You are on page 1of 13

PAANO LULUNASAN ANG SAKIT SA LALAMUNAN

Madalas bang sumasakit ang lalamunan mo? Narito ang natural na paraan ng paglunas ng
masakit na lalamunan. Sa paraang ito, kailangan mo ang mga sumusunod:

1 basong mainit na tubig


1 kutsaritang cayenne powder ( pinulbos na sili )
Karampot na asin
Kapag naihanda mo na ang mga gamit, narito ang mga dapat mong gawin.

1. Painitin mo ang tubig. Ingatan mong hindi nakapapaso ang init ng tubig.

2. Ilagay mo ang karampot na asin at isang kutsaritang cayenne powder.

3. Imumog mo ang mainit na tubig na may asin at cayenne powder nang 30 segundo. Ulitin mo
hanggang maubos ang tubig. Hindi mo kailangang inumin ang tubig.

Sa muling pagsakit ng lalamunan mo, huwag ka nang bumili ng mga gamut. Sa tulong ng
natural na paraang ito, tiyak na maalis ang pananakit ng lalamunan mo.

PAANO LULUNASAN ANG SAKIT SA LALAMUNAN

Madalas bang sumasakit ang lalamunan mo? Narito ang natural na paraan ng paglunas ng
masakit na lalamunan. Sa paraang ito, kailangan mo ang mga sumusunod:

1 basong mainit na tubig


1 kutsaritang cayenne powder ( pinulbos na sili )
Karampot na asin
Kapag naihanda mo na ang mga gamit, narito ang mga dapat mong gawin.

1. Painitin mo ang tubig. Ingatan mong hindi nakapapaso ang init ng tubig.

2. Ilagay mo ang karampot na asin at isang kutsaritang cayenne powder.

3. Imumog mo ang mainit na tubig na may asin at cayenne powder nang 30 segundo. Ulitin mo
hanggang maubos ang tubig. Hindi mo kailangang inumin ang tubig.

Sa muling pagsakit ng lalamunan mo, huwag ka nang bumili ng mga gamut. Sa tulong ng
natural na paraang ito, tiyak na maalis ang pananakit ng lalamunan mo.
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

Unang Markahan – Unang Linggo


Petsa : Ika-9 ng Nobyembre,2021
Oras : Ala - 1: 00 ng hapon

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN : Nauunawaan ang mga konsepto,elemento,kultural,kasaysayan,


gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP : Nasusuri ang kalikasan,gamit,mga kaganapang pinagdaan at


at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa.
penomenong kultural at panlipunan sa bansa.

KOMPETENSI : Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga


konseptong
pangwika. ( F11-Ia-85 )
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radio,talumpati at mga
panayam. ( F11-Ia-86 )

I. LAYUNIN

KAALAMAN : Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang konseptong pangwika.


SAYKOMOTOR : Nakasusulat ng tigdadalawang pangungusap na nagbibigay ng
opinyon sa mga konseptong pangwika.
APEKTIV : Napahahalagahan ang iba’t ibang konseptong pangwika.

II. PAKSANG – ARALIN


A. PAKSA : Mga Konseptong Pangwika
 Wika
 Wikang Pambansa
 Wikang Panturo
 Wikang Opisyal
B. SANGGUNIAN : Pinagyamang Pluma
C. KAGAMITANG : Printed Module, Answer Sheets
PAMPAGKATUTO

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA / PREPARATION
 Sa puntong ito,subuking sagutin ang katanungan bilang paghahanda sa
gawaing may kinalaman sa mga konseptong pangwika.

KUMUSTA ANG WIKA MO ?


B. PAGLALAHAD / PRESENTATION
( Pagganyak )
 Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling
pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng bilohaba.

WIKA

Mga gabay na tanong :


1. Ano -ano ang pumapasok sa inyong isipan sa tuwing naririnig ang
salitang wika?
2. Para sa inyo,ano ang kahalagahan ng wika sa atin?

C. PAGTATALAKAY / DISCUSSION
 Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa mga
konseptong pangwika: Wika,Wikang Pambansa,Wikang Panturo,Wikang
Opisyal. Basahin ito sa inyong modyul pahina 7 sa bahaging “Suriin”.
( Gawain )
 Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang kahulugan ng konseptong pangwika mula
kina : Sapiro,Hemphill,Hutch at Otanes. Isulat sa sagutang papel na ibinigay.

