You are on page 1of 24

8

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Kahulugan
sa mga Salitang Ginamit sa Akda
Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo

1|Pahina
FILIPINO – Ikawalong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Kahulugan sa mga Salitang Ginamit sa Akda
Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kagamitang Pampagkatuto

Manunulat: Mary Grace Joaquin Andalis


Editor: Ritz A. Catacutan
Tagasuri: Jocelyn M. Elico at Rhaian Corpuz
Tagaguhit at Taga-anyo: Jonathan A. Paranada
Tagalapat: Janmar A. Molina at Albin Lee A. Arabe
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagbibigay ng Kahulugan
sa mga Salitang Ginamit
sa Akda

Panimula

Mahilig ka ba sa mga teleserye? O walang katapusang panonood ng K-


drama? Mga palabas na kung saan nakapagbibigay- aliw sa mga manonood
at patok hindi lamang sa mga kabataan kundi maging sa mga nakatatanda.
Madalas, tayo ay pinakikilig at nadadala sa mga eksena dahil sa ganda ng
istorya at husay ng mga nagsisipagganap. Mayroon ka bang mga palabas na
hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nakalilimutan?

Kasanayang Pampagkatuto

Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan,


kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalim na salitang
ginamit sa akda. (F8PT-IIe-f-25)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita;


2. nasusuri ang kahulugan ng mga mahahalagang pahayag; at
3. naibibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa wastong gamit sa
pangungusap.

1|Pahina
Balik Aral

Natatandaan mo pa ba ang mga hudyat na ginagamit sa pagsang-ayon


at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon? Kung oo, binabati kita at kung
hindi hayaan mong muli nating balikan sa pamamagitan ng isang
pagsasanay.
Magbigay ng sariling ideya o pananaw hinggil sa arranged marriage o
ang pagpili ng magulang sa mapapangasawa ng anak gamit ang mga hudyat
sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isyung nasa ibaba.

Teo: Sumasang-ayon ako na may karapatan ang magulang na pumili ng


mapapangasawa ng kanilang anak dahil naniniwala silang mas higit na
magiging maganda at mapabubuti ang kalagayan at kinabukasan ng
kanilang anak.

Agatha: May punto ka subalit nangangamba ako na ……


___________________________________________________________________________

Teo: Sa tingin ko, tama …

___________________________________________________________________________

Agatha: Hindi ako sumasang-ayon dahil…

___________________________________________________________________________

Agatha: Naniniwala ako na …

___________________________________________________________________________

Ngayon pagkatapos mong sagutin ang pagsasanay, halika at ating


alamin ang isang dula na aantig sa iyong damdamin at pupukaw sa
kamalayan ng mga Pilipino upang higit na mahalin at pahalagahan ang mga
kultura ng ating lahi. Matatalakay rin dito ang denotatibo at konotatibong
kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga malalalim
na salita sa akda. Ihanda ang isip at puso at hayaang manatili ang mga ngiti
sa labi.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Ang konotasyon at denotasyon ay dalawang dimensiyon sa


pagpapakahulugan ng mga salita.
Ang denotasyon ay karaniwang kuhulugan mula sa diksiyonaryo o
salitang ginagamit sa pinaka-karaniwan at simpleng pahayag o ang literal na
kahulugan ng salita.

Halimbawa:
• Pinuntahan ni Aling Miling ang mga bulaklak sa likod-bahay.
(bahagi ng isang halaman na makikita sa hardin)
• Mataas na ang punong tanim ni itay.
(halamang lumalaki nang mataas)
• Nakakita ako ng ahas sa daan habang ako’y naglalakad.
(isang reptilya na makamandag)

Samantalang ang konotasyon ay may taglay na ibang kahulugan o


maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa sa
karaniwang pakahulugan.
Halimbawa:
• Isa kang bulaklak na may pusong busilak.
(babae)
• Tulad ka ng isang puno na matatag at hindi natitinag.
(magulang/angkan/lahi)
• Naalala ko ang matalik kong kaibigan. Sa huli, nalaman kong
isa siyang ahas.
(traydor)

