You are on page 1of 12

Naisasalaysay muli ang napakinggang

teksto gamit ang sariling salita

Naisasalaysay muli ang napakinggang


teksto sa tulong ng mga pangungusap
B A L I K A N M U N A N AT I N

•Magbigay ng iyong opinyon o


reaksyon tungkol sa pagbabalik ng
face to face classes.
“ M E N S A H E AY I PA S A ”

a. pagsasalaysay
b. teksto
c. napakinggan
d. sarilia.
e. salita
PA K I N G G A N A N G K U W E N TO
Halina’t Ating Pasyalan!
Isinulat ni: Lorenz Allan M. Españo
 
Si Pio, isang mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Valenzuela ay magkakaroon ng
paglalakbay sa kanyang lungsod upang makita ang iba’t ibang parke na maaaring maging
pasyalan ng bawat pamilyang Valenzuelano. Hindi alam ni Pio ang iba’t ibang pasyalan na
makikita sa kanilang lugar. Upang malaman niya ang iba’t ibang pasyalan sa kanilang lungsod
ay tinanong niya ang kanyang ina kung ano-ano ang mga pasyalang maaari niyang makita sa
lungsod. Inisa-isa ng kanyang ina ang mga pasyalan tulad ng Tagalag Eco Park, Polo Park,
Valenzuela City People’s Park at Valenzuela Family Park. Napahanga si Pio sa mga nabanggit
ng ina. Hindi niya inakala na may iba’t ibang pasyalan pala ang maaaring puntahan sa kanilang
lungsod. Nais niya na mapuntahan ang iba’t ibang pasyalan sa kanilang lugar ngunit hindi niya
alam kung paano ito puntahan. Inaya niya ang kanyang ina na libutin ang mga pasyalan.
Unang pinuntahan nila Pio ang Tagalag Eco Park, dito nakita niya ang malinis na kapaligiran,
masasayang mga tao, at mayroon ding nangingisda. Talaga namang maganda ang pasyalang ito.
Pagkatapos ay pinuntahan nila ang Polo Park. Dito ay nakita nila ang pigura nina Dr. Pio Valenzuela at
Dr. Jose Rizal na singtaas ng tao. Napansin niya ring malinis ang kapaligiran at disiplinado ang mga
tao. Siyang tunay na may maipagmamalaki nga ang kanilang lungsod.
Habang nasa daan sina Pio papuntang People’s Park at Family Park ay nakasalubong niya ang kanyang
mga kamag-aral kasama ang mga magulang nito. Inaya niya ang kanyang mga kamag-aral pati na rin
ang mga magulang nito. Agad namang sumama ang kanyang mga kamag-aral. Masayang tinungo nina
Pio ang People’s Park at Family Park. Doon sila naghabulan, naglaro, kumain at nagkuwentuhan na
rin.
Masayang-masaya si Pio sa kanyang karanasan sa pagpunta sa mga parke sa kanilang lugar. Marami
rin siyang natutuhan na maaaring ibahagi sa iba pa niyang mga kamag-aral.
“Tunay ngang masayang libutin ang ating lungsod, ina.” Sambit ni Pio habang nakangiting
nagpasalamat sa kanyang ina.
S A G U T I N A N G M G A TA N O N G .

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


_________________________________
2. Ano-anong pasyalan ang matatagpuan sa lungsod Valenzuela? __________
3. Bakit humanga si Pio sa sinabi ng kanyang ina? ________________________
4. Ano ang naramdaman ni Pio matapos ang pamamasyal? ________________
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki ang ating lungsod?
SALITA
Yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-
kumulang na mahigpit na sama-samang magkakaugnay at may halagang ponetika. Tipikal na binubuo
ang salita ng isang ugat at mayroon o walang panlapi. Maaaring pagsamahin ang salita upang makabuo
ng mga pananalita, parirala, sugnay at pangungusap.

