You are on page 1of 9

MODULE 13

WEEK 13

Republic of the Philippines


NORTHERN BUKIDNON STATE COLLEGE
(Formerly Northern Bukidnon Community College) R.A.11284
Manolo Fortich, 8703 Bukidnon • 0975-3032951• nbscadmin@nbsc.ph
Creando futura, Transformationis vitae, Ductae a Deo

TEACHER EDUCATION PROGRAM


Fil 3 Maikling Kuwento at Nobelang Filipino
First Semester of A.Y. 2022-2023

Panimula

 Sa Modyul 13 para sa linggo 13, ang mga paksa ay sa kasaysayan ng


COURSE MODULE

Nobela ditto sa ating bansa. Sabay natin alamin ang mga bagay na nasa
Nobelang Pilipino nang ating maunawaan kung bakit mahalaga na ating bigyang
pansin ang pag-aaral nito sa kalinangan sa ating kaalaman at pagbibigay halaga
sa mga aral na napapaloob nito.

Inaasahang Bunga sa Pag-aaral

Paksa: Kasaysayang ng Nobelang Pilino sa Pilipinas


Mga Layunin:
A. Natutukoy ang kasaysayang ng Nobelang Pilipino sa ating bansa.
B. Nakakagawa ng buod ng nobelang natalakay sa talakayan.
C. Napahalagahan ang Nobela bilang bahagi n gating panitikang Pilipino.
Gawain 1

Balik -aral
Mula sa dating alam tungkol sa Nobela (5 pts.)

Ano-ano ang mga layunin ng Nobela?

Diskusyon

Kaligirang Kasaysayan ng Nobela sa Pilipinas


1
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13

 Mga Impluwensya sa pagsulat ng nobela

Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino
ang sumusunod na mga akdang banyaga:
 Ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue
 Ang Conde de Montecristo (1844-46) at Ang La Dama de las Camellias (1848)
ni Alexandre Dumas,
 Ang Les Miserables (1862) ng mga kastila

Nobela - Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mgapangyayari na


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila.
- isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay.
COURSE MODULE

KASAYSAYAN NG NOBELA

Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na


may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago.
Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

Layunin ng Mga Nobela

 Gumising sa diwa at damdamin


 Nananawagan sa guniguni at talino
 Mapukawang damdamin ng mambabasa
 Magbigay ng aral tungkol sa pagunlad ng buhay at lipunan
 Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago sa sarili at lipunan.

Mga uri ng Nobela


1. Nobelang Romansa: ukol sa pag-iibigan
• Kasaysayan: binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring
nakalipas na.
• Nobelang Banghay: isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga
pangyayari ang ikawiwiling mga mambabasa
• Nobelang Masining: paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod
ng pangyayari angikinawiwili ng mga mambabasa.

 Layunin: mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao

2. Nobelang Tauhan: binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng


pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan.

Pilipinas
2
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13

I - Panahon ng Kastila

• Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang


pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa
pamahalaang Kastila.

2 uri ng nobela sa panahon ng Kastila

1. Nobelang Pangrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang- asal.


2. Nobelang Mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma,
pagbabago, at diwang nasyonalismo

Mga Nobela sa Panahon ng Kastila

1. Ang Noli me Tangere at El Filbusterismo ni Jose Rizal na ang paksa ay


tungkol sa Himagsikan.
COURSE MODULE

2. Doctrina Christiana ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na


tungkol sa relihiyon.
3. Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol kagandahang asal at
relihiyon.
4. Barlaan at Josaphat ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon.
5. Ninay ni Pedro Paterno
6. Ang Bandido ng Pilipinas ni Graciano - Lopez Jaena na tungkol sa
paghihimagsik.

II - Panahon ng Amerikano

Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng


Amerikano

1. Ang Panahon ng Aklatan Bayan (1900-1921)


2. Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934) at
3. Panahon ng MalasarilingPamahalaan (1934-1942).

Panahon ng Akalatan

Naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig,


paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang
mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata.

Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong


paglalathala.

Halimbawa ng mga pahayagan


•Ang Kapatid ng Bayan
•Muling Pagsilang

3
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13
•Ang Kaliwanagan

Mga nobelang nailathala ng mga pahayagan.

• Salawahang pag- ibig ni Lope K. Santos


• Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan
• Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
• Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
• Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado

Panahon ng Ilaw Panitik

Hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat sa tula at
maikling kuwento.