Kasingkahulugan o Kasalungat

Sa pamamagitan ng kasingkahulugan at kasalungat na salita ay


maipararating ang mensaheng nais sabihin sa tulang gagawin. Ang paggamit
ng mga salitang magkakasingkahulugan o pareho ang ibig sabihin ay
makapagpapatibay sa mensahe ng tula. Ang paggamit naman ng mga
salitang magkasalungat o hindi pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong
upang maipakita ang ugnayang nais ipahayag sa tula.
Halaw sa: Pinagyamang Pluma ni Ailene Baisa-Julian et. al.Phoenix
Publishing House, 2017,p.164-165

3|Pahina
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng sarswela. Ilista sa
kwaderno ang mga salitang may malalalim na pagpapakahulugan.

MABUTI NA LANG!
ni Mary Grace Joaquin Andalis, Castillejos National High School

Mga Tauhan
Kenneth - anak ng mag-asawang Aling Miling at Mang Bodek
Mang Bodek - ama
Aling Miling - ina
Rica - kasintahan ni Kenneth
Jayson - kamag-aral na mayabang at mapang-asar
Chairman - abusadong ama at lider ng purok
Ismal - kababata at kaibigan ni Kenneth
Lando - pinuno o mayor sa kulungan
Tiyeb, Mark, - mga bilanggo
Bogs at Dave

UNANG TAGPO:
Sa tahanan nina Aling Miling, Mang Bodek at Kenneth
Musika: Awit Blg 1 (Pag-ibig
ko Sinta)
Kenneth: Anong saya kapag
ika’y kasama,
Sa aking piling hindi
ka mag-iisa.
Tulad ng isang bulaklak
Pusong busilak,
Panaginip na makasama
Habang buhay ikaw lang sinta.
Rica: Lumbay ko’y nawawala
Kapag ika’y naaalala,
Mga panaghoy tuwing gabi
Yakap-yakap aking sarili.
Koro: O, pag-ibig,
Dama ka sa dibdib.
Ligayang iyong dulot,
Sa puso ng magsing-irog

