You are on page 1of 4

LYCEUM OF ST DOMINIC INC.

SOFACOFA Building Purok 7, Brgy. Sta. Elena (Poblacion), Sta. Elena, Camarines Norte
Smart (09496923641-09208509808) Globe (09975211803)
Email: lyceumlsdi@gmail.com
SCHOOL ID NO.: 410267

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


IKATLONG MARKAHAN

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta. Ito ay nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pagkakasunod-sunod ng isang gawain mula
umpisa hanggang sa katapusan.

Magagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang pagkakataon. Una, sa pagpapaliwanag kung paano
gumagana o paano pagaganahin ang isang kasangkapan batay sa ipinapakita sa manwal. Pangalawa, sa pagsasabi ng
hakbang kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa mga resipi, mekaniks ng laro, alituntunin sa
kalsada at mga eksperimentong siyentipiko. Panghuli, sa paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan
sa buhay, tulad halimbawa ng kung paano magiging masaya, kung paano magtatagumpay sa buhay at iba pa

Bahagi ng Tekstong Prosidyural

1. Layunin - tumutukoy sa nais matamo pagkatapos ng gawain.


2. Mga Kagamitan/Sangkap - gagamitin para maisakatuparan ang isang gawain.
3. Hakbang o pamamaraan - ang serye ng pagkakasunod-sunod sa gawain.
4. Konklusyon/Ebalwasyon - nagbibigay gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila
maisasakatuparang mabuti ang mga hakbangin.

Iba’t ibang Uri ng Tekstong Prosidyural

Uri Kahulugan Deskripsyon


1. Paraan ng pagluluto (Recipes) Nagbibigay ng panuto sa mga Recipe ng adobong manok
mambabasa kung paano magluto. Sa
paraan ng pagluluto, kailangan ay Hal.Igisa ang bawang hanggang sa
malinaw ang pagkakagawa ng mga magkulay brown at saka ihalo ang
pangungusap at maaring ito ay manok
magpakita rin ng mga larawan.
2. Panuto Nagsisilbing gabay sa mga Pagsagot sa isang lagumang pasulit.
mambabasa kung paano
maisasagawa o likhain ang isang Hal.Bilugan ang titik ng tamang
bagay sagot.
3. Panuntunan sa mga laro Nagbibigay sa mga manlalaro ng Panuntunan sa paglalaro ng Sepak
gabay na dapat nilang sundin. Takraw
Hal. Bawal hawakan ang bola.
Paa, Ulo, Balikat, Dibdib,
Tuhod, Hita at Binti lamang
ang maaaring gamitin.
4. Mga ekspiremento Sa mga eksperimento, tumutuklas Karaniwang ginagawa sa Science
tayo ng mga bagay na hindi pa natin na asignatura.
alam. Karaniwang nagsasagawa ng
eksperimento sa siyensya kaya Hal. Paggawa ng “Egg Lamp”
naman kailangang maisulat ito sa
madaling intindihin na wika para
matiyak ang kaligtasan ng
magsasagawa ng gawain.
5. Pagbibigay ng direksyon Mahalagang magbigay tayo ng Pagtuturo ng direksyon ng isang
malinaw na direksyon para lugar.
makarating sa nais na destinasyon
ang ating ginagabayan. Hal. Ang bahay nila Ana ay malapit
lamang sa palengke.

Bernales, Rolando A. 2002. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang TekstoTungo sa Pananaliksik pp. 42 -47
TEKSTONG EKSPOSITORI

Ang tekstong ekspositori ay nagpapaliwanag at naglalahad ng mga impormasyon at ideya kaugnay sa isang paksa.
Ito ay naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paanong naiuugnay sa isang tiyak na paksa ang isang abstrak na
konsepto na nasa isip ng tao. Nagbibigay ito ng impormasyon ukol sa sanhi at bunga, nagpapaliwanag ng mahalagang
impormasyon, ito ay kadalasang walang pinapanigan. Nililinaw nito ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang
pangangailangan ng mga mambabasa ng malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.

Saklaw ng mga tekstong ekspositori ang iba’t ibang nilalaman at kaalamang kaugnay ng pang-araw-araw na buhay
ng tao. Ang mga tekstong ekspositoring kaugnay ng mga gawi at kaalaman ng tao ay may iba’t ibang hulwaran at
organisasyon.

Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon

A. Depinisyon - pagbibigay kahulugan ng isang di-pamilyar na terminolohiya o mga salitang bago sa pandinig ng
mambabasa.

Tatlong Bahagi ng Depinisyon

1. Termino o binigyang kahulugan


2. Uri o klase kung saan nabibilang ang terminong binibigyang kahulugan
3. Mga natatanging katangian nito o kung paano naiiba sa mga katulad ng uri.

Dalawang Uri ng Depinisyon

1. Denotasyon/Formal- dimensyon na karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa


pinakakaraniwan at simpleng pahayag.

Halimbawa: Kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon. (Diyos/tagapaglikha)

2. Konotasyon/Informal - dimensyon na di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang


salita o pahayag. May mga paniniwala na sa dimensyong ito, pansariling kahulugan ng tao ang maaaring ibigay.

Halimbawa: Kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon. (Makapangyarihang may-ari ng lupa)

B. Pag-Iisa-Isa/ Enumerasyon - pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod ang pagbanggit isa-isa ng mga kaugnay na
mahahalagang kaisipan. Maaring isagawa ang pag-iisa-isa sa paraang tiyak at pangkalahatan.

 Iniisa-isa ang mga tiyak at mahahalagang detalyeng tinatalakay sa teksto upang mapadali ang paraan ng
pagtanda ng mga mahahalagang kaisipan.
 Sa pangkalahatang paraan naman nakapaloob ang kabuuan ng mga kaisipang nakakategorya sa bawat subtopic
ng isang pangunahing paksa.

Halimbawa: Isa-isahin ang mga uri ng pagpapahayag (tiyak)

1. Pagsasalaysay
2. Paglalarawan
3. Paglalahad
4. Pangangatwiran

Halimbawa: Pangkalahatang pag-iisa-isa


Ang Sining ng Pagbasa

Paghahanda Pagsulong Pagtatagni- Kritikal na


sa Pagbasa sa Pagbasa Tono tagni Pagbasa

Dalawang uri ng Enumerasyon

1. Simple - ito ang pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.
2. Kumplikadong pag-iisa-isa - ito ang pagtalakay sa pamamaraang pagtatala ang pangunahing paksa at
magakaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.

C. Pagsunod-sunod - isinasaayos ng manunulat ang mga kaisipan at ang serye ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari
na humahantong sa pagkakabuo ng isang kongklusyon,(ginagamitan ito ng mga salitang: una, pangalawa,matapos,
habang,sumusunod at susunod na at iba pa).
Tatlong Uri ng Pagsusunod-sunod

1. Sekwensyal - karaniwang ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, sunod at iba pa ng mga serye
ng mga pangyayari.
2. Kronolohikal -pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari ayon sa tamang panahon at oras.
3. Prosidyural - pagsusunod-sunod ng mga gawain mula sa simula hanggang sa wakas.
D. Paghahambing at Pagkokontrast - hindi kailanman naghiwalay ang dalawang ideya lalo na higit sa tekstong
ekspositori, isang proceso ito ng pagpapakita ng mga katangian ng mga bagay. Ayon kay Fulwiler (2002), ang
paghahambing ng dalawang bagay ay upang hanapin ang pagkakatulad at ang pagkokontras nito. Ang paghahambing
at pagkokontras ay kapwa nakatutulong sa mambabasa na maunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o
higit pang kaisipan.

Paghahambing - pagpapahayag ng katangian, kahinaan at kalakasan ng isang bagay tungo sa pagbuo ng isang pasya
o kaisipan tungkol sa isang paksa.

Pagkokontras - pagpapahayag ng pagkakaiba ng mga bagay na pinag-uusapan sa isang teksto.

Paraan ng Paghahambing at Pagkokontrast

1. Ang pagsusuring punto-per-punto (point-to-point), sinusuri at pinaliliwanag muna ang katangian ng isa bago
ikumpara sa kapuwa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
2. Ang pagsusuring kabuuan-sa-kabuuan (whole-to-whole) na nagrerepresinta ng unang kabuuan at kasunod nito
ay kabuuan naman ng isa;
3. Ang pagsusuring pagkakatulad at pagkakaiba (similarity and difference) na tumatalakay sa pagkakatulad ng
dalawang bagay na pinagkukumapara at pagkatapos ay ang pagkakaiba ng dalawang bagay na pinagkokontras.

