You are on page 1of 4

Banghay aralin

sa
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
(home economics)

May Akda:
JOAN G. CAMASURA
Holy Spirit Elementary School

Sinuri ni:

CESAR B. RETES
Punong guro
Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

MAYA P. SABINIANO MARIMEL JANE P. ANDES


District Supervisor
Banghay Aralin sa EPP 4
Home Economics

1.1. Naisasagawa ang tunkulin sa sarili


1.2. Naisasaugali ang mga tungkulin sa sarili upang maging maayos

I. LAYUNIN
1. Nakikilala ang tungkulin sa sarili.
2. Naisasagawa nang wasto ang mga tungkulin sa sarili.
3. Naisasaugali nang maayos ang mga tungkullin sa sarili.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Tungkulin sa Sarili
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2013 – EPP4HEOa-1
Textbook: Umunlad sa Paggawa 4: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan, Chona D. Castaño, PhD, pahina 208 – 209
Online Resources: www.ericglenn.wordpress.com
Kagamitan: Tsart ng wastong pagsasagawa ng mga tungkulin sa pag-aayos sa
sarili, larawan.
Araw: 1
Integrasyon: Science, MAPEH (Health), Values Education

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Paksa: Tungkulin sa sarili
1. Ano ang dapat mong gawin paggising sa umaga?
a. Buksan agad ang T.V. at manuod ng paborito mong palabas.
b. Kunin ang iyong mga laruan.
c. Maligo, magsipilyo ng ngipin at magbihis ng malinis na damit.
d. Umupo sa isang tabi at panuorin si nanay habang gumagawa.
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gamitin?
a. Sariling tuwalya
b. Shampoo
c. Damit ng kapatid mo
d. Sipilyo ng nanay mo

2. Pag-alis ng Balakid: Ayusin ang mga naka rambol na titik para mabuo ng tamang salita.
Isulat sa loob ng kahon.
1. nilkutung -

2. ilrisa -

B. Gawaing Pagganap o Panlinang na Gawain


1. Pagganyak: Tumawag ng isang mag-aaral na malinis at patayuin sa harapan ng
klase. Itanong ang mga sumusunod:
 Bago ka pumasok sa paaralan, ano-anong paghahanda sa sarili ang
ginagawa mo?

 Ano-ano ang dapat mong gawin upang mapanatiling maayos at malinis ang
iyong sarili?
2. Paglalahad:

 Pagpapakita ng guro sa mga larawan ng tungkulin sa pangangalaga sa sarili.

 Itanong:
1. Bakit dapat ninyong isagawa ang mga paraan upang mapangalagaan
ang iyong katawan nang naaayon sa takdang oras?
2. Ano-ano ang positibong katangian ng isang mag-aaral na malinis at
maayos sa sarili?

C. Paraan ng Pagganap: Pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa ang mga gawain na
nasa ibaba.

Unang Pangat: Magbigay ng 5 tungkulin sa pangangalaga ng sarili. Isulat ito sa loob ng


bubble map.

1. 2. 3. 4. 5.

Ikalawang Pangkat: Isasadula ng mga bata ang mga ibat ibang tungkuling
pangangalaga sa sarili.

Ikatlong Pangkat: Paggawa ng slogan tungkol sa pangangalaga sa sarili.

Rubrics para sa paggawa ng Islogan:


10 7 4 1
Disiplina Tahimik ngunit di Medyo maingay
Tahimik at buong Maigay at di
gaanong at di gaanong
tiyagang matiyaga sa
matiyagang matiyaga sa
gumagawa. paggawa.
gumagawa. paggawa.
Kagamitan Kumpleto lahat Iisa o halos
May iilang gamit Maraming kulang
ang gamit na walang dalang
na kulang. sa dalang gamit.
dala. gamit.
Content Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang
mabisang naipakita ang ang mensahe. mensaheng
naipakita. mensahe. naipakita.
Creativity Maganda ngunit
Napakaganda at Maganda at Di maganda at
di gaanong
napakalinaw ng malinaw ang Malabo ang
malinaw ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
pagkakasulat ng
mga titik. mga titik. mga titik.
mga titik.
Relevance May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan ng kaugnayan sa
paksa ang paksa ang islogan sa paksa ang
islogan. islogan. paksa. islogan.
Kalinisan Malinis na Di gaanong
Malinis ang Marumi ang
malinis ang malinis ang
pagkakabuo. pagkakabuo.
pagkakabuo. pagkakabuo.

D. Paglalahat:
May mga bagay at kagamitan na dapat tayo lang ang gumagamit tulad ng mga personal
nakagamitan. Dapat ikaw lamang ang gumagamit ng iyong sipilyo, bimpo, suklay, at
mga panloob na damit.

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng masayang mukha () kung tama at malungkot () naman kung mali ang mga
sumusunod na pangngusap.

_______ 1. Nawawala ang sipilyo mo, nakita moa ng sipilyo ng nakababata mong
kapatid kaya ito muna ang ginamit mo.
_______ 2. Maganda ang palabas sa telebisyon. May pasok ka pa kinabukasan kaya
sinabi mo sa tiyahin mo na kwentuhan ka na lang tungkol sa palabas dahil
matutulog ka ng maaga para hindi ka mapuyat.
_______ 3. Kinakain ni Momay ang mga gulay at prutas na nakahanda sa hapag-
kainan.
_______ 4. Naliligo si Angelo araw-araw bago pumasok sa paaralan.
_______ 5. Nauuhaw ka habang naglalakad. Nakita mo sa tindahan na may malamig
na softdrinks pero ang binili mo ay isang bote ng mineral water.

V. KARAGDAGANG GAWAIN:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Magsaliksik sa internet ng iba pang paraan ng pag-aalaga sa sarili.
2. Gumawa ng poster tungkol sa wastong pag-aalaga sa sarili.

You might also like