4|Pahina
Salitain
Aling Miling: Kenneth, anak, matulog ka na at may pasok ka pa bukas.
Tama na ‘yang ginagawa mo. Maaga ka pa bukas.
Kenneth: Opo ‘Nay. (hirap sa pagtulog sapagkat naalala ang kaniyang
kasintahan)
Aling Miling: Gumising ka nang maaga bukas para maihanda mo ang mga
kakailanganin mo sa paaralan.
Kenneth: Opo inay. Matutulog na po.
Aling Miling: Puntahan ko muna ang mga bulaklak sa likod-bahay
habang hinihintay ko ang tatay mo.
(Sa paaralan)
Kenneth: (sarili) Magtatago
muna ako rito sa mataas
na punong ito. Maya-
maya na ako papasok sa
klase.
Sir: Magpakilala ka sa
mga
kamag-aral mo.
Kenneth: Ako si Kenneth
Joaquin. (kinakabahan, sabay yuko).
Sir: Sabihin mo kung anong pangarap mo?
Kenneth: (napahawak sa ulo) Gusto ko pong maging isang pulis. Sana
matupad natin mga pangarap natin. Salamat po.
Sir: Doon ka umupo sa bakanteng upuan sa gilid, katabi ni Rica,
tulad mo rin, siya ay bago sa paaralang ito.
(Lumaki ang mata ni Kenneth at biglang bumilis ang tibok ng puso)
Kenneth: Na..n..di…rito ka rin pala? Akala ko hindi na kita makikita mula
nang lumipat kami ng bahay ni Inay.
Rica: Iba nga naman maglaro ang tadhana (namumula). Hindi ko
akalaing…. (naputol ang sasabihin dahil sa ingay sa likuran)
(Jayson, isa ring mag-aaral)
Jayson: Nasaan na ang aking takdang aralin?! (paasik na tanong nito sa
isa niyang kamag-aral)
Jericho: Pasensya ka na Jayson, hindi ko nagawa. (Yukong-yuko at
natatakot) Nagkaroon kasi ng suliranin sa bahay kagabi.
Jayson: Gusto mo ba na patalsikin kita dito, ha! (naglulumiyab ang mga
mata).
Jericho: Huwag! Maawa ka sa akin….
5|Pahina
(Akmang tutulong si Kenneth kay Jericho)
Rica : Anong gagawin mo?
Kenneth: Hindi ko kayang makita na may naaapi sa paligid ko. Naaalala
ko ang aking dating matalik na kaibigan. Sa huli, nalaman ko na
isa siyang ahas. (May galit sa mukha)
Rica: Walang sinomang pumipigil sa kanya na gawin ‘yan, kahit mga
guro hindi siya sinisita. Kaya hayaan mo na lang.
Kenneth: Itigil mo na yan! (sabay tayo at pinuntahan si Jayson sa likod
Jayson: Bakit? Sino ka ba? Kilala mo ba kung sino ako?
Kenneth: Wala akong pakialam kahit sino ka pa. Basta iyang ginagawa mo
ay hindi maganda.
Jayson: Ito ba ang gusto mo? (kinuha ang bote na may lamang juice at
binuhos sa ulo ni Jericho, sabay tingin nang mapang-asar kay
Kenneth)
Kenneth: Sabi nang ihinto mo yan. (umaawat ngunit bigla siyang sinuntok
ni Jayson) Wala ni isang nangahas na kamag-aral nila ang
nakialam sa nangyayari. Biglang pumasok ang guro at nakita
ang nangyari.
Sir: Itigil ninyo yan. Kenneth pumunta ka ngayon sa pricipal’s
office.

Sa principal’s office.
Sir: Mali ang iyong ginawa Kenneth.
Kenneth: Wala po akong masamang ginawa. Umawat lamang po ako sir
at… (hindi natapos ang sasabihin sapagkat dumating si Jayson
na may kasamang isang lalaki na maayos ang tindig at
pananamit)
Sir: Magandang araw po Chairman. (natatarantang bumati)
Chairman: Anong nangyari?
Jayson: Siya po daddy ang sumuntok sa akin (sabay turo kay Kenneth)
Sir: Humingi ka na agad ng tawad. (pabulong na sabi nito)
Kenneth: Wala akong ginawang masama para humingi ng tawad sa kanya.
Ako po ang kanyang sinuntok. Siya ang may kasalanan dahil
siya ang nang-api kay Jericho.
Jayson: Lumuhod ka at humingi ng tawad! (pauyam na sabi)
(Biglang dumating ang tatay ni Kenneth na si Mang Bodek)
Mang Bodek: Anak, humingi ka na lamang ng tawad para matapos na ito.
Kenneth: Hindi Itay, ako’y walang sala.
Mang Bodek: Ngunit sa sitwasyon natin wala tayong magagawa anak. Pader
6|Pahina
ang iyong binubunggo.
Dumating si Chairman
Chairman: Isa Kang masipag na empleyado namin dito pero iyang ugali ng
anak mo hindi maganda Mang Bodek.
Mang Bodek: Hindi ko rin alam kung kanino nagmana ‘yan. (Sabay tingin
kay Kenneth) pero hanga ako sa batang ito.
Chairman: (nagulat na may konting inis) Kung ganun, kailangan na kitang
tanggalin sa pwesto mo.
Mang Bodek: Hindi na kailangan, ako mismo ang aalis.