Dalubhasa sa pag-aaral ng wika Sariling Paliwanag


Sapiro
Hemphill
Hutch
Otanes

D. PAGLALAHAT / GENERALIZATION
 Panuto : Gumawa ng talahanayan ,sa unang kolum,isulat ang limang (5)
konseptong pangwikang inyong natutunan mula sa aralin. Sa ikalawang
kolum, isulat ang kaukulang bilang ng Dekalogo kung saan nakapaloob ang
konseptong ito at sa ikatlong kolum,magbigay ng maikling paliwanag.

KONSEPTONG BILANG NG DEKALOGO PALIWANAG


PANGWIKA
1
2
3
4
5
E. PAGLALAPAT / APPLICATION
 Panuto : Gumawa ng hugis puso at kahon sa ibaba kagaya ng modelo sa
ibaba. Sagutin ang hinihingi sa bawat hugis base sa kabuuang talakayan sa
aralin.

Ang Nilalaman ng Aking Puso Ukol sa Kahulugan ng Wika

Mga dapat kong pahalagahan sa mga konseptong pangwika (Maaari ring


sabihing paano mapahahalagahan ang mga konseptong pangwikang
natutunan).
1.
2.
3.
4.
5.

IV. PAGTATAYA / EVALUATION

Pangkatang Gawain
 Panuto : Sumulat ng tigdadalawang pangungusap na nagbibigay ng opinyon
sa mga konseptong pangwika na :
1. Wika
2. Wikang Panturo
3. Wikang Pambansa
4. Wikang Opisyal

V. TAKDANG- ARALIN / ASSIGNMENT


 Magsaliksik sa mga sumusunod na salita :
1. Monolinggwalismo
2. Bilinggwalismo
3. Multilinggwalismo

Inihanda ni :

MARILOU R. BACATAN
Guro
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

PILING LARANG - AKADEMIK

Ikalawang Markahan – Unang Linggo


Petsa : Ika- 21 ng Marso 2022
Oras : Alas - 9 : 00 ng umaga

Pamantayang Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.


Pangnilalaman Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik.

Kompetensi Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat,wasto,at angkop na paggamit ng wika.


CS_FA11WG-0p-r-93

I.LAYUNIN :
Kaalaman Nasusuri ang isang posisyong papel na ipinakita.

Saykomotor Nakagawa ng sariling posisyong papel sa paksang ibinigay.

Apektiv Nasisiyasat nang mabuti ang posisyong papel nang may malalim na pag-unawa.

II.PAKSANG-ARALIN
A.PAKSA Posisyong Papel

B.SANGGUNIAN Filipino sa Piling Larang (Akademik)

C.KAGAMITANG Pisara,Manila Paper,Projector,LCD screen at Sanayang Aklat


PAMPAGKATUTO
III.PAMAMARAAN

A.PAGHAHANDA
Pangmotibisyunal na Sang-ayon ba kayo sa ginawa ng ating pangulong Duterte na uusigin ang mga gumawa ng
Tanong: illegal na droga? Ano ang iyong paninindigan dito?

Aktiviti / Gawain 1.Gamit ang “Think-pair-share”. May panukala na ang Ms. Universe ay gaganapin sa ating
bansa ngayong 2017 pero hindi gagasta ang ating pamahalaan kundi ang mga pribadong
sector lamang.

2.Pag-uulat ukol sa bunga ng kanilang pagbabahagihan.

B.PAGLALAHAD Tatalakayin ng guro ang katangian ng posisyong papel.

C.PAGSASANAY Pangkatang Talakayan : Magpabasa ng isang artikulo batay sa pagtanggal ng asignaturang


Mga Panlinang na Filipino Sa Kolehiyo.
Gawain
Indibidwal na Gawain : Magpasulat ng Posisyong Papel batay sa paksang tinalakay.

D.PAGLALAHAT Lingid sa inyong kaalaman sa posisyong papel na sulatin, dapat nating tandaan na tayo’y
Generalisasyon malayang mailahad ang ating saloobin.

E.PAGLALAPAT Hahatiin ng guro sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral para sa isang DEBATE.
Aplikasyon
Paksa : Nauukol sa pagsang-ayon o di pagsang-ayon sa pagtanggal ng Asignaturang
Filipino sa kolehiyo.