KAYARIAN NG SALITA
1. Payak-binubuo ng salitang ugat lamang walang kasamang panlapi hindi rin inuulit.
Halimbawa:
basa tula awit
2. Tambalan-binubuo ng dalawang salitang pinagsama
halimbawa: kapitbahay balik-bayan dugong -bughaw
3. Maylapi- binubuo ng salitang ugat at isa o higit pang panlapI.
Halimbawa:
awit+ um= umawit
sayaw +um= sumayaw
4.Inuulit- inuulit ang kabuoan ng salita o isa o higit pang mga pantig
 
 
 
Dalawang uri ng pag-uulit
Pag-uulit na ganap-kapag inuulit ang salitang ugat
Halimbawa:
araw-araw
sabi-sabi
tulong-tulong

Pag-uulit na di-ganap- inuulit lamang ang bahagi ng salita maaaring


unang pantig
Halimbawa:
bali-baliktad
kabi-kabila
sasama

Sa pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto mahalaga na nauunawaan natin


ang una, gitna at huling pangyayari.
Buuin ang talata upang maisalaysay muli ang napakinggang teksto
Gamitin ang mga salita sa ibaba.
 
a. Lungsod ng Valenzuela
b. magpasama
c. masayang
d. pasyalan
e. Valenzuela City Family Park
 
Si Pio ay isang mag-aaral ng pampublikong paaralan sa (1.) _____________. Ninais
niyang libutin ang iba’t ibang (2.) ________________ sa kanilang lungsod. Ngunit hindi
niya alam ang daan patungo sa mga ito kaya’t lumapit siya sa kanyang ina upang (3.)
_______________________ sa pagpunta sa iba’t ibang pasyalan. Masayang nilibot nina
Pio ang mga pasyalan. Kasama niya ang kanyang mga kamag-aral at magulang nito.
Pinuntahan nila ang Valenzuela City People’s Park at (4.) _____________________. (5.)
________________ na umuwi sina Pio at hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi.
I H A N A Y A N G B A WA T S A L I T A A Y O N S A
TA M A N G K AYA R I A N .

abot-tanaw bahay dagdag palit-palit


kabuhayan sinubukan dalaga taos-puso
hanapbuhay   halo-halo

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALA


N
       
 
 
 
TA N D A A N
SALITA
Ang (1) __________ yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at
binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang na mahigpit na
sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika. Tipikal na
binubuo ang salita ng isang ugat at mayroon o walang panlapi. Maaaring
pagsamahin ang salita upang makabuo ng mga pananalita (2)
_________, sugnay at (3)___________. Ang mga (4.)__________ ng
salita ay ang payak, maylapi, inuulit
PARIRALAat (5)__________. PANGUNGUSAP
KAYARIAN
TAMBALA
N
Buuin ang talata upang maisalaysay muli ang napakinggang teksto. Gamitin ang mga salita
sa ibaba
 
Si Pio ay nagnais na maglibot sa iba’t ibang pasyalan sa kanilang lungsod. Siya ay
nagpasama sa kanyang 1. __________ dahil hindi niya alam ang daan patungo rito. Nagpunta
sila sa Tagalag Eco Park, doon ay nakita nila ang mga taong masayang namamasyal,
namimingwit, at nag-eehersisyo. Pumunta rin sila sa 2. __________________ at doon ay
nakita nila ang pigura nina 3. ______________________ at 4. ________________________
na kasingtaas ng isang tao. Nakita rin nilang malinis at 5. ________________ ang mga taong
naroroon. Habang patungo sa iba pang pasyalan, nakasalubong nina Pio ang kanyang mga 6.
_______________ kasama ang kanilang 7. ________________. Doon ay masayang 8.
_______, 9. _________, at 10. __________.

Disiplinado kamag-aaral Dr. Jose Rizal magulang


Dr. Pio Valenzuela ina nagkuwentuhan naglaro
kumain Polo Park

You might also like