IKALAWANG TAGPO:
Natanggal sa paaralan si Kenneth at natanggal din si Mang Bodek sa kanyang
trabaho.
Salitain
Rica: Paano ka na ngayon?
Paano na ang iyong
mga pangarap, ang ating mga pangarap?
Kenneth: Huwag kang mag-alala,
irog ko. Malalampasan ko rin ito.
Rica: Ngunit paano? Tayong mga mahihirap ay ganun na lamang
kung alipustahin ng mga mayayaman. Wala tayong laban sa
kanila.
Kenneth: Tulad ng bukang liwayway, huwag tayong mawalan ng pag-asa.
Rica: Ngunit baka ikaw ay mahuli at magsisi.
Kenneth: Pakatandaan mo, mahal na mahal kita.

Sa tahanan ni Mang Bodek


Kenneth: Itay, pasensya na sa nagawa ko. Nang dahil sa akin nawalan ka
ng trabaho.
Mang Bodek: Huwag mong problemahin iyon anak ko. Ang mahalaga
hindi tayo naapi ng kung sino-sino dahil lang sa mayaman sila.
(Nagyakap ang mag-ama)
Sa hapagkainan.
Kenneth: Itay, ang sarap mo talagang magluto. Sa iyo talaga ako nagmana
(sabay na humalakhak)
Mang Bodek: Syempre naman, kanino pa nga ba? Alam mo ba anak na
pangarap ko na magkaroon tayo ng
isang karinderya. Meron naman na akong naipon kaya pwede
tayong makapagsimula.
7|Pahina
Kenneth: Sige Itay, tuparin natin ‘yan. Pangarap, ‘yan lamang ang kaya
nating mga dukha, ang mangarap. Tulad ka ng isang puno,
matatag at hindi natitinag.
Kinaumagahan…
Aling Miling: Mahal, kumain ka na
muna bago ka
bumiyahe. Para hindi
ka manghina. Lalo na
at maraming pasahero
ngayon.
Mang Bodek: Siyempre naman
Mahal, ang sarap mo
kayang magluto
(yayakapin si Aling
Miling)
Kenneth: Masaya akong nakikitang masaya kayo, Inay, Itay. Sana lagi
tayong ganito.
Mang Bodek: O sige na at nagkakadramahan na. Hindi naman ako aalis,
magsasakay lang ako ng mga pasahero (sabay gulo sa buhok ng
anak)
Aling Miling: Ingat, mahal ko (hinalikan sa pisngi ang asawa)
Gabi, wala pa rin si Mang Bodek
Aling Miling: Bakit kaya wala pa rin ang itay mo? (nag-aalala)
Kenneth: Huwag kang mag-alala Inay, pauwi na rin si Tatay. Siguradong
pagod na iyon sa maghapong pamamasada.
(May kumatok sa pinto)
Kapitbahay: Aling Miling, aling Miling… naaksidente si Mang Bodek!
Aling Miling: Asawa ko! (nawalan ng ulirat)
Kenneth: Itay ko!

Musika: Awit Blg. 2 (Panaghoy)


Kenneth: Ano ang naging kasalanan ko
At ako’y nagdurusa ng ganito?
Diyos na mahabagin
Maawa ka sa akin.
Aling Miling: Hindi ko makakalimutan,
Matatamis na suyuan;
Paano ko matatanggap?
Nawala ka nang ganap.
8|Pahina
Koro: Pag-ibig! Kaysarap umibig.
Musika sa pandinig
Ngunit paano na kapag pumanaw?
Tuluyan kang lumisan.
Sa burol, may mga pulis
Pulis 1: Nakikilala nyo ang mga taong ito?
Rica : Sir, kilala ko po ‘yang taong’ yan. (Nauutal habang nagsasalita)
Pulis 1: Ito ang mga ebidensiya na nakalap naming sa pinangyarihang
lugar. Sigurado ka ba?
Rica: Opo sir. Naaalala ko po na nakita ko po siya sa isang tindahan
nang maganap ang aksidente sa oras na iyon.
Rica: Sir, maaari ko po bang makita muli ang larawan? (lumaki ang
mga mata)
Pulis1: Sigurado ka ba sa sinasabi mo?
Rica: Hindi ako nagkakamali, kilala ko ang nasa larawan. (sabay
baling kay Kenneth) Kilala ko kung kaninong sasakyan ito.

