You are on page 1of 3

Panahon Kalagayan ng Panitikan

Sinaunang Panahon Wala pang naitatatag na mga panitikan ngunit dito


nagsimula ang pagusbong ng kalakalan sa sinaunang
panahon ng Pilipinas.
Ugnayang Pilipino at Indonesia Sa pagkakaroon ng koneksyon ng Pilipino at Indonesia
sa larangan ng kalakalan at ng nagtagal ay nagkaroon
ng pagbabahagi ng panitikan mula sa India tulad ng
alamat,epiko,pamahiin at bulong na pangmahiya.
Ugnayang Pilipino at Tsino Maraming naimpluwesiya ang Tsino sa Pilipinas ng
panahong 960 AD, sa pamamalagi at pagtatayo ng
tirahan ng mga Tsino sa kapuluan dito nagsimula ang
pagbahahagi at pagiimpluwensya sa kultura sa
kagamitan,kaugalian,pagkain at sa salita.
Ugnayang Bumbay o Hindu Mga nasyon na nagimpluwensya sa kulturang
Pilipino, kaya naman umusbong ang
pananampalatayang Budismo,Epiko at Mahiya.
Idagdag na rito ang mga parting panitikan na epiko,
awiting bayan, liriko at mga salitang pamana ng
kanilang bitbit na kultura.
Ugnayang Arabe at Persiya Sa paninirahan nila sa bandang baba ng kapuluan ng
bansa ay naibahagi nila ang kanilang mga panitikan na
epiko, kwentong bayan, dula at alamat.
Impluwensyang Indian Impluwensyang kaugalian, kultura, panunulat at
bagong salita ang kanilang naibahagi.
Pananakop ng Kastila Sa pagdating ng mga Kastila sa bansang Pilipinas ay
marami ang naibahagi sa larangan ng kultura,sulatin,
at pananalita. Isa narito ang alpabetong romano,
pagtuturo ng Doctrina Cristiana, at mga kasalitaang
naidagdag sa bokabolyaro ng wikang Pilipino.
Panahon ng Propaganda Sa panahon ng Kastila ay maraming mga panitikan
ang nailimbag upang labanan at magsiklab ng
rebolusyon laban sa mga Kastila, isa sa mga panitikan
na kilalang kilala na nailimbag sa panahon ng Kastila
ay ang Noli me Tangere at El Filibusterismo na
nailmbag ni Dr. Jose Rizal.
Panahon ng Amerikano Dito umusbong ang mas malayang ekspresyon at
pagbabahagi ng mga saloobin sa mga panitikan, ang
pagusbong ng tula,kwento,dula,sanaysay,nobela,
balagtasan, at pelikula. Kasama na rito ang mga tema
na gamit na gamit noon na tungkol sa Pag-ibig sa
Bayan at pagnanais ng Kalayaan.
Panahong Hapones Nawalan ng kalayaan sa panitikan at paglilimbag ang
mga nanunulat noon dahil sa krisis sa papel,
pagbabawal sa wika at sulating ingles.
Bagong Kalaaan 1945-1971 Ang pagbangon at pagusbong ng bagong tema sa
panitikan. Ang tema na tinutukan ng mga manunulat
noon ay ang mga kabayanihan ng gerilya, kahirapan
ng buhay, at kalupitan ng mga Hapon.
1970- Panahon ng Aktibismo Ang mga temang nailimbag sa mga panitikan sa
panahong ito ay tungkol sa panahon ng Martial Law,
tahasang sinabak ng mga manunulat ang
pagsasahayag ng mga pangyayari sa panahong ito
ngunit dahil sa kawalan ng kalayaan sa pagsusulat ng
isyu sa panahon na ito, nahirapan ang mga manunulat
sa pagsasabahagi ng mga naturang isyu sa mga taong
ito.
1986- Pagbabalik ng Demokrasya Sa pagtatapos ng pamumuno ng Pangulong Marcos at
pagbaba ng Martial Law ay nagkaron uli ng bagong
pag-asa at kalayaan ang panitikan upang tuligsain ang
mga bagong isyu at isyu noong Martial Law. Ang mga
bagong panitikan ay mga tula tungkol sa pagtuligsa sa
katiwalian at magagandang nagawa ng pamahalaan at
mga awitin na patungkol sa bagong pag-asa at
pagkakaisa ng bayan.
Panitikan sa Panahon ng Internet Ito ang panahon ng modernisasyon na ang mga
panitikan at sulatin ay madali nang maabot ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng internet. Ang bagong
paraan ng pagsasahayag ng mga kasalukuyang isyu at
pagbabalik tanaw sa mga panitikan noon.

I. Natutunan sa aralin?
Ang natutunan ko ngayon sa aralin ay ang kasaysayan ng sinaunang panitikan hanggang sa
kasalukuyan, ang impluwensya ng ibang kultura sa kultura at panitikang Pilipino, ang epekto ng
pananakop at kawalan ng kalayaan sa ating mga nakaraang panitikan.

II. Paano makatutulong sa iyo ang mga natutunan sa araling binasa?

Ang pagbabalik tanaw sa kasaysayan ay makakatulong upang magkaroon ako ng sapat na


kaalaman upang lalong magsaliksik at palawakin ang natutunan sa ibang parte ng
kasayasayan na aking interes. Magsisilbing gabay ang aralin na ito upang palawakin kopa
lalo ang kaalaman sa panitikan at kasaysayang Pilipino.

III. Puna o Mungkahi

Aking mungkahi na matalakay pa lalo ang panahon pagkatapos ng pananakop ng Hapones


hanggang sa kasalukuyan. Ang kalagayan ng panitikan sa taong 1972 hanggang 1986.

You might also like