Pangkat I – Sang-ayon
Pangkat II – Di Sang-ayon

IV.PAGTATAYA A.Sagutin ang mga tanong nang walang paligoy-ligoy:


1. Bakit kakaiba ang sulating posisyong papel sa ibang sulating pang-akademiko?
2. Anong katangian ang nangingibabaw sa pagsulat ng posisyong papel?

B.Suriin ang isang napapanahong isyu at magbigay ng inyong saloobin o reaksiyon sa


pamamagitan ng paggawa din ng isang posisyong papel.

V. TAKDANG-ARALIN Kung dadagdagan pa ng dalawang taon ang kolehiyo,ano ang inyong reaksyion at
pangatwiranan.

Inihanda ni :

MARILOU R. BACATAN
Guro
Ano ang tekstong Prosidyural ?
 Ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa
ng isang bagay.
 Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksyon upang ligtas, mabilis, matagumpay at
maayos na maisakutaparan ang mga gawain.
 May tiyak na pagkakasunud-sunod ang mga hakbang na dapat sundin upang matagumpay na
magawa ang anumang gawain.
Magagamit ang tekstong prosidyural sa iba’t ibang pagkakataon :
1. Pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang kasangkapan batay
sa ipinakita sa manwal.
2. Pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga
resipi, mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada, at mga eksperimentong siyentipiko.
3. Paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay, tulad halimbawa
ng kung paano magiging masaya, kung paano magtatagumpay sa buhay at iba pa.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong prosidyural :
 Manwal sa paggamit ng isang kasangkapan
 Resipi
 Gabay sa paggawa ng mga proyekto
 Mga eksperimentong siyentipiko
 Mekaniks ng laro
 Mga alituntunin sa kalsada
Mga Elemento ng Tekstong Prosidyural :
1. Layunin
 Ito ay kadalasang tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat matamo pagkatapos
magawa nang wasto ang lahat ng hakbang.
2. Kagamitan
 Nakalista sa pinakaunang bahagi ng tekstong prosidyural ang mga kagamitan, kung
minsan ay mga kasanayan o kakayahan, na gagamitin sa gagawing hakbang.
 Nakalista ang mga kagamitan ayon sa pagkakasunud-sunod ng paggamit sa mga ito.
 Nauuna sa listahan ang mga unang gagamitin hanggang sa panghuli.
3. Mga Hakbang / Metodo
 Ito ang pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural.
 Sa bahaging ito nakalahad ang mga panuto kung paano gagawin ang buong proseso
upang makamit ang layunin.
 Upang maihanay nang maayos ang mga susundang panuto, kailangan ng isang
matibay na hulwaran ng daloy ng mga gagawin at sunud-sunod na impormasyon
nito. Makatutulong ang paggamit ng mga salitang una , ikalawa , ikatlo at huli sa
halip ng laging paggamit ng salitang sunod.
 Maaaring gumamit ng numero , bullet , o mga pang-ugnay na nagpapahayag ng
pagkakasunud-sunod upang madaling sundan ang mga panuto.
4. Tulong na Larawan
 Ito ay nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maging mas mabilis at masigurong
wasto ang pagsunod sa isang hakbang dahil maikukumpara ng mambabasa ang
kanyang ginagawa sa tulong larawan.Sa ibang teksto, iniiwasan naman ito upang
higit na masubukan ang talino at husay ng babasa sa pagsunod sa teksto.

Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Prosidyural :


 Ano ang layunin ng Teksto ?
 Malinaw bang naipahayag ang layunin ng teksto?
 Ano-anong kagamitan ang kinakailangan sa pagsasagawa ng mga panuto?
 May nakasaad bang paglalarawan ng mga kagamitang dapat gamitin?
 Nakatutulong ba ang paglalarawan ng mga kagamitan upang mas mabisang magawa ang
mga hakbang?
 Nasa sa wastong pagkakasunud-sunod ba ang mga hakbang?
 Madali bang unawain at sundan ang mga panuto?
 Nagbigay ba ng sapat na paglalarawan at paliwanag ang mga hakbang upang magabayan ang
mambabasa sa wastong pagsasagawa ng mga panuto?
 Nakaayon ba ang mga hakbang upang matamo ang layunin na isinaad nito sa simula?
 Kung may mga tulong na larawan , mas magagabayan ba nito ang mababasa?
 Malinaw ba ang mga larawan at tumutugma sa kaugnay nitong panuto?
Mga Paalaala sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural
 Matukoy sa simula kung sino ang target na mambabasa kaugnay ng uri ng tekstong isusulat.
 Kailangang tingnan ang wikang gagamitin upang makamit ang layunin.
 Isaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng mga mambabasa ayon sa kanilang
edad,propesyon,antas ng pamumuhay at personalidad.
 Pagkatapos matukoy ang estilo ng pagsulat ng teksto, alalahanin ang mga katangiang dapat
taglayin ng tekstong prosidyural.
Katangian ng wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural :
 Heading
 Subheading
 Dayagram
 Numero
 Mga larawan
 Layunin o target na awtput
 Kagamitan

