You are on page 1of 5

ST.

JOHN PAUL II INSTITUTE OF TECHNOLOGY


TRAINING ASSESSMENT AND LEARNING CENTER INC.
FRA Bldg. Carmen West Rosales Pangasinan / Aguila Road, Sevilla, San Fernando City La Union

PAGBASA AT
PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
Kwarter 4–
Modyul 1: Pangangalap ng
Datos
(Linggo 9)

1
Subject: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Grade & Section: Grade 11
Module No. 1
Week: 9
Subject Teacher: Mr. Mark Deen Santos

Layunin:
1. Nakasusulat ka ng mga reaksiyong papel batay sa binasang teksto ayon
sa katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa at
daigdig.

Aralin
Pangangalap ng Datos
1

TALASALITAAN
REAKSIYON
- damdaming
nagpapakita ng
pagsang-ayon o
pagsalungat

PANANAW
OPINYON - paniniwala o
pagkaunawa sa
- sariling pahayag
perspektibo ng tao sa
mga bagay

DAMDAMIN
- emosyon, BRAINSTORM
pakiramdam ng isang - pagbabalitaktak ng
tao na hindi nagagawa ideya
ng pisikal

TESIS NA PAHAYAG
Pangungusap na ginagamit upang maging gabay sa paggawa ng talata

PANGUNAHING IDEYA
Pinakamahalagang ideya sa talata

2
Bahagi ng Reaksiyong Papel
Ito ay introduksiyon, katawan, konklusyon at pagsipi ng pinagmulan ng
impormasyon.

Paraan ng Pagsulat ng Reaksyong Papel


1. Brainstorming. Ipinalalabas ang iyong ideya
2. Pagsulat ng panimulang Pahayag. Pinakamahalagang bahagi ng sanaysay.
3. Rebisyon. Inoorganisa ang iyong pangungusap.
4. Pinal na Pagsulat. Inaayos nang higit ang isinulat batay sa burador.

Uri ng Reaksiyon
1. Personal na pananaw. Tumutukoy sa panauhang gagamitin.
2. Nagbibigay ng Kahulugan Ukol sa Paksa. Ipinapaliwanag dito ang paksa.
3. Pakikilahok o pagsang-ayon. Ipinapahayag ang iyong opinion.
4. Masusing Pagsisiyasat. Pagsusuri sa mga pahayag at datos.

Gabay sa Pagsulat ng Reaksiyong Papel


1. Siguraduhing maayos ang estruktura ng panimula na nagtatapos sa tesis na
pahayag.
2. Magkaroon ng malinaw na panimula.
3. Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata.
4. Bawat talata ay naglalaman ng mga katibayan.
5. Magdagdag ng mga kawili-wiling pangungusap sa bawat talata para makabuo ng
komprehensibong konklusyon.
6. Iugnay ang bawat talata sa mga sinundang pahayag.
7. Siguraduhing makikita ang katotohanan ng tesis ng pahayag kapag nabasa ang
kabuuang sulatin.

Pagsasanay
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang bawat sumusunod na bahagi ng teksto at bumuo ng sariling
reaksyon at ibigay ang uri ng reaksyong iyong ginawa.

1. Hindi mapapasubaliang ang may tangan ng korona sa moda ng damit ay ang


maong o denims. Ito’y isinusuot ng traysikel boy, at executive, disc jockey at kanto
boy, naka-Mercedez Benz at nakadyip, babae, bakla, matron, at mukhang tatay,
estudyante at drop-out.
2. Ang salitang akademya ay may kaugnayan sa mga institusyong pangedukasyon na
haligi sa pagtatamo ng mataas na karunungan. Kasama rito ang administrador,
kurikulum, silabus, at iba pa.
3. Mahalaga ang pagpapatupad ng curfew sa kabataan dahil mapapangalagaan nito
ang kaligtasan ng mga menor de edad, mabibigyan ng sapat na oras ang pagaaral
sa halip na paglalakwatsa. Samakatuwid, makatutulong ang pagpapatupad ng
curfew sa pagkakaroon ng disiplina ng kabataang Pinoy.
4. Nang lumabas ang Starstruck at pumatok ito, hindi nagdalawang-isip ang Channel
2 na ilantad ang proseso ng pagpili sa Star Circle. Umalma naman ang mga Kapuso
sa pagsasabing gaya-gaya lamang ang Dos. Pero ipinagdiinan ng Kapamilya

