You are on page 1of 8

IKAAPAT NA LINGGO

A. Pagbasa Sa Lunsarang Teksto ( Deskriptibo)

“ Si Andres Bonifacio, Ama ng Himagsikan”

Si Andres Bonifacio ay pinanganak sa isang bahay na pawid sa purok ng Tondo, Maynila noong Nobyembre 30,
1863. Ang kanyang ama ay si Santiago Bonifacio, isang sastre at naging tenyente mayor ng Tondo. Ang kanyang ina, si
Catalina de Castro, ay isang mestisang Español na nagtrabaho bilang kabesilya o superbisora sa isang pagawaan ng
sigarilyo. Pinakamatanda si Andres sa anim na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio,
Troadio, Espridiana, at Maxima. Natutunan ni Andres Bonifacio ang pagbasa, pagsulat, at pagkukwento sa isang gurong
Cebuana. Naulila silang magkakapatid noong siya ay 14 na taong gulang pa lamang. At bilang panganay, siya ang
bumalikat sa tungkuling buhayin ang mga kapatid. Sa kakulangan ng salapi, hindi siya pinalad na makatapos ng pag-
aaral. Ang unang naging hanapbuhay ni Andres Bonifacio ay ang pagtitinda ng bastong kawayan at pamaypay na papel.
Pagkaraan nito, naging mensahero siya ng kompanya ng dayuhan, ang Fleming and Company. Dahil sa kanyang likas na
kasipagan at katapatan ginawa siyang ahente ng alkitran at iba pang paninda ng kompanyang ito. Sa kanyang mga
libreng oras, patuloy pa rin siyang gumawa ng mga baston at pamaypay kahit noong siya ay lider na ng Katipunan.
Naging bodegero rin siya ng Fressel and company hanggang sa naganap ang kaguluhan, taong 1896.

Naging libangan ni Bonifacio ang pagbabasa ng mga aklat na halos kalahati ng buong maghapon.. Pinagsikapan
niyang matutunan ang wikang Español. Nang samsamin ng Guardia Civil Veterana ng Maynila ang kanyang mga sulatin
at aklat dahil sa himagsikan, nakuha nila ang mga liham nina Luna, del Pilar, Rizal, mga dokumento ng mason at kopya
ng mga talumpating panghimagsikan. Kasamang sinamsam ang kanyang mga aklat tungkol sa talambuhay ng mga
Pangulo ng Estados Unidos; aklat tungkol sa himagsikan ng Pransiya, Batas Pandaigdigan, Relihiyon, at iba pa; maging
ang kanyang koleksyon ng La Solidaridad, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo ni Rizal; Les Miserables, isang nobelang
Pranses ni Victor Hugo; The Wandering Jew ni Eugene Sue; at Ruins of Palmyra. Bukod sa pagbabasa, sumulat din si
Bonifacio sa Tagalog ng mga sanaysay at tula na mapanghimagsik at puno ng damdaming makabayan, na pumukaw at
nagpasigla sa diwa ng katipunan. Hilig din ni Bonifacio ang makilahok sa dulaan. Naging bahagi siya ng isang samahan
kung saan nahasa ang kanyang memorya at pagsasalita ng Tagalog. Kung may pista, sumasali siya sa mga
pagtatanghal ng moro-moro. Ang moro-moro ay isang dula na nagpapakita ng katapangan at kabayanihan ng mga
Kristiyano laban sa mga Muslim. Ang moro-moro ay isang instrumento ng mga Español upang mapalaganap ang
Kristiyanismo sa bansa.

Sa pagkalansag ng La Liga Filipina nang ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Andres Bonifacio---kasama
nina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Deodato Arellano, at iba pang kasamahan---ang Katipunan. Layunin
ng samahang ito na pukawin and damdamin ng bansa at harapin ang pagtubos sa lahing Pilipino mula sa pang-aapi ng
España. Kinilala nila ang kahinaan ng La Liga Filipina. Naisip nila na wala nang pag-asa upang makamit ang kalayaan
ng bansa kundi sa pamamagitan ng paghihimagsik. Si Bonifacio ang namuno ng “Unang Sigaw sa Balintawak.”