Mga nobela:
a. Mutyang itinapon ni Rosalia Aguinaldo
COURSE MODULE

b. Magmamani ni Teofilo Sanco

Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Bumaba ang uri ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling
kwento at pagbabago ng panahon.

III - Panahon ng mga Hapon

Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan
sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)

 Mga Nobela sa panahon ng Hapon

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

• Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz


• Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago
• Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo
• Sa pula, sa puti ni Francisco Soc Rodrigo

IV - Panahon ng Republika

Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa


sistema ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain
tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang- aliw ng
mambabasa.

 Halimbawa ng nobela sa panahon na ito


• Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes
• Binhi at Bunga - Lazaro Francisco

4
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13
• Dekada 70 - Lualhati Bautista
• Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez
• Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez
• Daluyong - Lazaro Francisco

V - Bagong Lipunan (1972- kasalukuyan)

Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga


nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pang-
araw- araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa
Liwayway at nasa pamantayang komersyal.

Mga Nobela ng Panahon ng Republika


•Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol
•Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati Bautista

Dekada 50
COURSE MODULE

Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at insureksiyon kung kaya,


lumutang ang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at kakaibang
larawan ng buhay sa mga nobela.

 Mga Nobela ng Dekada 50

• “Maganda pa ang Daigdig” ni Lazaro Francisco.


• “Pagkamulat ni Magdalena” nina Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong.
• “Ang Tundo man ay may Langit din” Ni Andres Kristobal Cruz
• “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. Hernandez

Dekada 60
Tinatayang sa panahong ito nagsimula na ang kabi-kabilang protesta laban sa
bulok na sistema ng pamahalaan. Sa unang tatlong taon ng dekada 60 ay nanatili ang
mga nobelang maromansa, samantalang sa kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na
ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng
karamihang mamamayan.

 Mga nobela ng Dekada 60

• “Daluyong” ni Lazaro Francisco


• “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez
• “Apoy sa Madaling Araw” nina Dominador Mirasol at rogelio Ordoñez.
• “Sa Kagubatan ng Lungsod” at “Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M.
Reyes. • “Dugo sa Kayumangging Lupa” ni Efren R. Abueg
• “Ipaglaban mo ako” at “Nagbabagang Paraiso” ni Liwayway Arceo

5
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13
Dekado 70

Nagpatuloy sa dekadang ito ang paglalathala ng mga nobela. Isa sa mga namayagpag
na magasin ay ang Liwayway. Sa magasing ito, nalatahala ang karamihan sa mga
nobelang nabanggit sa dekada 60. ang lantarang pagwagayway ng bandilang pula ay
lumaganap sa panahong ito. Kabi-kabila ang mga rali at protesta ng mga estudyante,
manggagawa at magsasaka sa kalsada hanggang sa ipatupad ni pangulong Ferdinand
Marcos ang batas militar. Natahimik ang mga lansangan. Nabusalan ang bibig ng mga
mamamayan at halos mapuno ang mga kulungan sa mga bilanggong pulitikal. Naging
maigting ang pamumuna ng mga nobelista sa lipunan.

Mga Nobela ng Dekada 70

• “Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan.


• “Madilim Ang Langit sa Bayan ko” ni Jose Mercedes.
• “Nangluhod sa Katihan” nina Fausto Galaruan at Gervasio Santiago.
• “Canal de la Reina” ni Liwayway Arceo
COURSE MODULE

• “Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariot” nina Clodualdo del Mundo at Gervasio
Santiago • “Ginto ng Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol

Dekada 80

Ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersiyal, lalo


na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula.
Muling naibalik ang romantisismo sa mga nobelang lumabas sa Liwayway at ang mga
manunulat na may layunin ay nawala.

Mga Nobela ng Dekada 80


• “Gapo” ni Lualhati Baustista
• “Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig” ni Reynaldo A. Duque
• “Tutubi, Tutubi, Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe” ni Jun Cruz Reyes.
• Kulang ng isa sa Sandusena Ba’t di pa magkasya sa sa Labing-isa Nalang” ni Victor
Francisco
• “Bata, Sinaksak isinilid sa Baul” ni tony Perez

Mga Nobela ng Dekada 90

• “Ang kaulayaw ng Agila” ni Lilia Santiago


• “Bulaklak ng Maynila” ni Domingo Landicho
• “Malaybay” ni Edmund Coronel
• “Moog” ni Buenaventura Medina

Mga Nobela Kasalukuyang panahon

• “Kung paano Ko Inayos Ang buhok Matapos ang mahab- Haba Ring Paglalakbay” ni
Norman Wilwayco
• “Unang Ulan ng Mayo” ni Eleen Sicat
• “Gerilya” ni Norman Wilwayco
6
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13
• “Ang Banal na Aklat ng mga Kumag” ni Allan Alberto Derain

Setting Application

Pagsasanay (10 pts)

A. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng Nobela sa ating bansa?