3
Network na matagal na nilang ginagawa ang Star Circle Quest kaya hindi pwedeng
sabihing kinopya lamang ito sa kabilang estasyon.
5. Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta. Ang
kaunti ay nagsisilbing pampasigla. Ang mas marami ay sedatibo. Ang mas marami
pa ay nakalalason at maaaring makamatay.

Rubrik
5 4 3 2 1
Malinaw at Malinaw na Hindi gaanong Hindi malinaw Hindi buo ang
maayos na nailahad ang malinaw na na nailahad diwa ng
nailahad ang reaksyon at uri nailahad ang ang reaksyon nailahad na
reaksyon at nito reaksyon at uri at uri nito reaksyon at uri
uri nito nito nito

Panapos na
Pagsubok

Panuto: Ipahayag ang iyong reaksiyon sa tanong na:


“Anong reaksiyon ang maibibigay mo sa buhay sa panahon ng pandemya?”
Gamitin ang pamantayang ito bilang gabay mo sa pagsulat ng iyong reaksiyon.
RUBRIK SA PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL
Mga
10 8 6 4
Krayterya
Mahusay ang
pagkasunud-
Maayos ang May lohikal na
sunod ng ideya Hindi maayos
pagkasunud- organisasyon
sa kabuuan ng ang
sunod ng ideya ngunit hindi
talata, mabisa organisasyon
Organisasyon sa talata, may masyadong
mag panimula at walang
angkop na mabisa ang
at malakasang panimula at
simula at panimula at
kongklusyon kongklusyon.
kongklusyon kongklusyon.
batay sa
ebidensya.
Napakalalim na
Mababaw at
makikita ang Napakababaw
hindi gaanong
pag-uugnay ng Malalim na at walang
makikita ang
Lalim ng dating makikita ang paguugnay
pag-uugnayan
Repleksiyon kaalaman dati at bagong ang dati
ng
at karanasan sa kaalaman. at bagong
datiat bagong
bagong kaalaman.
kaalaman.
kaalaman
Mapakahusay Mahusay dahil Kailangang
Maraming mali
ang paggamit kakaunti baguhin dahil
sa grammar at
Paggamit ng ngwika, walang lamang ang halos lahat ng
baybay
wika at mali sa mali sa pangungusap
ganundin sa
mekaniks grammar, grammar, ay may mali
gamit ng
baybay, atgamit baybay at gamit sa grammar,
bantas.
ng bantas, may ng bantas. baybay at

4
mayamang gamit ng
bokabularyo bantas.
May Mahirap
Malinis ngunit
Malinis at kahirapang basahin,
hindi maayos
maayos ang unawain ang hindi maayos
Presentasyon ang
pagkakasulat pagkakasulat at malinis ang
pagkakasulat
ng talata ng mga pagkakasulat
ng talata
pangungusap ng talata
Ginamit
angsapat na
Natapos at
oras upang Natapos at Naisumite
naisumite
Pamamahala ihanda at naisumite sa ngunit hindi
isang lingo
ng oras tapusin at takdang oras o handa at
pagkatapos ng
naibigay isang deadline. hindi tapos.
deadline
araw bago ang
deadline.

Sanggunian

Bandril, Lolita T. et al. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group Inc.
Nuncio, Rhoderick V. et al. (2017). Sidhaya 12. Lunsod ng Quezon: C.E. Publishing Inc.,
2017

You might also like