IKATLONG TAGPO
Malapit sa istasyon ng mga pulis

Salitaan
Kenneth: (gigil na gigil) Sabihin mo
kung sino!
Rica: Si Jayson!
Kenneth: Sinasabi ko na nga ba!
Rica: Huwag! Baka mapahamak
ka. Hayaan mong ang
batas ang umusig sa
kanya.
Kenneth: Hindi! Hindi na ako
makapaghihintay pa sa
batas na sinasabi mo.
Rica: Isipin mo rin ang Inay mo. Paano kung may masamang mangyari
sa iyo? Huwag mong kalilimutan ang mga bilin ng Itay mo.
Biglang dumating si Aling Miling.
Aling Miling: Anak, maghunos-dili ka. Huwag mong pangunahan ng galit
ang nararamdaman mo. May awa ang Diyos. Malalagpasan din
natin ito.

9|Pahina
Kenneth: (Biglang pumunta sa bahay nila Jayson at nag-amok) Lumabas
ka diyan Jayson!
Chairman: Ano ang kailangan mo?
Kenneth: Ilabas mo si Jayson. Alam ko na siya ang bumangga sa tatay ko.
Chairman: Hindi ko alam ‘yang binibintang mo. (siyang paglabas ni Kenneth
na may mga galos at sugat)
Kenneth: Wala kang awa! (pinagsusuntok si Jayson)
Chairman: Tama na iyan, (hindi nagpapigil si Kenneth dahil sa galit na
kanyang nararamdaman)
Dumating ang mga pulis at dinakip si Kenneth.
Chairman: Dakpin ninyo ito! Sinasabi ko na nga ba na salot ka sa lipunan.
Pulis 1: Sumama ka sa amin.

IKAAPAT NA TAGPO
(Sa bilangguan, hindi pa rin mawala sa isip niya ang -nangyari sa kanyang
ama. Puno ng poot at paghihinagpis ang nararamdaman niya sa kanyang
kalooban)
Musika: Awit Blg 3 (Pangungulila sa Iyo Ama)
Kenneth: Kung aking babalikan mga gunita,
Masasayang araw wala ng pagsidlan pa;
Mga payo’t ngiti mong wala nang tatamis pa
Paano na Itay, hindi ko na makikita.

Bakit ba ang buhay ay hindi patas,


Kung sino pa ang mabuti
Naglalaho’t nagwawakas.
Bakit ba ganito?
Nais ko nang makaalpas.

Buhay na kaydali
Bakit bigla mong binawi.
Pangungulila sa iyo
Nadarama ng puso ko.

Huminto ang oras


‘Yan ang nais ko.
Upang kahit isang saglit,
Mabawasan ang nadaramang sakit.

10 | P a h i n a
Mga pighati at pagdurusa
Hindi ko alam kung ako’y magtatagal pa
O, Panginoon ako’y bigyang-laya
Karunungan at kapatawaran sa aki’y ibigay na.

Salitain

Sa bilangguan, hindi makausap nang maayos at balisang-balisa ang kanyang


itsura.
(bibisita ang kaibigan na si Ismal na kanyang kababata)
Ismal: Kenneth, kamusta kana?
Kenneth: Maayos naman ako. Paano mo nalaman?
Ismal: Nabanggit sa akin ng iyong pinsan na si Jaspher ang nangyari.
Huwag kang mag alala, makalalaya ka rin. Huwag kang
mawalan ng pag asa. Narito lang kami para sa iyo.
Kenneth: Salamat sa inyo, kayo ang nagpapalakas sa loob ko upang
hindi sumuko sa mga pagsubok na ito.
Bantay: Tama na ‘yan, tapos na ang oras.
Ismal: Mag-iingat ka palagi, Kenneth.
Kenneth: Kayo rin. Salamat.

