You are on page 1of 7

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE FOR PEACE EDUCATION 3

I. GENERAL OVERVIEW
Catch-Up Peace Education Grade 3
Subject: Level:
Quarterly Theme: Community Sub Prudence
Awareness Theme:
Time: Date: March 15, 2024

II. SESSION OUTLINE (BALANGKAS NG PAGKATUTO)


Session Title: Mga Prinsipyo ng Kapayapaan
Session Objectives: Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay :
a. natutukoy ang konsepto ng mga prinsipyo ng
(Mga Layunin) kapayapaan – dignidad at respeto, pagkakaisa,
pagmamalasakit

b. naiisa-isa ang katangian ng dignidad, pagkakaisa at


pagmamalasakit

c. napahahalagahan ang pagkakaroon ng kapayapaan sa


komunidad.
Key Concepts:
⮚ Ang dignidad at respeto ay tumutukoy sa pagiging karapat-dapat
(Pangunahing ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapuwa.
Konsepto)

⮚ Ang pagkakaisa ay tumutukoy sa pakikibahagi at pakikiisa sa isang


mithiin hindi para sa sarili lamang kundi para sa kabutihan ng lahat.

⮚ Ang pagmamalasakit ay sumasalamin sa pagpapakita ng pag


unawa sa nararamdaman ng ibang tao at pagpapahalaga sa
kapuwa.

References
● DM 001 s. 2024
(Sanggunian)
● https://principlesforpeace.org/principles-for-peace/

● https://englishreadinghub.blogspot.com/2024/01/
principles-of-peace.html
● https://www.coursehero.com/file/151123365/Ano-
ang-Kababaang-loobdocx/
● https://brainly.ph/question/2239492

● https://www.coursehero.com/file/81068757/
ESPpptx/
● https://www.youtube.com/watch?
v=Cm7THa0A2Hc&list=RDCm7THa0A2Hc&start_r
adio=1
● Google images

● Canva images
Materials
⮚ Mga larawan, slide decks, projector/LED TV
(Kagamitan)

III. TEACHING STRATEGIES (ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO)


Components Duration Activities and Procedures
(Bahagi ng (Mga Gawain at Pamamaraan)
Pagkatuto)
Preparation and 5 mins.
⮚ Hayaan ang mga bata na maghanap ng komportableng
Settling In
mauupuan sa loob ng silid-aralan.
(Paghahanda at
Pagsasaayos) ⮚ Magbigay ng mga alituntunin tuwing nagklaklase para
sa tahimik at kaaya-ayang diskusyon.

Peace Education 25 mins. PANIMULA:


Learning Session
⮚ Ibahagi ang layunin sa buong klase.
(Sesyon at
Pagkatuto)

Ano ang alam niyo tungkol sa edukasyong


pangkapayapaan?

Ang kaalaman sa mga prinsipyo ng kapayapaan ay


napakahalagang malaman ng mga bata hindi dahil ito ang
magiging bunga ng masayang pagbubuklod-buklod ng
komunidad kundi pagbibigay nang mas maliwanag at mas
matatag na kinabukasan. Ngayong araw, tatalakayin natin
ang mga prinsipyo ng kapayapaan.

ICE BREAKER ACTIVITY


Awitin ang “Kapayapaan”

https://www.youtube.com/watch?
v=Cm7THa0A2Hc&list=RDCm7THa0A2Hc&start_radio=1

MULTIMEDIA EXPLORATION
A. Pagmasdan ang grupo ng larawan.
Ano ang inyong napansin sa mga larawan?

Ano ang nais iparating o mensahe ng unang larawan?


pangalawang larawan? pangatlong larawan?

Paano mo maisasabuhay ang mga prinsipyo ng


kapayapaan?

B. Ano ang nais iparating ng dayagram na ito?

Pagpapatibay ng konsepto sa pamamagitan ng


pangkatang gawain.

SMALL GROUP DISCUSSION

Pangkat 1 (Dignidad at Respeto)


Panuto: Basahin ang teksto. Ipakita ang pagiging
marespeto at dignidad sa pamamagitan ng tableau.

a. Umuwi kayo ng probinsiya para bisitahin ang inyong lolo


at lola. Pagkarating sa kanilang bahay, ano ang gagawin
mo?
b. May bago kayong kaklaseng Muslim, nahihiya siyang
makihalubilo. Ano ang nararapat mong gawin?

Pangkat 2 (Pagkakaisa)
Panuto: Buoin ang picture puzzle. Gumawa ng sanaysay
gamit ang mga gabay na tanong.
1. Anong kaugalian ang inyong ipinakita upang
mabuo ang picture puzzle?
2. Ano ang kahalagahan ng larawan na inyong
binuo?
Pangkat 3 (Pagmamalasakit)

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Ipakita ang


pagmamalasakit sa mga scenario sa pamamagitan ng role
play.

GROUP PRESENTATION

Progress Monitoring 15 mins. Anong kaugalian ang ipinapakita ng isang taong may
through Reflection respeto, may dignidad, may pakikiisa at may malasakit?
and Sharing
(Pagsubaybay sa Ano ang magandang maidudulot sa komunidad ang mga
Pag-unlad sa mga mamamayang may respeto, may dignidad, may
pamamagitan ng pakikiisa at may malasakit?
Pagninilay at
Pagbabahagi)
Bakit mahalagang malaman at taglayin ng isang bata ang
mga prinsipyo ng kapayapaan?

Inaasahang Sagot
Mahalagang malaman ang mga prinisipyo ng kapayaan –
dignidad at respeto, pagkakaisa at pagmamalasakit hindi
dahil ito ay nagpapakita nang kabutihan lamang kundi
dahil ang mga ito ay unang hakbang para sa mas matatag,
maliwanag, may pagkakaisa at payapang kinabukasan ng
bansa.

Wrap Up 10 mins. Panuto: Magsulat ng tatlong pangungusap kung ano-ano


ang inyong natutuhan tungkol sa tatlong prinsipyo sa
(Pangwakas na
pagkamit ng kapayapaan.
Gawain)

Inihanda ni:
RENZ I. GUILLERMO
Guro I
Mandaluyong Addition Hills Elementary School

Iwinasto: Sinang-ayunan:

VALENTIN C. SAGUN JR. LUCIA M. LLEGO


Dalubguro I Punongguro II

Sinuri :

JOSELIN S. BALANE CEASAR A. NACHOR


Tagamasid Pampurok Pansangay na Tagamasid, AP

RUBY E. BANIQUED
EPS, Learning Resource Management System

Pinagtibay:

ALYN G. MENDOZA
Punong Superbisor ng Edukasyon
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

You might also like