You are on page 1of 5

FILIPINO 10

Modyul ng Pagkatuto Blg. 22 Pangalan: _____________________

Ikaapat na Markahan Langkay:__________________________ __________________

Paglalantad ng Katotohanan

Tungkol saan ang modyul na ito?


Bakit mahalagang masupil o mahinto ang mga pang-aabuso o paglabag sa mga karapatang pantao
sa kabila ng mga sagabal, kawalan, at kagipitang iyong nararanasan? Paano ang tamang hakbang o paraan
upang isagawa ito? Ilan lamang iyan sa mga tanong na iyong mabibigyang-kasagutan matapos ang iyong
pagtuklas sa ating aralin. Sa modyul na ito, mapag-aaralan at mababasa natin ang Kabanata 1-10 ng El
Filibusterismo. Matapos mo itong mabasa, matutukoy mo ang papel na ginampanan ng mga tauhan,
gayundin ay maisusulat mo ang buod ng binasang mga kabanata ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
paggamit mo ng tamang mekaniks sa pagsulat na may wastong pag-uugnay ng mga pangungusap at talata.
Simulan na natin!
Aralin 1: Paglalantad ng Katotohanan (Mga Kabanata 1-10)

Anong inaasahan mong matutuhan?


• Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng pagtunton sa
mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, at pagtukoy sa
wakas. F10PB-IVb-c-87 (DepEd-MELC, DICES)
• Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng
nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa. F10PT-IVb-c-83 (DepEd-MELC,
DICES)
• Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari sa
panahon ng pagkakasulat ng akda.
F10PD-IVb-c-82 (DepEd-MELC, DICES)
• Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay sa
katangian ng mga tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, at tunggalian sa bawat
kabanata ng mga tauhan.
F10PS-IVb-c-86 (DepEd-MELC, DICES)
• Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata. F10PU-IVb-c-86 (DepEd-MELC, DICES)
• Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat (baybay, bantas, at iba pa),
gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap at talata. F10PU-IVb-c-86 (DepEd-
MELC, DICES)

Panimulang Pagtataya

1
PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag upang matukoy ang tamang kasagutan.
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang impormasyon, at MALI naman kung ito ay
nagsasaad ng maling impormasyon.
_________1. Si Juli ay hindi nagpaalipin kay Hermana Penchang.
_________2. Ang sedula ay isang dokumento ng pagkakakilanlan ng isang tao.
_________3. Ang salitang kubyerta ay tumutukoy sa palapag ng barko o bapor.
_________4. Si Simoun ay tumuloy sa tahanan ni Basilio at hindi sa tahanan ni Kabesang Tales.
_________5. Makapangyarihan ang mayamang mag-aalahas na si Simoun, wala siyang kinatatakutan
maging ang Kapitan-heneral.
Natapos mo na ba ang panimulang pagtataya? Tiyak na ba ang iyong mga sagot? Kung “oo” ang
iyong sagot, pumunta ka sa huling pahina ng modyul na ito upang maiwasto mo ang iyong mga kasagutan.
Inaasahan ko ang iyong katapatan sa pagwawasto. Mula roon, malalaman mo kung ano-ano na ang mga
bagay na alam mo at bagay na kailangan pang alamin tungkol sa aralin sa modyul na ito.

Aralin 1: Paglalantad ng Katotohanan


Si Crisostomo Ibarra ay nag-iba ng katauhan at nagpanggap bilang Simoun, isang Amerikanong
mag-aalahas. Sa pamamagitan ng kanyang yaman at koneksyon sa Gobernador Heneral ng Espanya,
isinagawa niya ang kanyang paghihiganti sa mga prayle. Bilang parte ng kanyang paghihiganti, bumuo siya
ng alyansa na kanyang makatutulong, at kasama na rito sina Kabesang Tales, Tandang Selo, Quiroga, at
Placido Penitente. Hindi naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi dahil katulad niya rin
ang mga ito na nag-aalab ang galit sa mga Kastila. Halina’t tuklasin ang nilalaman ng araling ito!

Pagganyak
PANUTO: Isagawa ang gawain sa Simulan Natin sa pahina 491. Isulat sa isang malinis na papel
ang iyong mga kasagutan.

Anong Gagawin Mo?


Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, panooring mabuti ang video file
na “El Filibusterismo Kabanata 1-10” mula sa iyong flash drive o LMS. Pagkatapos, sagutan ang mga
sumusunod na gawain. Isagawa ang gawain sa isang malinis na papel.
Gawaing Pampagkatuto Blg. 22.1
Pamagat: Paglalantad ng Katotohanan
Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa, natutukoy ang papel na
ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, at pagtukoy sa wakas.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Maging mapanuri sa pag-iisip at pagpapahayag. Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 10, pahina 571-572, 574

GAWAIN: Isagawa ang gawain sa Sagutin Natin B sa pahina 571-572 at Buoin Natin sa pahina 574.
Tanging ang sagot na lamang ang iyong ibibigay.

Anong Gagawin Mo?


Upang maipagpatuloy ang iyong pagkatuto at mas lalo pang lumalim ang iyong pagkaunawa sa

2
paksang ating tatalakayin, panoorin ang video file na “Walang Pagkakapantay-pantay” mula sa iyong flash
drive o LMS. Pagkatapos, sagutan ang mga sumusunod na gawain. Isagawa ang gawain sa isang malinis na
papel.
Gawaing Pampagkatuto Blg. 22.2
Pamagat: Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Maging mapanuri sa pag-iisip at pagpapahayag. Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 10, pahina 576

GAWAIN: Isagawa ang gawain sa Pag-uugnay sa Kasalukuyan sa pahina 576.


