You are on page 1of 9

Edukasyon sa

Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Ikalawang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Lennie N. Fernandez


Evaluators: Emalyn E. Llona
Learning Area Supervisor: Megenila C. Guillen, Ph.D.

Illustration Credits:
Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Graphics: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Kasanayan sa Pagkatuto:

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
 Napapatunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga
moral na pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues) na
magpapaunlad sa kanyang buhay bilang nagdadalaga /nagbibinata.
(EsP7PB-lllb-9.3-9.4)

Mga Layunin: Pagkatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:

 Nakakikilala ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga tungo sa


paghubog ng mga birtud (acquired virtues) na magpapaunlad sa kanyang buhay bilang
nagdadalaga /nagbibinata.
 Nakapagtatala ng mga mabubuting gawi upang mapaunlad ang buhay bilang
nagdadalaga/nagbibinata.
 Nakapagbibigay halaga sa pagsasagawa ng tamang hakbang sa pagtuwid ng maling kilos
tungo sa pag-unlad bilang nagdadalaga o nagbibinata.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon
(Pahina 184-205, Modyul para sa Mag-aaral)

Sa pagkakataong ito, habang ikaw ay lumalaki na inaaasahan ng marami na ikaw ay kikilos ng


angkop sa edad mo. Mula sa iyong natutunan sa magulang at sa sariling karanasan unti-unti mo nang
naunawaan ang mga pagbabago. Natututo kang magpahalaga sa tao, bagay, at pangyayaring
nagpapaligaya sayo. Unti-unti mong nasasanay ang sarili sa mga gawaing nakakatulong sa paglago mo
bilang tao.

Sa pamamagitan ng Learning Activity Sheets noong nagdaaang linggo, iyong nauunawaan ang
mga gawi na may kaugnayan sa pagbuo ng iyong pagkatao. Kung saan ito ay may malaking kaugnayan sa
paghubog ng mga birtud. Paano mo naman malalampasan ang mga hadlang na kakaharapin habang
pinapaunlad mo ang iyong pagkatao?

Ang Gawi

Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng tao ng isang kilos na


may kakambal na pagsisikap. Kung regular na nakagawian na ng tao ang isang kilos at
nasisiyahan siyang gawin ito, tiyak na ito ay magiging permanenteng katangian.
Halimbawa, noong nasa elementarya ka pa lamang, ang hirap mong gisingin at naging
dahilan na nahuhuli ka sa klase. Habang lumalaki ka na, nauunawaan mo ang kahalagahan ng
pagpasok ng maaga, kaya gumagawa ka ng hakbang upang mapaaga ng gising sa papamagitan
ng pagtakda ng oras sa pagbangon. Bilang resulta
1 ng iyong pagsisikap, nasisiyahan ka na gawin
ito araw-araw upang maiwasan ang pagiging huli sa klase at nagagawa mo na ang lahat ng
gawaing ibinigay sa iyo ng iyong guro. Sa makatuwid, napapahalagahan mo ang oras at pag-
aaral kaya ikaw ay naging isang mapanagutan sa pamamahala ng iyong oras.

Ano ang Birtud?

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Ang Birtud (virtue) ay nagmula sa salitang Latin na virtus (vir) na nngangahulugang pagiging tao,
pagiging matatag, at pagiging malakas. Ito ay isang maingat na pagpapasiya na kumilos. Isang kilos na
pinapapasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran. Ito ay resulta ng kakayahang gumawa ng maingat na
pasiya at tamang pagpili gamit ang isip at kilos-loob. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at
pagkilos ng tao. Ito rin ay bunga ng mahaba at mahirap na pagsasanay.

Ang mga birtud ay isang kalakasan ng kilos-loob na lagpasan ang bugso ng damdamin. Habang
ikaw ay nagsisikap na lumago bilang dalaga/binata may pagkakataon na makakaranas ka ng mga
pagkakamali o may hindi mabubuting gawi, kung hindi ito magagabayan ng birtud, maaaring magbunga
ito ng hindi mabuting pasya, Ang pagsasabuhay ng mga ito ay magkakaroon ng pagkakaisa ang ating isip,
damdamin at kilos.

May pagkakaon na ang tao ay nakapipili sa paggawa ng masama. Hindi ibig sabihin na siya ay
likas na masama, kundi ang masama ay nababalot ang anyo nito ng kabutihan. Halimbawa, nai-engganyo
kang tumaya sa isang sugal dahil nakikita mong pag ikaw ay nanalo ay mabibili mo na ang iyong mga
kagamitan. Ang pagnanais at pag-angkin ng bagay na hindi mula sa iyong pagsisikap at sariling pawis ay
isang kasakiman. Kung ang kaisipang pagsusugal ay paraan mo na makuha ang gusto, kung ito ay hindi
mo mababago, masasabing ikaw ay malululong sa masamang bisyo. Bagamat hindi madali ang paglinang
at pagsagawa ng pagbabago. Ito ay nangangailangan ng dedikasyon at pagsisikap. Gaya sa iyong gawain
sa itaas, ikaw na gumawa ng isang hakbang na baguhin ang maling gawi.