Ngunit naging biktima ng pamamaraang pulitika si Bonifacio. Paglaon, nahati sa dalawang lapian ang katipunan;
ang mga Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez na maka-Bonifacio at ang mga Magdalo na pinamumunuan ni
Baldomero Aguinaldo na maka-Emilio Aguinaldo. At upang maayos ang gulo sa loob ng Katipunan, inimbitahan ni
Mariano Alvarez si Bonifacio na magtungo sa Cavite. At bago pa man dumating sa Cavite si Bonifacio, nagkalat na ng
mga liham na nag-udyok sa mga Katipunero na huwag kilalaning lider si Bonifacio dahil isa itong Mason at hindi naniwala
sa Diyos, walang pinag-aralan, at isa lamang bodegero. Idinaos ang asemblea sa Tejeros nong Marso 22, 1897 sa
layuning mapag-isa ang dalawang lapian. Hindi nahalal na pangulo si Bonifacio. Natalo siya ni Emilio Aguinaldo. Nang
mahalal si Bonifacio bilang Direktor ng Interyor, tumindig si Daniel Tirona at nagsalita: “Ang Direktor ng Interyor ay isang
marangal na posisyon. Hindi ito dapat mapunta sa isang taong walang pinag-aralan. Sa aming bayan ay may isang
abogadong nararapat sa posisyong ito, si Jose del Rosario. Kaya dapat tayong tumutol laban sa nahalal. Iboto si del
Rosario.” Nag-alinlangan si Daniel Tirona sa kwalipikasyon at kakayahan ni Bonifacio sa nasabing pwesto. Lubhang
nasaktan si Bonifacio sa nangyaring ito. Bago siya umalis sa nasabing pulong, nagpahayag siyang hindi balido ang mga
napagpasiyahan, kung kaya hindi itinuloy ang paghahalal para sa ibang pwesto. Dito lumala ang hindi pagkakaunawaan
nina Bonifacio at Aguinaldo at ng kanilang mga tauhan.

Sa pulong sa Naic, tinuligsa nina Bonifacio ang naganap sa Tejeros at nagtayo sila ng hiwalay na pangkat.
Kinilala ng mga taga-Batangas ang pamumuno ni Bonifacio. Dahil sa ginawa niyang ito, ipanalagay na may layunin
siyang ibagsak ang kapangyarihan ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Pamahalaang Panghimagsikan. Hinuli siya ng mga
tauhan ni Aguinaldo, nilitis, at hinatulan ng kamatayan. Si Bonifacio at ang kapatid niyang si Procopio ay ipinapatay
noong Mayo 10, 1897 sa Bundok ng Buntis sa Maragondon, Cavite.

Gayon ang naging masaklap na hantungan ng “Ama ng Himagsikan.” Kinilala si Bonifacio bilang “Ama ng
Demokrasyang Pilipino”; kinilala rin siyang “Dakilang Plebyo.” Kasal siya kay Gregoria de Jesus, ang tinaguriang
“Lakambini ng Katipunan.” Wala siyang naiwang anak.
Ayon sa isang aklat ni Teodoro M. Kalaw, “Si Bonifacio ay may pusong puno ng sigla at kapusukan. Utang ng Katipunan
ang lakas nito sa mahigpit at magiting niyang propaganda.”
Gabay Na Tanong:
a. Anong uri ng teksto ang akdang nabasa?
b. Magbigay ng mga patunay na ang teksto ay nasa uring deskriptibo.
c. Maaari rin bang maging tekstong impormatibo ang akda? Magbigay patunay.

TEKSTONG DESKRIPTIBO (Tekstong Naglalarawan)

Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama: paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Inilalarawan nito kung gaano kaganda ang mundong nilikha ng Diyos, ang
mga positibo at negatibong naririnig tungkol sa nangyayari sa ating bayan, naikukuwento ang masarap na nilutong ulam
ng nanay, ang nalalanghap na sariwang hangin, at matukoy ang pakiramdam ng masaya at malungkot. Maaari rin nitong
paksain ang ano mang may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, bagay o pangyayari. Madali itong
makikilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na “Ano”. Sa pamamagitan nito ay nagiging tiyak ang impormasyong nais
ipahayag at ibahagi. Masidhi nitong naihahatid sa mga mambabasa ang larawang-diwa at imahen na nais bigyang-diin o
ipahayag. Sa pamamagitan din ng tekstong deskriptibo, lumilikha ang may-akda sa kaniyang mga mambabasa ng isang
madetalyeng imahinasyon na magsisilbiing pundasyon niya upang paniwalaan ang katotohanan ng isang bagay,
pangyayari, o anomang nagaganap sa kaniyang pang-araw-araw na karanasan.

Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, stiwasyon, at iba
pa. ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang particular na
karanasan. Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na
pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa
isip at damdamin ng mga mambabasa.