B. Ibigay ang dalawang uri ng nobela.

Pagtataya

Test I-

Panuto: Tukuyin ang mga pahayag na isinasaad sa ibaba. Isulat ang deretsong sagot sa
sagutang papel.
COURSE MODULE

1. Ito ay mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mgapangyayari na


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
2. Ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na
walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
3. Sino ang ama ng Balarilang Tagalog?
4. Ang paksa ng nobelang ito ay tungkol sa Himagsikan.
5. Ano ang tawag sa nobelang nagbibigay diin sa kabutihang- asal?
6. Ang tawag sa nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang
nasyonalismo.

7. Binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin,


kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan.

8. Ang paksa ng nobelang ito ay ukol sa pag-iibigan.

9. Ano ang tawag sa paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari


angikinawiwili ng mga mambabasa?
10. Kailan nagsimula ang kasaysayan ng Nobela sa Pilipinas?
11. Isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay.
12. Sinong manunulat ang sumulat ng Ang Hudeo Errante?
13. Ito ay isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwiling mga
mambabasa.
14. Ang paksa ng nobelang ito ay tungkol sa Himagsikan na sinulat n gating Pambansang
bayani.
15. Anong nobela ang isinulat ni Padro Modesto de Casto?

7
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13
TEST II

Panuto: Ibigay kung sino ang sumulat ng mga Nobelang nabanggit sa ibaba. Isulat
ang deretsong sagot.

1. Sa Mga Kuko ng Liwanag


2. Ginto ang Kayumangging Lupa
3. Tatlong Maria
4. Mutyang itinapon
5. Sa pula, sa puti
6. Mga Ibong Mandaragit
7. Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa
8. Bulaklak ng Maynila
9. Unang Ulan ng Mayo
10. Madilim Ang Langit sa Bayan ko
11. Dugo sa Kayumangging Lupa
12. Pagkamulat ni Magdalena
COURSE MODULE

13. Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon


14. Dekada 70
15. Ang Banal na Aklat ng mga Kumag

Proyekto

Panuto: Basahin at ibuod ang Nobelang may pamagat na “DEKADO 70” na isinulat ni
Lualhati Bautista. (300 na salita)

Dedlayn: Nobyembre 12, 2022

Pagbubuo ng Pedbak

Gumawa ng pedbak alinsunod sa 2F3C ng NBSC kaugnay sa Modyul 2.

Pinagkukunan at iba pang sanggunian

Almario, Virgilio S. Ang Mga Kuwento sa Filipinas, Mandaluyong City:


Anvil Publishing, Inc., 2012

Antolohiya ng mga Nagwaging Akda: Dekada 80, Maikling Kuwento. Metro Manila:
Carlos Palanca Foundation, Inc., At Anvil Publishing, Inc., 1990
8
Crafted by
MODULE 13
WEEK 13

Duque, Reynaldo A. Gabay sa Pagsulat ng Maikling Kuwento. Maynila:


Dandelion Strategic Marketing, 2004

K to 12 Basic Education Curriculym ( Senior High School- Academic Track)


Creative Writing/ Malikhaing Pagsulat. Department of Education,
Philippines, 2014

Lee, Ricky/ Trip to Quiapo. Scriptwriting Manual. Pasig City: Anvil Publishing, 1998.

Virtusio, Wilfredo Pa. Bilanngo at Iba pang Akda. Metro Manila. Anvil Publishing, Inc., 1992

Writers Bloc.10x10x10 Sampung Tigsasampung Minutong Dula ng Sampung Mandudula.


Manila: UST Publishing House. 2012
COURSE MODULE

Elektronikong Sanggunian

https://www.slideshare.net/coleencarrazco/kaligirang-kasaysayanngnobelasaasyaatpilipinas

9
Crafted by

You might also like