Ayon kay Kelli Mahoney sa kaniyang aklat na “Eight ways for Christian Teens to Avoid and
Overcome Temptations”, napakahalagang gawin ang sumusunod:
● Kilalanin ang sitwasyong pinagmulan.

● Regular na manalangin upang humingi ng gabay sa Diyos.

● Humingi ng payo sa magulang o mapagkakatiwalaang indibiduwal.

● Gumamit ng positibong pakikipag-usap sa sarili.

● Labanan ang tukso at Suriin ang konsensiya.

● Ituwid ang nagawang pagkakamali.

Gawain 1.
2
Magtala ng mga nakasanayang kilos na ginagawa mo sa iba’t ibang sitwasyon. Punan ang hinihingi sa
bawat kolum at tukuyin sa huling kolum kung ito ba ay Mabuti o Hindi Mabuting Gawi.

Mabuti o
Mga kilos o gawi na paulit- Nararamdaman ko
Hindi
Mga Sitwasyon ulit kong ginagawa sa bawat habang isinagawa ang
Mabuting
sitwasyon Kilos
Gawi

Habang kasama ang pamilya


sa loob ng bahay sa panahon
ng pandemya

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Kapag nauutusan ng
magulang

Sa hapag-kainan

Bago Matulog

Kapag araw ng pagsamba

Gawain 2.
Magtala ng limang (5) mabubuting kilos o gawi na nakakatulong sa pag-unlad ng iyong sarili bilang
nagdadalaga o nagbibinata.

Mga mabubuting kilos o gawi na nakakatulong sa pag-unlad ng sarili bilang


nagdadalaga o nagbibinata

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 3.
Sagutin at isulat sa sagutang papel.

Gaano kahalaga ang patuloy na pagsagawa ng mga mabubuting gawi o kilos sa pang araw-araw
na pamumuhay mo bilang isang dalaga o binata? Ipaliwanag.

3
Pagsusulit

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Si Linda ay nasanay na magsauli ng sukli sa magulang tuwing pinapabili siya. Anong birtud ang
nahuhubog sa kanya?
A. masikap
B. magalang
C. pagiging matapat
D. pagiging maalalahanin

2. Ang araw-araw na pagdarasal ni Lucy habang siya ay may sakit ay nagdudulot sa kaniya ng
kapanatagan. Ano ang nalinang sa gawi ni Lucy?

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
A. makatao
B. makadios
C. makabansa
D. makakalikasan

3. Patuloy na ginagampanan ni Isko ang kaniyang tungkulin sa pag-aaral dahil sa hangaring


matupad ang kaniyang pangarap. Ano ang nais niyang patunayan sa sarili?
A. Siya ay magaling.
B. Siya ay simpleng tao.
C. Siya ay ma-ambisyong tao.
D. Siya ay isang mapanagutang mag-aaral.

4. Maliit pa lamang ay sinanay na ng pamilyang Delos Santos ang kanilang mga anak na asikasuhin
ang kanilang sarili sa pamamagitan ng maingat na pagbabahagi ng mga gawaing bahay. Paano
masusukat ng pamilyang Delos Santos na nalinang ang birtud sa mga anak?
A. Nakikita sa pagiging pagka-masunurin ng mga ito.
B. Kung ang bawat gawain ay mabigat para sa kanila.
C. Sa pagiging bagutin nito habang ginagawa ang itinakda.
D. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga itinakdang gawain.

5. Napatunayanan ni Mauricio na habang sinusunod niya ang panuto ng magulang ay lumalim ang
kanilang mabuting samahan. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga panuto ng magulang sa lahat
ng panahon?
A. upang hindi mapagalitan.
B. upang maipagmalaki ang sarili.
C. upang mapariwara at mapahamak.
D. upang magkaroon ng gabay habang pinapa-unlad ang sarili.

GABAY SA PAGMAMARKA NG AWTPUT SA 4GAWAIN 1


Performance
Nakakikilala Scoring Rubric [ ] Holistic
sa paghubog ng[ mga/ ] birtud
Analytic
Evidence ng mga mabuting gawi batay sa mga
Description
moral na pagpapahalaga tungo (acquired virtues) na magpapaunlad
of Performance sa kanyang buhay bilang nagdadalaga
ANALYTIC SCORE
/nagbibinata. Puntos
Criteria
5 4 3 2 1
Nilalaman Angkop at Malinaw na Malinaw na Naitala ang Naitala ang Walang
malinaw na naitata ang naitala ang tatlong (3) dalawang (2) naitala na
naitala ang mga limang (5) gawi apat (4) na gawi o kilos na gawi o kilos na angkop na
gawi o kilos o kilos na gawi o kilos na angkop sa angkop sa gawi o
angkop sa angkop sa sitwasyon sitwasyon kilos
sitwasyon sitwasyon
Organisasyon Mahusay na Wastong-wasto May tatlong May dalawang May isang (1) Walang
naihanay sa na naitala ang (3) (2) impormasyon angkop na
talaan ang mga impormas-yong impormas-yon impormasyon na wasto na naihanay
impormas-yong hinihingi sa na wastong na wastong naihanay sa sa talaan
hinihingi talaan naihanay sa naihanay sa talaan
talaan talaan
Takdang-oras Mahusay na Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos
natapos ang gawain ng Gawain gawain ngunit gawain ngunit ang gawain
gawain sa buong husay sa ngunit lumampas ng lumampas ng na
takdang araw itinakdang araw lumampas ng 2 araw sa 3 araw sa lumampas
isang araw sa itinakda itinakda ng higit
itinakda limang
araw.
Kabuuan

