You are on page 1of 2

MAHABANG PAGSUSULIT SA

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: Iskor:

Petsa: Guro:

Instructions: St. Dominic Savio College is proud of all students for exerting efforts to excel in class and learning for
personal growth. Thus, we would like to entrust you with this formative assessment with the trust that you will be honest
in answering this test. Below are the specific instructions for this test:

Pangkalahatang Panuto:

1. Huwag kalimutang isulat ang buong pangalan at ang iba pang hinihinging dapat na punan.
2. Basahing mabuti ang bawat panuto.
3. Mayroon lamang kayong 1 oras at 30 minuto sa pagsasagot.
4. Maaaring magtanong sa guro kung sakaling may kalituhan o katanungan.

I. TAMA AT MALI
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi. Isulat ang wastong
kasagutan bago ang bawat bilang.
1. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo.
2. Ang wika ay naglalarawan o nagsisimbolo ng pagkakakilanlan ng isang tao o lugar.
3. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Katutubo.
4. Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salita ng lingua ng Latin, na nangangahulugang
"dila’’.
5. May humigit kumulang 3000-6000 mga wika ang sinasalita ng mga tao sa kasalukuyan.

II. PUNAN ANG PATLANG


Panuto: Punan ang patlang at pumili mula sa loob ng kahon ng wastong kasagutan.
Ta-ra-ra-boom-de-ay lingua
Sing-song Biblikal Henry Gleason
wika Manuel L. Quezon malay kastila dila

6. Ang __________ ay kasangkapan ng komunikasyon at ginagamit sa pakikipagtalastasan.


7. Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salita ng _______ ng Latin.
8. Ayon kay _______________ ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang
kultura.

9. Ang Teoryang ____________ ay nagmula sa Tore ng Babel.


10. Sa Teoryang _____________ nakabatay ang paghimig ng mga awit.
11. Naglalarawan o nagsisimbolo ang __________ ng pagkakakilanlan ng isang tao o lugar.
12. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang _________.
13. Nagmula sa _________ ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
14. Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salita ng lingua ng Latin, na nangangahulugang ________.

15. Ang Teoryang ___________________ ay nagmula sa mga ritwal, pagdarasal, pagtatanim atbp.
III. PAGTUKOY

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag at isulat ang wastong kasagutan sa patlang.

16. Tawag sa taong may dalawang wikang ginagamit. ______________________

17. Tawag sa taong may tatlo o higit pang wikang ginagamit. ______________________

18. Batas na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. ______________________________

19. Batas na nagtatakda na magkaroon ng Wikang Pambansa. ____________________________________

20. Siya ang Ama ng Wikang Pambansa. ____________________________________

21. Siya ang nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensya o anumang instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksyon, komunikasyon at korespondensiya. _____________________________

22. Kailan nilagdaan ni noo'y Kalihim ng Edukasyon na si Jose Romero ang pagsisimulang pagkilala sa
pagtawag na "Pilipino" sa ating Wikang Pambansa? ________________________________

23-25. Kraytirya sa pagpili ng Wikang Pambansa.


__________________________________________________________________________________________

26. Teorya kung saan ito ay nanggaling sa salitang pranses na nangagahulugang paalam. __________________

27. Teorya kung saan ang mga tunog ay nalilikha ng damdamin. ______________________________________

28. Kahulugan ng MTB-MLE. _________________________________________________________________

29. Ano ang iba pang kahulugan sa pagiging simbolo ng nasyonalismo? ________________________________

30. Ang batas sa KWF ay bubuuin ng 11 komisyoner na kakatawan sa mga pangunahing wika sa Pilipinas.
______________________________________

31. Batas para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal
na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksyon sa pamahalaan man o sa
kalakalan._________________________________________________________________________________

32. Mission Statement ng Saint Dominic Savio College. _______________________________________

33-35. Educational Philosophy ng Saint Dominic Savio College na nasasalig sa wikang ingles at latin.
__________________________________________________________________________________________

36-39. Core Values ng Saint Dominic Savio College._______________________________________________

40. Buong pangalan ng guro sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


______________________________________

IV. PAGSULAT (10 PUNTOS)


41-50. Ano ang wika at bakit mahalaga ito para sa isang tao? Ipaliwanag.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman - 8
Orihinalidad - 2

You might also like