You are on page 1of 2

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBASA

 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.


Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
 Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng
damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
 Ang pagbasa ay humuhubog ng pag-iisip.
LAYUNIN NG PAGBASA
 Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa.
 Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa.
 Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, at
pagsulat.
MGA URI NG PAGBASA
Ang pagbasa ay mauri ayon sa paraan at layunin.

A. Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan

1. Mabilisang pagbasa (Skimming) – ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang


tao.
2. Pahapyaw na Pagbasa (Scanning) – tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa isang pahina.
3. Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) – Nakasalalay sa mga materyales ang gawaing
pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit ditto ang matalino at malalim na pag-iisip.
4. Pamumunang Pagbasa (Critical reading) – Dapat na matiyak ng mambabasa na
naunawaan ang buong nilalaman ng akda.
5. Tahimik na Pagbasa (Silent reading) – mata lamang ang gumagalaw sa uri ng
pagbabasang ito, walang puwang ditto ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng
salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.
6. Pasalitang Pagbasa (Oral reading) – pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong
pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan
ang mga tagapakinig.
7. Masinsinang Pagbasa – Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon
upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa
teksto.

This study source was downloaded by 100000833991340 from CourseHero.com on 02-16-2022 06:43:55 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/64400720/KAHULUGAN-AT-KAHALAGAHAN-NG-PAGBASAdocx/
B. Mga uri ng pagbasa ayon sa layunin

1. Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais
malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago an
gating dating kaalaman.
2. Pagbasang paglilibang – ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil
nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may
kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

KATUTURAN NG PANANALIKSIK
 Upang makakuha ng malalim na kaalaman ng mga paksa na kanilang pinag-aaralan.
 Upang makilala ang kanilang mga kalakasan at kahinaan at malaman kung paano
pakikitunguan ang mga kahinaang ito.
 Upang malinang ang kahusayan sa pagsulat.
 Upang bumuo ng mga independiyenteng kasanayan sa pananaliksik
 Upang matuto ng tamang pamamahala ng oras.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
 Nagpapayaman ng kaisipan – lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa
walang humpay na pagbasa, nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapatng
interpretasyon.
 Lumalawak ang karanasan – napapalawakang eksperyensya ng isang manunulat sa
mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng
mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literature.
 Nalilinang ang tiwala sa sarili – tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at
matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.
 Nadaragdagan ang kaalaman – ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman
kaninuman dahil nahuhubog ditto angt kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK
 Makadiskubre ng bagong kaalaman.
 Maging solusyon sa suliranin.
 Umunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
 Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraang estratehiya.
 Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang particular na bagay.

This study source was downloaded by 100000833991340 from CourseHero.com on 02-16-2022 06:43:55 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/64400720/KAHULUGAN-AT-KAHALAGAHAN-NG-PAGBASAdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like