You are on page 1of 3

San Jose Community College

San Jose, Malilipot, Albay

Name: Honey Grace Divinaflor


Course&Year: BSED Filipino 2A
Aralin 2

Paksa: Ang Literatura (Ang kahalagahan, impluwensya, uri at anyo, kaligirang kasaysayan ng
Literaturang Filipino bilang salamin sa wika, kultura at lipunan)
I. Literatura
a. Bungang isip na isinatitik at sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong
sa wastong pag-unawa sa kahapon, ngayon,bukas ng isang bansa, at
nagpapahayag ng damdamin; mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa
masining at makahulugang mga pahayag.
b. Ang anumang nasusulat sa anyo mang tuluyan o patula sa isang partikular na
panahon lalo na yaong nasulat bunga ng imahinasyon at kritikal na pag
iisip,nagtataglay ng permanenteng kahalagahan a nagbibigay ng mabuting epekto
sa damdamin.
c. Pagpapahayag ng katotohanan sa paraang ipinararanas sa mambabasa ang
kaisipan at damdamin ng manunulat. Lahat ng uri ng mga tala na kinapapalooban
at kinasasalaminan ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa lipunanang
kanilang ginagalawan at isang lakas na mahalagang bahagi ng pagpa paunlad ng
lipunan at kalinangan.
II. Kahalagahan/ Impluwensya ng Literatura
a. Mahalagang bahagi ng kultura ng isang lahi ang literature sapagkat naglalarawan ito
ng tunay na angyayari sa bansa at nag uugnay sa damdamin ng mga tao upang
Makita ang katwiran at katarungan.
b. Nagbibigay ng impormasyon na muunawaan ang mga kaugalian’t uri ng
pamumuhay ng iba’t-ibang tao maging sa kabihasnan at kalinangan ng literaturang
nababasa mula sa iba’t-ibang bansa na nagbubunsod sa pagakaunawaan ng tao.
c. Natutukoy ang pag-unlad diwa, damdamin at kaisipan pati nang pamumuhay at
pakikipamuhay ng tao sa pamamagitan ng mga isinatitik na literatura.
III. Uri ng Literatura
a. Pasalindila - ang anumang akdang panliteratura na isinalita
b. Pasalintitik - ang anumang akdang panliteratura na naisatiti
c. Pasantronio – ang anumang akdang pangliteraturang nasa elektroniko.

IV. Anyo ng Literatura


a. Patula - kung nahahati sa mga taludtod o saknong at ginagamitan ng mga piling
salita
b. Prosa - Kung binubuo ng pangungusap na nahahati sa mga talaga ang pagsusulat
ng akdang panliteratura.
V. Literaturang Filipino bago dumating ang mga Kastila
a. Nagkaroon ng literaturang pasulat sa matandang paraan ng pagsulat ng mga
katutubo na tinatawag na baybayin.
b. Pasalindila/ pasalitang tradisyon ang alasa na uri ng literature sa Filipinas.
c. Mula sa asalitang kaanyuan ng literaturang katutubo, umuunlad ang salita sa
tulong ng mga imluwensyang tinatangga mula sa mga kalapit bansa at mula dito
nakilala na ang eiko, alamat, kwentong bayan, awiting bayan, karunungang
bayan.
VI. Literaturang Filiino sa panahon ng Kastila
a. Napilitan ng Alpabetong Romano ang matatandang paraan ng pagsulat na
tinatawag na baybayin. Wikang kastila ang naging midyum sa litetarura sa
panahon ng kastila.
b. Nakilala ang duplo, moro-moro, senakulo-dulang pantanghalang rehiliyonal.
‘Ladino’ Kung kasila at tagalog ang wiang ginamit sa pagtula.
c. Paggarote sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos, Zamora.
VII. Literaturang Filipino sa panahon ng Amerikano
a. Batas Sedisyon- ang pagbabawal na sumulat ng anumang mayroong kinalaman
sa damdaming makabagong Filiino
b. Ingles ang midyum ng pagruturo sa pampublikong paaralan.
c. Ginamit ang Diwang Romantismo upang mapabilis ang kolonyalismo at
mamayani ang romantismo habang pinaglaban ng mga Filipino ang tamang
makabayan.
VIII. Literaturang Filipino sa Panahon ng Hapon
a. Isang magandang pangyayari sa panahon ng ito ang ginawang panunuri sa mga
maiking kwento sa surian ng Wikang Pambansa.
b. Ipinagbawal ang paggamit ng inles at pinagyaman ang tagalog at tinuring naman
na Gintong Panahon ng Nobelang Tagalog.
c. Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz, nag iisang nobelang nalathala sa panahon
ng Hapon.
IX. Literaturang Filipino sa panahon ng Republika
a. Naitatag ng mga manunulat sa ingles na Filipino ang Philippne Writers’
Association at Philippine Educational Theater Association na buhay pa
hanggang kontemporaryong panahon.
b. Dumaan sa matinding kahirapan ang taong 1946-1972 bunga ng salantang iniwan
ng digmaan.
X. Literaturang Filipino sa Panahon ng Aktibismo (1972(1960)
a. Naitatag ang HUKLABAHAN (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon) sa Nueva
Ecija at naging palasak ang ‘Sulong Tayo’y Girilyo’ na inawit ng mga kasapi ng
HUKBALAHAP.
b. Naging palasa na paksa sa literature ang kabulukan ng lipunan/pamahalahan,
kalakaran ng buhay na tiwali, at kahirapan ng mga anak pawis.
XI. Literatura sa panahon ng Batas Militar/Bagong Lipunan (1972- 1985)
a. Tinaguriang panahon ng sanaysay at talmpati ang panahon ng Batas
Militar/Bagong Lipunan kauganay ito sa sipag ni pang. Marcos na
magtalumpati at magsulat ng mga sanaysay tungkol sa pangarap niyang
makalinang ng isang bagong lipunan.
b. Naipatayo ang Culture of the Philippines at Folks Arts Theather, nagbunsod sa
pagtatanghal ng dula.
c. Mga isyung panipunan ang naging paksa sa mga dulang tinanghal noon.
XII. Literatura sa Panahon ng Lakas-Bayan- Kontemporaryo (1986- kasalukuyan)
a. Hindi nagkaroon ng katuaran ang mga hangarin ng Pang. Marcos sa kanyang
pagtatangka ukol sa Bagong Lipunan , Dumami ang direkta at ‘di direktang
karahasan sa bansa.
b. Peb. 25, 1986 – naganap ang Edsa Revolution sa bias ng People Power, naluklok
si Pang. Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Filipinas.
c. Nanumbalik ang demokrasya at nabuhay ang panitikan dahil nagkaroon ng
kalayaan ang mga manunulat sa pagpapahayag pasulat man o pasalita. Nasupil
ang sensura Kung kaya’t Malaya ang manunulat o makata sa anong paksa na
kanilang sinulat.
d. Unti- unting nabuhay ang paksang pangkalikasan sa pagsulat dahil sa
kampanyang inilinsad ng pamahalaan ukol sa pangangalaga sa kalikasan.
e. Nauri sa dalawa ang Nobela; komersyal at panliteratura. Nakitaan ng
kamalayang panlipunan ang mga nobela. Higit na makatotohanan ang mga
angyayari sa mga kabanata.

You might also like