angkop sa okasyon at klima
at komportable sa katawan ang isusuot upang maging maayos ang pagkilos. Nasa tamang
pagdadala at pag-aalaga ang sikreto sa pagbabago sa ating pangangatawan.

4. Pagtatamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa. (Desiring and


achieving socially responsible behavior). Paano ka kumikilos sa harap ng ibang tao? Paano
ka makipag-usap sa ka-edad mo? Gumagamit ka pa ba ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa
nakatatanda sa iyo? Nakalulungkot isipin na marami sa mga kabataan ngayon ang hindi na
naiisip na may angkop na paraan ng pakikitungo sa kapwa. Tulad halimbawa ng mga batang
nagtatawanan nang malakas sa pampublikong lugar na hindi alintana kung nakaiistorbo ba
sila o hindi.
Dapat maging responsible sa mga ikinikilos. Iwasan ang pakikipag-usap nang malakas kapag
nakasakay sa mga pampublikong sasakyan bilang paggalang sa iabng pasahero. Hindi na rin
dapat binibigyan ng katawa-tawa o nakaiinsultong pangalan ang iyong mga kaibigan o kaklase
na magdudulot ng pagkapahiya niya.
Mahalga ang pakikipag-usap sa iba dahil ito ay tanda ng malusog na pakikisalamuha, Ang
pagiging maingat sa mga sinasabi ay tanda ng pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa
damdamin ng kapwa.

5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya. Ngayong nasa


hayskul ka na, marami nang mga bagay ang pinag-aaralan mong gawin nang mag-isa.
Karaniwan, nakagagawa ka na ng mahalagang pagpapasiya upang malinang ang iyong pag-
iisip at pagtitimbang sa mga pagpipilian pati ang paglutas sa problema. Importante ito ngunit
mas matututo ka kung hihingin mo pa rin ang paggabay ng mga nakatatanda upang hindi ka
malihis ng landas. Ang pagpili sa mga gawaing tama ay tanda ng pagpapahalaga sa mabuting
asal.

6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay. Ang pagkilala mo sa iyong mga kakayahan ang


unang hakbang sa pagpili ng iyong magiging hanapbuhay balang araw. Ang tamang pagpili
ng propesyon ay hindi madali at agaran dahil nangangailangan iti ng lubos na paghahanda
upang ang iyong pag-aaral at panahon ay hindi masayang. Ngayon, isiping ang matututunan
mula sa bawat aralin ay susi sa pagpili at pagtatagumpay sa iyong minimithing buhay sa
hinaharap. Ayon sa ilang sikolohista, mahalagang malinang muna ang pagkakaroon ng grit o
growth mindset hindi lamang upang malinang ang talino kundi upang masubok ang iyong
kakayahang harapin ang mga pagsubok (challenges) na dulot ng pag-aaral bilang batayan ng
tagumpay sa hinaharap.

7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya. Tulad ng pag-aaral 12 at


paghahanapbuha, mahirap ang pagbuo ng pamliya kung walang sapat na paghahanda at
6
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
kaalaman. Kaya mabuti na ang bahaging ito ay ilaan na lamang sa malayo pang hinaharap
upang mas maging mabuti ang kahihinatnan ng iyong buhay. Mag-aral muna at magsumikap
na marating ang mga pangarap.

8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal. Ang


pagmamahal sa mga mabuting kaugalian at asal ay tanda ng pagmamahal sa iyong sarili. Sa
mga pagpapahalagang ito nakasalalay ang paraan ng ating pagtingin sa buhay,
pakikisalamuha sa kapwam at paglutas ng ating mga suliranin. Laging pakatandaan na higit
sa ano pa mang talino, ang taong may mabuting kalooban at pagpapahalaga ay nagiging
matagumpay sa kahit anong larangan at ang mga pagpapahalaga natin ang nagiging sandigan
ng ating karakter o pagkatao.

“Don’t be afraid to change. You may lose something good but you may gain
something better.”
- Unknown

Gawain 3

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ano-ano sa iyong palagay ang layunin ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagbibinata/pagdadalaga?

2. Bakit mahalaga ang maayos na pagsasagawa ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa


yugtong ito?

3. Paano makatutulong ang mga kilos at kakayahan na ito sa hinaharap?

“Pagtataya”

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 13

7
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili

1. Ang sikolohistang nagsabi na mayroong walong inaasahang kakayahan at kilo ang isang
kabataan.
a. Robert J. Havigburst c. Sigmund Freud
b. Robert J. Havighurst d. Robert Erickson

2. Sa walong developmental tasks, ang dapat na pinaghahandaan at pinag-iisipan bago gawin


upang maging mapanagutan sa kanyang kilos ay ang ..
a. Paghahanda sa paghahanapbuhay
b. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
c. Pagtanggap ng papel sa lipnan bilang babae o lalaki
d. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya

3. Mahalaga ang malinang ang pakikipag-ugnayan sa kaibigan at katapat na kasarian. Ang


pahayag na ito ay:
a. Tama, dahil kung mahirap makipagkaibigan sa kasing-edad mas lalo na sa nakatatanda.
b. Tama, dahil dito natututunan an pagiging mapanagutang pakikipagkapwa-tao.
c. Mali, dahil ditto nagsisimula ang impluwensiya ng barkada.
d. Mali, dahil kusa namang nabubuo ang pagkakaibigan.

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng magandang epekto ng sariling


pagpapasiya?
a. Ang pagtitimbang bago magpasiya ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting asal.
b. Nalilinang ang isip sa pagpili ng tamang desisyon.
c. Natututo kang magpasiya ayon sa iyong sariling kagustuhan.
d. Nasusuri mo ang mga bagay na mas kapaki-pakinabang.

5. Nais ni Jane na mapansin siya ng crush sa paaralan ngunit kahit ano ang gawin niya ay tila
hindi pa rin siya nakikita nito. Ano ang dapat gawin ni Jane?
a. Tigilan na ang paghahabol sa crush, madami pa namang ibang lalaki sa paaralan.
b. Ilaan na lamang muna ni Jane ang atensiyon sa pag-aaral at kilalanin nang lubos ang
sarili. Marami pa namang oras para sa bagay na iyan.
c. Humingi ng payo sa guidance counselor kung paano mapapansin ni crush.
d. Magsikap pa rin na mapansin ni crush, mahalagang ipakita ang determinasyon niya.

B. Gumawa ng isang journal entry tungkol sa iyong mga natutunan at nais sabihin sa iyong
sarili upang lalo mo pang mapabuti ang iyong paglago bilang nagbibinata/nagdadala.
Pamantayan
Nilalaman – 5
Kaugnayan ng mga Ideya – 5
Kalinisan – 5

14

You might also like