Halimbawa ng Tekstong Prosidyural


Paglinang ng Talasalitaan

Hindi laging ipinapayo na sumangguni agad sa diksyunaryo sa tuwing may mababasang


salitang hindi pamilyar. Pansamantalang lagyan ng marka ang salitang gamit ang lapis at
ipagpatuloy ang pagbabasa.Subukin ang ganitong paraan at subukang “hulaan”ang
posibleng kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.

Una , bigkasin ang salita. Madalas na nagkakaroon ng ideya o nakikilala ang kahulugan ng
salita kapag narinig na ito.

Ikalawa , suriin ang istruktura ng salita. Tingnan kung pamilyar ang ilang bahagi ng
salita.Maaaring matukoy ang kahulugan sa pamamagitan ng mga panlaping nakakabit sa
salita.

Sunod ay tingnan ang konteksto. Hulaan ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng


gamit nito sa loob ng pangungusap . Maaari ring makakuha ng ideya mula sa susunod na
pahayag.

Matapos gawin ang mga nabanggit na paraan at hindi pa rin makuha ang kahulugan ,
sumangguni na sa diksyunaryo. Tumingin din sa glosari ng aklat.

Isulat ang kasingkahulugan o anumang karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit


ang lapis. Makatutulong ito sa mas malalim na pag-unawa sa binabasa.

Mga Pamatnubay na Tanong :


1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?
( Ilahad ang pangunahing paksa nito at magbigay ng ilang suportang ideya
2. Ano-anong katangian ng tekstong prosidyural ang makikita sa teksto?
( Ibigay ang hulwaran ng organisasyon na ginamit sa teksto )
3. Masasabi bang isang mabisang tekstong prosidyural ang teksto?
( Magbigay ng puna tungkol sa paraan ng pagkakasulat ng teksto )

Bikol Express
Mga Sangkap
4 na tasang hiniwang siling haba 3 butil ng bawang, tinadtad
I kutsarang asin 1 sibuyas , tinadtad
2 tasang gata asin pantimpla
1 ½ - 2 tasang sariwang alamang 1 tasa ng kakanggata
¼ kilong liempo, hiniwang manipis at pakuwadro

1. Ibabad ang sili sa tubig na inasinan. Itabi nang 30 minuto at pagkatapos ay


hugasang maigi. Patuluin.
2. Sa kawali , paghaluin ang gata, alamang, karne,bawang,sibuyas at asin. Pakuluin.
3. Hinaan ang apoy at isalang pa nang 10 minuto.
4. Idagdag ang sili at lutuin hanggang halos matuyo.
5. Ibuhos ang kakanggata at hayaang magmantika.
Mula sa Sarap Pinoy : Mga Lutuing Pilipino

Mga Pamatnubay na Tanong :


1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?
( Ilahad ang pangunahing paksa nito at magbigay ng ilang suportang ideya
2. Ano-anong katangian ng tekstong prosidyural ang makikita sa teksto?
( Ibigay ang hulwaran ng organisasyon na ginamit sa teksto )
3. Masasabi bang isang mabisang tekstong prosidyural ang teksto?
( Magbigay ng puna tungkol sa paraan ng pagkakasulat ng teksto )

EBALWASYON
A. Kung ikaw ay susult ng isang tekstong prosidyural, magtala ng mga bagay na dapat
tandaan upang makabuo ng malinaw at kongkretong mga hakbang sa pagbuo ng isang
proyekto.
1.______________________________________________________________________.

2.______________________________________________________________________.

3.______________________________________________________________________.
4.______________________________________________________________________.

5.______________________________________________________________________.

B. Tukuyin at suriin ang teksto ayon sa mga elemento ng tekstong prosidyural. Gamitin sa
pagsusuri ang mga gabay na tanong sa pagbasa ng tekstong prosidyural. Punan ang
talahanayan ng mga puna ayon sa bawat elemento.