(Kantina sa bilangguan)
Habang kumakain si Kenneth, may nangursunada sa kanya na isang lalaki.
Tiyeb: Ano ang ipinagmamalaki mo? (baling kay Kenneth)
Kenneth: (Hindi kumikibo)
Tiyeb: Wala ka bang naririnig?
Kenneth: Ayaw ko ng kaaway.
Tiyeb: Ah, ganun pala ha! (at sinuntok si Kenneth). (Nagkagulo sa
kainan)
Bantay: Tama na yan.
Kenneth: Siya ang nauna. Bigla niya akong sinuntok.
Tiyeb: Huwag kang magsinungaling. Ikaw ang unang sumapak sa
akin.
Kenneth: Tumahimik ka! (gigil na gigil niyang sabi).

11 | P a h i n a
IKALIMANG TAGPO
Nailipat si Kenneth sa isang selda na
kung saan ay naroon ang tinatawag
nilang boss na si Lando.
Lando: Sino yang bagong pasok?
Mukhang mayabang ah!
Mark: Oo nga boss, wala man lang pagbati sa iyo.
Dave: Ano boss, gusto mo bigyan natin ng leksyon?
Lando: Sige bugbugin ninyo ‘yan hanggang sa maging kulay talong.
(binugbog ng apat si Kenneth, tadyak dito, sipa roon)
Bogs: Matuto kang kumilala sa mas nakatataas sa'yo ha!
Dave: Kabago- bago mo lang dito, akala mo kung sino ka na.
Kenneth: Hindi ko k-a-y-o…… (at tuluyang nawalan ng malay si Kenneth)
Sa tahanan
Aling Miling: Kenneth, anak, gising na. May pasok ka ngayon. Ayusin mo na
ang mga gamit mo.
Kenneth: Hay salamat, mabuti na lang at panaginip lang pala. (nagising na
pawis-na pawis). Saan po si Itay?
Aling Miling: Kanina pang madaling araw umalis. Bumangon ka na at baka
mahuli ka pa sa klase.
Kenneth: Opo Inay.

Wakas.

Ang sarswela ay isang komedya, melodaramang may kasamang awit


at tugtog hinggil sa mga damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan,
paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa. Sinasabing ito ay natatangi
sa ibang akdang pampanitikan sapagkat ang dulang ito ay may bahaging
paawit at pasalita na tinatawag ding soap opera.

Ito ay ipinakilala noong Panahon ng Espanyol ngunit lubos na


nakilala noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano. Ang ilan
sa mga manunulat na kilala sa larangang ito ay sina:
1. Severino Reyes Walang Sugat
(kilala sa tawag na Lola Basyang)
2. Aurelio Tolentino Kahapon, Ngayon at Bukas
3. Juan Abad Tanikalang Ginto

4. Juan Crisostomo Soto Anak ng Katipunan

5. Amando Navarette Osorio Patria Amanda

12 | P a h i n a
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang


nakasulat nang pahilig. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa
sagutang papel.

mahirap makalaya saya


mayaman madumi dumating
malinis umalis bilanggo
lungkot buhay problema
pag-iyak dusa pagtawa

Kasingkahulugan Mahirap na Salita Kasalungat

pusong busilak

lumbay ko’y nawawala

pangarap ng isang
dukha
tuluyan kang lumisan

panaghoy tuwing gabi

nais kong makaalpas

13 | P a h i n a
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Suriin ang maaaring ipakahulugan ng sumusunod na pahayag na
hango sa akdang binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Lumbay ko’y nawawala


Kapag ika’y naaalala.
Mga panaghoy tuwing gabi
Yakap-yakap aking sarili.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Bakit ba ang buhay ay hindi patas?


