Professional Documents
Culture Documents
Filipino 7 Q2 WEEK 6 Learners Copy Reviewed
Filipino 7 Q2 WEEK 6 Learners Copy Reviewed
PANGKALAHATANG TAGUBILIN:
May mga kamaliang nakita sa Modyul ng Filipino _7_Kuwarter 2 Linggo _6_
Modyul – PAGLIKHA NG OPRIHINAL NA AWITING BAYAN. Mangyaring gamitin ang
mga impormasyong nasa ibaba na siyang gabay sa pagsasakatuparan sa mga gawain sa
modyul.
Maligayang pag-aaral!
I. Pagwawasto
SITWASYON (SITUATION):
Ikaw ay miyembro ng Youth Choir ng iyong paaralan na nagsusulong ng pagpapahalaga sa
kultura’t tradisyon sa sariling lugar. Ikaw ay naatasang sumulat ng sariling bersiyon ng
awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan mula sa inyong lugar. Ang iyong paaralan ay
magdaraos ng isang palatuntunan. Dahil dito, ang mga guro ay nangangailangan ng mga
mag-aaral na puwedeng magsulat ng sariling bersiyon ng awiting-bayan tungkol sa
kinalakhang lugar na ginagamitan ng wika ng kabataan. Ikaw ay kanilang inatasang
gumawa. Paano mo ito gagawin? Ano ang isusulat mo? Ang sariling bersiyon ng awiting-
bayan ay nasusulat nang orihal, nagagamit ang wika ng kabataan nang masining, at
nakapaloob dito ang mga kultura at tradisyon ng isang lugar.
LAYUNIN (GOAL):
Ikaw ay naatasang sumulat ng sariling bersiyon ng awiting-bayan gamit ang wika ng
kabataan mula sa inyong lugar
TUNGKULIN (ROLE):
Ikaw ay miyembro ng Youth Choir ng iyong paaralan na nagsusulong ng pagpapahalaga sa
kultura’t tradisyon sa sariling lugar.
PRODUKTO (PRODUCT):
Sariling Bersiyon ng Awiting-Bayan Gamit ang Wika ng Kabataan
TAGAPAKINIG/TAGABASA (AUDIENCE):
Mga mag-aaral, magulang, guro, pinunong-guro at principal
PAMANTAYAN (STANDARDS):
RUBRIK SA PAGLIKHA NG SARILING BERSIYON AWITING-BAYAN