You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

1. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang


pamayanan o estado.

Pagkamamamayan

2. Si Yuan ay likas o katutubong Pilipino dahil:

Pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino

3. Ang mga halimbawa ng pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan ay


ang mga sumusunod maliban sa:

pagpaparaya o tolerance

4. Malinaw na inilalahad sa Saligang Batas ng 1987 kung sino ang maituturing na mga
tunay na mamamayang Pilipino. Itinatadhana ito sa:

Artikulo 4

5. Si Franchesca ay ipinanganak at lumaki sa Amerika. Ang pareho niyang mga magulang


ay kapwa Pilipino. Si Franchesca ay:

Mamamayang Pilipino

6. Sa pamamagitan ng Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003, binibigyan


ng pagkakataon ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang
bansa sa maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng naturalisasyon. Siya ay
magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan. Ang batas na ito ay kilala rin bilang:

Republic Act No. 9225

7. Kung ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng


kanyang mga magulang, ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:

Jus sanguinis

8. Kung ang pagkamamamayan naman ng isang tao ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak, ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:

Jus soli

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

9. Sa patuloy na paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan, hindi na lamang ito


nananatili sa legal na konteksto. Isa sa mga pinakamahalang aspekto nito sa kasalukuyan
ay ang:

Pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan

10. Nakapangasawa ng isang British si Joia at nagdesisyon silang sa England na manirahan.


Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kanyang mga magulang at
kapatid at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Joia?

Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan.

11. Ilan ang mga karapatang nakatadhana sa Universal Declaration of Human Rights?

30

12. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga
karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
1. Magna Carta
2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder
4. Universal Declaration of Human Rights

3124

13. Ito ay tumutukoy sa mga Karapatan na tinatamasa ng tao sa sandalling siya ay isilang.

Karapatang pantao

14. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang
mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas?

Commission on Human Rights (CHR)

15. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang
Karapatan bilang mamamayan?

Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.

16. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng


sedula.

17. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa
isang bansa?

Upang mabatid niya ang kaniyang mga Karapatan at tungkulin

18. Sa pamamagitan ng dokumentong ito, kinikilala ng mga pamahalaan ang kanilang


obligasyon na siguradohing lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at
mula sa anomang lahi at relihiyon, ay tatratuhin nang pantay.

Universal Declaration of Human Rights

19. Ayaw pag-aralin sa Margarett ng kanyang mga magulang dahil walang mag-aalaga sa
kanyang mga nakababatang kapatid. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
karapatan sa edukasyon

20. Bakit may Karapatan maging ang akusado o nasasakdal sa isang kaso?

Sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.

21. Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at mga taong
nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang pantao ng mga
mamamayan?

Angkinin

22. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais
niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng Karapatan ng kababaihan. Alin sa
sumusunod ang nararapat niyang salihan?

People’s Organizations

23. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa


mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?

Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela

24. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga Karapatan?


. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

25. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga Karapatan sa ating
Saligang Batas?

Nakasaad dito ang mga Karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang
demokratikong Estado.
Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong.
Paglahok sa iba’t Paglahok sa talakayan,
NGO People’s ibang konsehong pagpanukala, at
Council panlungsod pagboto sa mga batas

26. Anong proseso ang ipinapakita ng diyagram?

Participatory Governance ng Lungsod ng Naga

27. Ito ang salitang ginagamit upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng
lipunan.
Estado

28. Ang sumusunod ay ang mga pangunahing layunin ng social enterprises maliban sa:
kumukita ng malaki

29. Alinsunod sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa
ng disadvantaged sectors maliban sa:
mga biktima ng mga kalamidad at sakuna

30. Ang sumusunod ay halimbawa ng people’s organizations maliban sa:


Bantay-Kalikasan

31. Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga programa ng
mga sectoral at cause-oriented group.
civil society
32. Ang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang legal na uri ng negosyo na nagsasagawa
ng mga gawaing pangkabuhayan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na
tao ay tinatawag na:

Social enterprises

33. Bakit mahalaga ang pagboto?

Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino.

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

34. Ayon sa resulta ng International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey na
isinagawa noong 2004, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng isang mabuting
mamamayan para sa mga Pilipino?

Pagboto

35. Saang bahagi ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng Estado
kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga civil society sa kagalingan
ng bansa
36.
Seksiyon 23

37. Mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga non-governmental organizations


ang pagkonsulta sa kanila ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa mga programang
ilulunsad nito. Isa ito sa mga mahahalagang probisyon ng:

Local Government Code of 1991

38. Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?

Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng


mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang Samahan.

39. Ano ang tawag sa katayuan o kalagayan ng isang tao bilang miyembro ng pamayanan?

Pagkamamamayan

40. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kanyang
karapatan bilang mamamayan?

Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.

41. Kung ang isang tao ay tinatangkilik ang mga produkto na gawa sa sariling niyang
pamayanan o bansa, anong katangian ang ipinakikita nito?

Makabansa

42. Alin sa sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan?

Nakikibahagi sa paghahanap ng kalutasan sa mga suliranin ng lipunan.


43. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa kanilang lipunan?

Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na


makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VIII (EASTERN VISAYAS)
SCHOOLS DIVISION OF BORONGAN CITY
EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar

44. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan?


.
Ibinoboto ang kandidatong iniisip ang kapakanan ng nakararami.

45. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask
what you can do for your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John
F. Kennedy?

Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad


ng isang bansa.

50. Tungkulin ng isang mabuting mamamayang Pilipino na humingi ng opisyal na resibo


tuwing bibili ng produkto. Ano ang kahalagahan nito sa bansa?

Upang matiyak na ang binyarang buwis ay mapupunta sa pamahalaan.

Eastern Samar National Comprehensive High School


Alang-Alang, Borongan City, Eastern Samar
E-mail Add.: 303500@deped.gov.ph / esnchs@yahoo.com

You might also like