E. Sanhi at Bunga - pagtalakay sa dahilan ng pangyayari at kung ano ang bunga o magiging epekto, ang bawat
pangyayari na nagbibigay-daan. Ang sanhi ay isang bagay na nagiging dahilan ng pangyayari (something that makes
something else happen); at ang bunga o epekto ang resulta o kinalabasan ng pangyayari (the thing that happens).
Ang sanhi at bunga ay maaring ilarawan ang mga posibleng epekto sa hinaharap.

Paano magiging epektibo ang isang eksposisyon?

1. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng isang tao kaugnay sa paksa. Makabubuo lamang ng isang mahusay na
eksposisyon kung ang manunulat ay may malawak na kaalaman sa paksang pag-uusapan.
2. Pagkakaroon ng kakayahang maghanay ng kaisipan. Ang maayos at organisadong pagkakahanay ng mga ideya at
datos ay daan sa isang mahusay na eksposisyon.
3. Kawalan ng Pagkiling. Katangian ng isang tekstong ekspositori ang pagiging obhetibo, kaya’t kailangan na taglay
nito ang bukas na isipan upang tanggapin ang iba’t ibang mahahalagang ideya maging ito man ay taliwas sa sariling
paniniwala ng manunulat.
4. Mahalagang palabasa ang isang manunlat dahil bukod sa mga aklat at babasahin maaring makakuha ng
impormasyon sa kapaligiran at sa mga gawain sa araw-araw. Mainam na maging mapagmasid ang manunulat
dahil bukod sa mga aklat at babasahin maaring makakuha ng impormasyon sa kapaligiran at sa gawain araw-araw.

Katangian ng Mahusay at Epektibong Ekspositori

a. Malinaw - masasabing malinaw ang tekstong ekspositori kung madaling nauunawaan ng mambabasa ang nais
ipaunawa ng manunulat.
b. Tiyak - nararapat sa manunulat ay kayang panindigan ang mga datos na inilahad sa loob ng teksto.
c. May kohirens - nararapat na may kaisahan ang mga ideya na inilalahad sa teksto upang maunawaan ng mga
mambabasa.
d. Empasis - ang pagbibigay ng diin o mga karagdagang impormasyon ay mahalaga at makatutulong sa mambabasa na
maunawaan ang teksto.

Ano ang mga paraan na ginagamit ng manunulat ng tekstong ekspositori?

 Paggamit ng sinonim o salitang magkatulad


 Intensib na pagbibigay ng kahulugan
 Ekstensib na pagbibigay ng kahulugan
 Paggamit ng denotasyon at konotasyon

Mga Uri ng Teksto ng Ekspositori

1. Sanaysay – pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang ideya, kaisipan, pananaw o damdamin kaugnay ng isang
paksa.
2. Paglalahad Ng Proseso – maraming bagay sa ating paligid na kailangang ipaliwanag upang mapakinabangan. Ang
matagumpay na pagsasa-gawa ng isang bagay o ang wastong paggamit ng isang bagay ay nakasalalay sa mahusay
na pagsunod sa mga panuto na magaganap lamang kung maingat at masusing inihayag ang bawat hakbang na
nakapaloob sa isang proseso.
3. Suring – Basa O Rebyu – nakatutulong sa mga manonood o mambabasa upang maging mapanuri sa pagpili ng
aklat at pelikulang tatangkilikin.
4. Editoryal – isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipayahag ang pananaw ng isang pahayagan o ng isang
manunulat kaugnay ng isang isyu: mapa-sosyal, pulitikal, ispirituwal o cultural na may mahalagang impak sa buhay
ng tao.
5. Balita O Ulat – madalas na nababasa o napapakinggan sa mga radio o telebisyon na nagbibigay ng mga tiyak at
malinaw na detalye kaugnay ng isang mahalagang pangyayari na madalas ay kagaganap lamang. Ano ang mga
paraan na ginagamit ng manunulat ng tekstong ekspositori?

You might also like