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Interpretasyon: 13-15 puntos (pinakamadayaw) 10-12 puntos ( madayaw)
8-9 puntos (sakto da) 1-5- puntos (padayawon pa)

GABAY SA PAGMAMARKA SA AWTPUT SA GAWAIN 2

Nakapagtatala ng mga mabubuting gawi upang mapaunlad ang buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata

Scoring Rubric [ ] Holistic [ / ] Analytic


Description
of Performance ANALYTIC SCORE Puntos
Criteria
5 4 3 2 1
Nilalaman Malinaw at Wastong- Nakapagtala ng Nakapagtala ng Nakapagtala
wastong naitala wastong ang apat (4) na tatlong (3) ng dalawang Isang (1)
ang mabubuting limang (5) mabubuting mabubuting (2) mabuting gawi
gawi naitala na gawi gawi mabubuting lamang ang
mabubuting gawi naitala
gawi

Takdang- Mahusay na Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang Natapos ang
oras natapos ang gawain ng Gawain ngunit gawain ngunit gawain gawain na
gawain sa buong husay lumampas ng lumampas ng 2 ngunit lumampas ng
takdang araw sa itinakdang isang araw sa araw sa itinakda lumampas ng higit limang
araw itinakda 3 araw sa araw.
itinakda
Kabuuan
Interpretasyon: 9-10 puntos (pinakamadayaw) 7-8 puntos ( madayaw)
5-6 puntos (sakto da) 1-4puntos (padayawon pa)

GABAY SA PAGMAMARKA SA AWTPUT SA GAWAIN 3


Description Scoring Rubric 5 [ ] Holistic [ / ] Analytic
of Performance
Criteria ANALYTIC SCORE Puntos
5 3 1
Nilalaman Malinaw at Malinaw at Nasagutan ang tanong Hindi gaanong
komplehensibo ang komprehensibong ngunit hindi gaanong malinaw ang
sagot sa tanong nasagutan ang malinaw ito sagot sa tanong
tanong

Baybay ng Malinaw, maayos at Tama ang baybay Tama ang baybay ng mga Hindi tama ang
mga salita, tama ang baybay ng ng mga salita at salita ngunit may kunting grammar at ang
grammar at mga salita, grammar grammar ng kamalian sa grammar ng pagkaksulat nito
gawi ng ng pagkakasulat sa pagkakasulat sa pagkakasulat ng sagot
pagkasulat sagot sagot

Takdang-oras Mahusay na natapos Natapos ang Natapos ang Gawain Natapos ang
ang gawain sa gawain ng buong ngunit lumampas ng gawain ngunit
takdang araw husay sa isang araw sa itinakda lumampas ng 2 o
itinakdang araw higit pang araw
sa itinakda
Kabuuan
Interpretasyon: 9-10 puntos (pinakamadayaw) 7-8 puntos ( madayaw)
5-6 puntos (sakto da) 1-4puntos (padayawon pa)

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
6
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1. (magkakaiba-iba ang sagot)


Mga Sitwasyon Mga kilos o gawi na Nararamdaman Mabuti o di
paulit-ulit kong ko habang mabuting
ginagawa sa bawat isinagawa ang Gawi
sitwasyon Kilos

Habang kasama ang nakikipagkwentuhan nasiyahan mabuti


pamilya sa loob ng bahay
sa panahon ng pamdemya

Kapag nauutusan ng Minsan hindi Malungkot at Hindi


magulang sumusunod sa utos takot na mabuti
mapagalitan

Sa hapag-kainan Nakikipagkwentuhan nasisiyahan mabuti

Bago Matulog nagdarasal nagdarasal mabuti

Kapag araw ng pagsamba Nakikinig sa aral ng nasiyahan mabuti


Diyos

Gawain 2.(magkakaib-iba ang sagot)

Mga mabubuting gawi o kilos makakatulong sa

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
pag-unlad ng sarili bilang dalaga o binata

Sumunod sa utos ng magulang

Magdasal sa Panginoon

Makinig sa aral ng bibliya o Quoran

Maglaan ng panahong makipagkwentuhan sa


pamilya

Gawin ang mga itinakdang gawain ng magulang

Gawain 3 (magkakaiba–iba ang sagot)

Sagot: Ang patuloy na pagsasagawa ng mga mabubuting gawi o kilos sa pang-araw araw na
pamumuhay ay huhubog ng mga birtud tungo sa pag-unlad bilang isang nagdadalaga o nagbibinata.

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakao 7 Mga Modyul sa Mag-aaral, pahina 184-205

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

You might also like