Puna
Layunin

Kagamitan

Mga
Hakbang/Panut
o

Paraan ng
Pagkakasulat

Takdang-Aralin :

Sumulat ng isang tekstong prosidyural. Pumili ng dalawa sa sumusunod na mga paksa.


Gamitin ang unang paksa sa pagsulat ng tekstong prosidyural sa anyong de-numero, at ang
isa pang paksa gamit ang anyong talata. Isulat ito sa malinis na papel.
 Mekaniks sa paglalaro ng isang boardgame
 Gabay kung paano aayusin ang privacy setting ng Facebook profile
 Alituntunin sa pagmamaneho ng sasakyang automatic
 Gabay sa paggawa ng sariling halamang-gamot
 Gabay at itinerary sa paglalakbay
 Mga punto kung paano kumuha ng dokumento mula sa kahit anong opisina ng
pamahalaan (hal. NBI clearance,sertipiko ng kapanganakan, sedula, lisensya, atbp.
 Artikulo na tumatalakay o naglalarawan kung paano makakamit ang minimithing
kalagayan sa buhay.

RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG PROSIDYURAL


PAMANTAYAN PUNTO NATAMON
S G PUNTOS
Angkop ang ginamit na mga detalye na nagpapahiwatig ng 7
pagkakaroon ng wasto at sapat na pananaliksik upang maging wasto
at batay sa katotohanan ang mga impormasyon.
Malinaw ang layunin ng prosidyur. 10
Kompleto at nailarawan nang mabuti ang kagamitan.
Nakalista ang kagamitan ayon sa pagkakasunud-sunod ng paggamit sa
mgang mga ito.
Sapat ang bilang ng mga hakbang upang maisagawa ang layunin.
Malinaw ang pagsasalaysay ng panuto, hindi nakalilito at gumamit ng
mga salitang kilos.
Nagbigay ng karagdagang paliwanag sa mga hakbang upang
makatulong sa pag-unawa ng dapat kalabasan ng gawain.
Madaling sundan ang mga hakbang.
Kung gumamit ng tulong na larawan, nakatulong ito na magawa nang
maayos ang Gawain.
Sumunod sa wastong balarila at baybay at mga panuntunan sa 3
pagsulat ng sanaysay.
Angkop at wasto ang mga ginamit na salita.
KABUUAN 20 pts.

UNANG PANGKAT

PAGGAWA NG ORIGAMING PUSO

Panuto : Pumili ng lider . Lahat ng kasapi ng pangkat ang gagawa. Sundin lamang ang mga
hakbang na nasa larawan bilang 1 hanggang 14 . Gagamitin ang mga mateyales na
ibinigay ko. Gagawin ito sa loob lamang ng limang minute. Sampug puntos bawat
miyembrong makakatapos. Kapag natapos na ang lahat ng pangkat, ay magpapakita ng
kanilang nagawang nagawang origami at ang mga lider ng mga pangkat ang
magpapaliwanag kung paano ito nagawa.
PANGALAWANG PANGKAT

PAGGAWA NG ORIGAMING KAHON

Panuto : Pumili ng lider . Lahat ng kasapi ng pangkat ang gagawa. Sundin lamang ang mga
hakbang na nasa larawan bilang 1 hanggang 12. Gagamitin ang mga mateyales na ibinigay
ko. Gagawin ito sa loob lamang ng limang minute. Sampug puntos bawat miyembrong
makakatapos. Kapag natapos na ang lahat ng pangkat, ay magpapakita ng kanilang
nagawang nagawang origami at ang mga lider ng mga pangkat ang magpapaliwanag kung
paano ito nagawa.

PANGATLONG PANGKAT

PAGGAWA NG ORIGAMING BANGKA

Panuto : Pumili ng lider . Lahat ng kasapi ng pangkat ang gagawa. Sundin lamang ang mga
hakbang na nasa larawan bilang 1 hanggang 9 . Gagamitin ang mga mateyales na ibinigay
ko. Gagawin ito sa loob lamang ng limang minute. Sampug puntos bawat miyembrong
makakatapos. Kapag natapos na ang lahat ng pangkat, ay magpapakita ng kanilang
nagawang nagawang origami at ang mga lider ng mga pangkat ang magpapaliwanag kung
paano ito nagawa.

You might also like