You are on page 1of 2

St.

Therese School of Tagbilaran City


Mansasa District, Tagbilaran City
Buwanang Pasulit sa Filipino 7
Enero__, 2021

I.
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa ibaba. Lagyan ng M sa blangko kung
ang pahayag ay hindi wasto at T kung wasto.
_______1. Ang wika ang nagsisilbing daan upang magkaunawaan at magkaisa ang pamilya, pulo,
mga bansa, at ang buong mundo.
_______2. Bukod sa wikang Filipino ay mayroon pang ibang wika at dayalektong ginagamit sa
bansa, kabilang na dito ang Waray, Kapampangan, Hiligaynon, at Cebuano.
_______3. Ipinapalagay na nagsimulang magtalastasan ang mga tao sa pamamagitan ng mga ungol
o tunog na tulad ng sa hayop na sinasabayan ng kumpas.
_______3. Ayon sa Teoryang “Bow-wow” ginagaya ng mga tao ang tunog ng kalikasan.
_______4. Pinag-uugnay ng Teoryang “Yum-yum” ang tunog at kilos ng pangangatawan.
_______5. Ayon sa Teoryang “Pooh-pooh” ang tao ay lumilikha ng tunog na may kahulugan upang
maipahayag ang tindi ng damdamin.
_______6. Mababasa sa Genesis 11: 1-9 na ang Diyos ang nagtakda ng wika sa bawat bansa.
_______7. Maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino.
_______8. Ang Tulang Panunudyo ay isang uri ng akda na may layuning manukso o mang-uyam.
_______9. Ang Tugmang de-Gulong ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga
pampublikong sasakyan.
_______10. Ang Bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.

II.
Panuto: Pangkatin Ang mga salitang nakatala sa ibaba ayon sa mga kaisipang dapat na
kinabibilangan ng mga ito. 11-19.

buhay katangian salapi


hiyas kagandahan panghalina
diwa ginto pagkatao

Kayamanan Kaluluwa Kariktan

III.
Panuto: Tukuyin ang diin ng salita sa bawat bilang batay sa kahulugang nakatala sa
panaklong.

20. kaibigan (friend) – __________


21. kaibigan (mutual friend;lover) - ___________
22. paso (flower pot) - ____________
23. paso (expired) - ___________
24. manonood (watcher) - ___________
25. manonood (to watch) - ___________
IV.
Panuto: Basahin at suriin ang mga piling taludtod osaknong na hinahango sa tulang “Ang
Sariling Wika” at ilahad ang pangunahing ideyang isinasaad nito.

26-30. Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat it’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

V.
Panuto: Bumuo nang isang akrostik para sa titik ng salitang WIKA na nagpapahayag ng iyong
pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino at maging sa ibang wika at diyalektong
ginagamit sa bansa. Ang unang titik ay ginawa na para sa iyo.

W – Wikang Filipino at iba pang wikang ginagamit sa bansa ay pahahalagahan sapagkat ito ay
pamanang kaloob ng ating mga ninuno mahigit pa sag into at yaman.
I-
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
K-
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
A-
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

You might also like