Anong Gagawin Mo?
Ngayong natutuhan mo na ang nilalaman ng mga Kabanata 1-10 ng nobelang El Filibusterismo,
ikaw ay lilikha ng iyong sariling buod ng piling kabanata ng nobela na gagamitan mo ng tamang
mekaniks sa pagsulat. Isagawa ang gawain sa isang malinis na papel.
Gawaing Pampagkatuto Blg. 22.3
Pamagat: Magbubuod ako!
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat, gayundin ang
wastong pag-uugnay ng mga pangungusap at talata, naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata, at
naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay sa katangian ng mga
tauhan, pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, at tunggalian sa bawat kabanata ng mga tauhan.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Maging mapanuri sa pag-iisip at pagpapahayag. Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 10, pahina 573-577

GAWAIN: Isagawa ang gawain sa Sagutin Natin D sa pahina 573-574 at Palawakin Pa Natin sa pahina
576-577. Hindi mo na kailangang ibahagi sa buong klase ang gawain sa “Palawakin Pa Natin.”

Pangwakas na Pagtataya
I. PROSESO: Basahin at unawain ang mga tanong. Sagutan ang mga ito gamit ang pamantayan.
Isulat ang iyong mga kasagutan sa isang malinis na papel, at sagot na lamang ang iyong ibigay.
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nagpapakita ng lubos na Nagpapakita ng pagiging Bahagyang nagpapakita Maraming pagkukulang
Paglalahad kahusayan sa pagiging kumpleto sa kumpleto sa mga ng pagiging sapat sa mga sa nilalaman at
mga mahahalagang impormasyong mahahalagang tamang impormasyong inaasahang
dapat taglayin, at ang kabuuan ay impormasyong dapat kailangan. impormasyon.
higit pa sa inaasahan. taglayin ng teksto.
Nagpapakita ng kapansin-pansing Nagpapakita ng mahusay Bahagyang nagpapakita Mayroon ngunit
kahusayan ang pagkakaisa ng mga na pagkakaisa ang mga ng pagkakaisa ang mga hindi nagkakaisa ang
Pagkakaisa
konseptong inilahad na higit pa sa konsepto at kaisipang konseptong inilahad. mga konseptong
inaasahan. inilahad ng teksto. inilahad.

1. Ano-ano ang masasamang balitang nalaman ni Basilio? Kung ikaw ay nasa kanyang kalagayan,
paano mo haharapin ang mga ito? Pangatwiranan. Ang masasamang nalaman ni Basilio ay ang
paghihirap ng iba pang mga nagsisilbi sa bahay ni Kapitan Tiyago. Namatay rin ang kaniyang
kaibigan na isang matanda na nagtatanod sa gubat.
2. Sa iyong palagay, kung hindi man niya napapayag ang binata, darating kaya ang oras na mahihimok
din ni Simoun si Basilio na sumang-ayon sa kanyang ipinaglalaban? Patunayan. Oo, dahil
naniniwala ako na sa paglipas ng oras, hindi na matitiis ni Basilio ang mga karumaldumal na
pangyayari sa kaniyang paligid.
3. Ano ang ibig sabihin ni Simoun sa pahayag niyang: “Ako ang hukom na magpaparusa sa sistemang
panlipunan sa kanyang sariling mga pagkakasala”? Ipaliwanag. Ang ibig sabihin ni Simoun sa

3
kaniyang pahayag na iyan ay ninanais niyang bigyan ng hustisya ang mga kasamaan na ginagawa ng
mga kastila.

Ang Aking Karanasan ng Pagkatuto:


Nais kong malaman ang iyong saloobin! Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa papel na iyong
pinagsagutan ng pangwakas na pagtataya. Inaasahan kong magiging matapat ka upang patuloy
kitang magabayan.
1. Anong natutuhan mo sa modyul na ito?
2. Ano ang mga nagustuhan mong gawain?
3. Ano ang mga tanong na gumugulo sa iyong isipan tungkol sa ating mga pinag-aralan?

Pagbati:
Pagbati sa iyo! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa kabuuan ng modyul ng
pagkatutong ito! Nawa’y lalo pang umalab ang iyong pagmamahal sa pagkatuto. Hanggang sa
susunod na mga aralin. Paalam!

Sanggunian:
Marasigan, E. et al. (2020). Pinagyamang PLUMA 10
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Susing Kasagutan:
Sa anong bilang ka nakakuha ng tamang sagot? Saan ka naman nagkamali? Paano mo kaya
makukuha ang tamang sagot? Mula roon, naniniwala akong maaari mo nang ipagpatuloy ang iyong
pagtuklas ng mga panibagong kaalaman sa modyul ng pagkatutong ito. Bumalik sa ikalawang pahina upang
magsimula sa aralin.

5 . TAMA
4. MALI
3 . TAMA
2Pagtataya
. TAMA
1 . MALI
Panimulang

4
Walang bahagi ng lathalang ito ang maaaring sipiin, ipamahagi o maipadala sa anumang anyo o sa
anumang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng may-akda.

You might also like