You are on page 1of 7

U R I N G M O R A L N A B I RT U D

1. Katarungan – ito ay ang pagbibigay ng nararapat na turing sa isang tao


sinuman o anuman ang kanyang katayuan sa buhay.

2. Pagtitimpi (Temperance/Modertion) – ito ay ang pagkakaroon ng control


o pagpipigil sa sarili sa larangan ng hilig, isip, kakayahan, talent, oras,
salapi at pagkain, at iba pa.

3. Katatagan ( fortitude) – ito ay nagpapatibay at nagpapatatag sa tao na


harapin ang anumang pagsubok, panganib at tukso na kinakaharap sa araw-
araw.

4. Maingat na Paghuhusga (Prudence) – ang isang nagdadalaga/nagbibinata


ay nakakapag-isip at nakakapagdesisyon ng tama ayon sa kabutihan.
Halimbawa, ang pagpapahalaga ng isang mag-aaral sa
paglinang ng kanyang karunungan, siya ay nagsisikap na
makamit ito.
Makaranas man siya ng mga pagsubok na maaaring humadlang
sa pagkamit nito ay magpapakatatag siya at magpupursigi
upang malampasan ang balakid.
Matututuhan niyang magtimpi samga udyok o tukso na
magpapalayo sa kaniya sa pagkamit ng ninanais.
Magiging maingat din siya sa paghusga ng dapat at hindi dapat
gawin upang masiguro niya ang matagumpay
na paglinang ng karunungan.
Paghawan ng Balakid:

Gawi (Habit) – ito ay bunga nang paulit-ulit na


pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.

Moral na Pagpapahalaga – ito ay ang pagsasagawa


ng kilos o Gawain na Mabuti batay sa pamantayan
ng Diyos.
Mga Mabuting Gawi Batay sa Moral
na Pagpapahahalaga
1. Paggalang sa mga taong may kapangyarihan o awtoridad.
Ang pagpapakita ng pagsunod sa mga taong may kapangyarihan o
awtoridad ay nagpapakita ng paggalang o pagrerespeto sa kanila.
2. Paggalang sa mga magulang. Ang pagpapakita ng paggalang sa
mga magulang ay isa sa mga utos ng Diyos na nararapat sundin o
gawin.
3. Pagtulong sa kapuwa. Ang pagtulong sa kapuwa ay nagpapakita
ng pagmamahal na naaayon sa kagustuhan ng Diyos na nararapat
gawin at maisasabuhay.
4. Panalangin. Isang gawain sa pakikipag-usap sa Diyos na
makatutulong upang magawa ang gawain ng mabuti o maayos.
5. Kasipagan. Ang pagsasagawa ng isang Gawain ng may
pagkukusa ay nagpapakita kasipagan sa isang tao.
Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi
batay sa moral na pagpapahalaga ay malilinang tungo sa
paghubog ng mga birtud.
Mga Patunay:
1. Ang nakasanayang pagtulong sa loob ng pamilya at patuloy na
nadadala sa labas ng pamilya ay nakahuhubog na ng kaniyang gawi
bilang tao.
2. Ang pagiging madasalin mula pa noong bata hanggang sa maging
bahagi na ito ng kaniyang sarili ay nakalilinang ng pagmamahal sa
Diyos.
3. Ang pagkilos ng may pagkukusa mula pa noon at magpahanggang
ngayon ay magdudulot ng kasipagan na nagiging isang birtud.
4. Ang ipinamulat na pagsunod at paggalang sa magulang ay
nagiging birtud kapag nasasaksihan ito hanggang sa pagtanda.
5. Ang pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan ay tanda ng
paggalang sa awtoridad.
Mga paraan ng pagsasabuhay ng mga
pagpapahalaga at birtud na magpapaunlad ng
sariling buhay bilang nagdadalaga o nagbibinata
1. Sa tahanan unang natutunan ang mga mabubuting gawi
na ito.
2. Patuloy na paghubog sa Ispirituwalidad ng anak o ng
mga kabataan.
3. Pakikipagtulungan ng mga opisyales ng barangay sa
paghubog ng mga kabataan.
4. Mga tagapagturo sa paaralan ang ikalawang inaasahan
upang palakasin ang mga
paghubog na mga gawi at pagpapahalaga mula sa tahanan.

You might also like