You are on page 1of 1

Colegio de la Inmaculada Concepcion

Member: Daughters of Charity-St. Louise de Marillac Educational System – DC-SLMES


45-Gorordo Avenue, Cebu City

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


School Year 2019 – 2020

Core Subject: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na
nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at
kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig

PERFORMANCE TASK 1

Mag-isip ka bilang isang komentarista sa peryodiko. Susulat ka ng reaksiyong papel batay sa iyong binasang teksto na
napapanahon na ayon sa katangian at kabuluhan nito sa iyong sarili, iyong pamilya, sa komunidad na iyong
kinabibilangan, sa ating bansa, at sa daigdig. Ang reaksiyong papel na iyong isusulat ay babasahin ng mga mamamayang
Pilipino sa lahat ng antas ng buhay. Kailangang maipakita mo ang kabuluhan nito sa iyong sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig. Magbigay ng mga datos o impormasyon na susuporta sa iyong posisyon.

Basahin ang sumusunod na inaasahang katangian ng iyong reaksiyong papel. Ito ay isang checklist na magsisilbing gabay
sa paggawa mo ng reaksiyong papel.

Ang aking reaksiyong papel ay may pamagat.


Mayroon itong limang talata o higit pa.
Malinaw at walang gaanong mali sa gramatika at mekaniks ang papel.
Orihinal ito at hindi kinopya.
Kinilala nito ang mga may-akda ng mga pahayag na sinipi.

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong isusulat. Ito ay magiging batayan sa pagbibigay ng puntos.

PAMANTAYAN

4 Ang isinulat na reaksiyong papel ay malinaw at nakapagpapahayag ng posisyon ng may-akda. Gumamit ito ng mga
kapani-paniwalang datos o impormasyon na nagpapakita ng katangian at kabuluhan ng isyu sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig. Sa huli ay mabisa itong nakapanghikayat sa mambabasa na tanggapin ang punto ng
may-akda.

3 Ang isinulat na reaksiyong papel ay malinaw at nakapagpapahayag ng posisyon ng may-akda. Gumamit ito ng ilang
datos o impormasyon na nagpapakita ng katangian at kabuluhan ng isyu sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig. Sa huli ay nakapanghikayat ito sa mambabasa na tanggapin ang punto ng may-akda.

2 Ang isinulat na reaksiyong papel ay nakapagpapahayag ng posisyon ng may-akda. Gumamit ito ng datos o
impormasyon na nagpapakita ng katangian at kabuluhan ng isyu sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. Sa
huli ay bagama’t nakapanghikayat sa mambabasa ay may ilang punto na kailangang liwanagin pa.

1 Ang isinulat na reaksiyong papel ay nakapagpapahayag ng posisyon ng may-akda. Kulang ang ginamit na mga datos
o impormasyon na nagpapakita ng katangian at kabuluhan ng isyu sa sarili, pamilya komunidad, bansa, at daigdig. Sa
huli ay nabigo itong makapanghikayat na tanggapin ang posisyon ng may-akda.

You might also like