Kung sino pa ang mabuti
Naglalaho’t nagwawakas.
Bakit ba ganito?
Nais ko nang makaalpas.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Mga pighati at pagdurusa


Hindi ko alam kung ako’y magtatagal pa.
O, Panginoon ako’y bigyang-laya
Karunungan at kapatawaran sa aki’y ibigay na.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Pag-ibig! Kaysarap umibig.


Musika sa pandinig
Ngunit paano na kapag pumanaw
Tuluyan kang lumisan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

14 | P a h i n a
5. O, pag-ibig
Dama ka sa dibdib
Ligayang iyong dulot
Sa puso ng magsing-irog.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pang-isahang Pagsasanay
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin ito sa
pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Salita Kasingkahulugan

1. gunita
2. pagsidlan
3. pighati
4. pagsuyo
5. dakpin

15 | P a h i n a
Pagsusulit

A. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa


pagkakagamit sa pangungusap. Pumili sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

(uri ng matigas na mineral, manhid)


__________1. Nadapa ang lalaki dahil sa bato na kanyang natapakan.
__________2. Naging bato ang kanyang puso nang minsang nasawi siya sa
pag-ibig.

(pundasyon ng bahay, ama)


__________3. Napakatibay ng aming haligi na hindi mabubuwag anomang `
lakas ng bagyo.
__________4. Ang haligi ng aming tahanan ay responsable at matatag sa
lahat ng hamon sa buhay.

(uri ng anyong lupa, problema)


__________5. Napakalaking bundok ang natanggal sa aking dibdib nang
dinggin ng Diyos ang aking panalangin.
__________6. Inakyat naming magkakaibigan ang mataas na bundok sa
Zambales.

B. Lagyan ng tsek (√) kung ang salitang magkatambal ay


magkasingkahulugan at ekis (x) naman kung magkasalungat. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

____ 1. paghihirap – pagdurusa


____ 2. pautal-utal – paputol-putol
____ 3. panaghoy - pagtawa
____ 4. pangungulila – pag-iisa
____ 5. busilak - dalisay

16 | P a h i n a
Pangwakas

Dugtungan ang pahayag na ito at isulat sa sagutang papel upang


makabuo ng makabuluhang pahayag. Tandaan na itala mo ang kabuoang
konseptong natutuhan mo bilang repleksyon sa araw na ito.

1.Natutuhan ko sa araw na ito ang ________________________________.

2.Ang mga araling natutuhan ko ay nakatulong sa akin na


_________________________________________________________________.

3.Ang paksang aking nalaman ay


_________________________________________________________________.

4.Ang bahagi na labis kong nagustuhan ay ang


_________________________________________________________________.

5.Ang bahagi na nakalilito sa aking pang-unawa ay


__________________________________________________________________.

17 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Guimarie, Aida M. 2018. Pinagyamang Wika at Panitikan.


Quezon City: Rex Bookstore, Inc.

Julian, Ailene Baisa. 2017.Pinagyamang Pluma. Quezon City:


Phoenix Publishing House, Inc.

18 | P a h i n a
19 | P a h i n a
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Kasingkahulugan
1. malinis
2. lungkot
3. mahirap
4. umalis
5. pag-iyak
6. makalaya
Kasalungat
1. madumi
2. saya
3. mayaman
4. dumating
5. pagtawa
6. bilanggo
Pinatnubayang Pagsasanay 2
*maaaring iba-iba ang sagot
Pang-isahang Pagsasanay
1. alaala
2. paglagyan
3. kalungkutan
4. pag-ibig
5. hulihin
Pagsusulit
A.
1. manhid
2. pundasyon ng bahay
3. ama
4. problema
6. uri ng anyong lupa
B.
1. √
2. √
3. x
4. √
5. √
Pangwakas
*maaaring iba-iba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t -ibang antas

bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat, tagaguhit at taga-anyo, sa kanilang iginugol na panahon at

kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang

pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa

20 | P a h i n a
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like