Dahil ang deskripsyon ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa rin sa pamamagitan ng mahusay na
eksposisyon, madalas na nahihirapan ang mga manunulat na gumawa ng sulating purong paglalarawan lamang ang
nilalaman. Halimbawa, sa isang tekstong naratibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar
kung saan nangyayari ang kuwento. Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali, at disposisyon ng mga tauhan. Sa isang
prosidyural na teksto, natitiyak din ng mambabasa ang hitsura, katangian, at kalikasan ng yaring produkto sa
pamamagitan ng deskripsyon.. Pinatatatag ng paglalarawan ang anomang porma ng sulatin kung mahusay at angkop
ang pagkagamit nito. Samakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang pagkuha ng atensyon ng mambabasa upang
maipaliwanag ang oryentasyon ng isang malikhaing akda. Kinapapalooban ito ng paglikha at paglalarawan sa tauhan at
lunan o setting ng isang akdang pampanitikan.

Mga uri ng paglalarawan

 Karaniwang Paglalarawan
Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Obhetibo ang paglalahad ng kongkretong
katangian ng mga impormasyon sapagkat tiyak ang ginagawang paglalarawan. Payak o simple lamamg ang
paggamit ng mga salita upang maibigay ang kaalaman sa nakita, narinig, naamoy, at naramdaman sa
paglalarawan.

 Teknikal na Paglalarawan
Pangunahing layunin ng siyensiya ang mailarawan nang akma ang anomang dapat at kailangang
malaman tungkol sa mundo at kalawakan. Kalimitang ginagamit ng manunulat ang mga ilustrasyong teknikal na
sulatin, upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan.
 Masining na Paglalarawan
Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinghaga o idyomatikong pagpapahayag. Malayang
nagagamit ang maikhaing imahinasyon upang mabigyan ng buhay ay isang imahen o larawan. Taglay nito ang
kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng sumulat.

Mga katangian ng tekstong deskriptibo

1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyonna nililikha sa mga mambabasa. Sa
paglikha ng dominante at pangunahing impresyon, dapat na magdesisyon ang manunulat kung ano ang mas
magsisilbi at kuwentong kanyang ilalahad.
2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo NGo subhetibo,
PAGPAPASIDHI PANG-URIat maaari ring magbigay ng pagkakaraon sa
manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan ng paglalarawan. Ang obhetibong paglalarawan ay may
direktangPasukdol
pagpapakita ng katangiang makatotohanan
nagpapakita at ‘di mapasusubalian. Halimbawa, kung ilalarawan ang isang
ang pang-uri kung ito’y o nagpapahayag ng kahigitan, pangingibabaw o
kaibigan, maaaring ibigay ang taas, haba ng buhok, kulay ng balat, o kursong kinukuha. Ang subhetibong
pamumukod sa karamihan o sa lahat.
deskripsyon namanparaan
ay maaaring kapaloobano pagpapasidhi
ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na
Maraming ng pagpapasukdol ng pang-uri. Ang sumusunod ay iba’t ibang
persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan. Halimbawa, maaaring ilarawan ang
paraan ng pagpapasidhi ng pang-uri.
kaibigan bilang hingahan ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng mga suliranin, o kaya ay bukas na libro
Panlaping PINAKA+ Pang-uri (hal. pinakamayaman, pinakadakila)
sa lahat dahil sa maingay at literal nitong katangian.
Panlaping NAPAKA+ salitang-ugat (hal. Napakatapang, napakabuti )
3. Ang tekstong deskriptibo ay na mahalagang
inuulit (hal. maging espisipikokaytamis-tamis)
at maglaman ng mga kongkretong detalye. Ang
Panlaping KAY+salitang-ugat kayganda-ganda,
pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
Panlaping PAGKA+salitang-ugat na inuulit (hal. pagkalinis-linis, pagkasaya-saya)
Panlaping KA-AN/HAN+ salitang – ugat na inuulit (hal. katamis-tamisan, kasama-samaan)
Pang-uring inuulit na may pang-angkop (hal. Dakilang-dakila, mabangung-mabango)
Anong+ Pang-uring payak (hal. anong ganda, anong buti )
Lubha+Pang-uring payak, maylapi o inuulit (hal. lubhang sikat, lubhang malungkot)
Totoo+pang-uri (hal. totoong tamad, totoong mabisa )
Walang+kasing,katulad,kapara,kaparis,kapantay,kahambing,kahulilip,kawangis (hal. walang kasindamot,
walang kapantay na ligaya)
Mga salitang sakdal,labis, hari, ulo, ubod,puno+ payak na pang-uri (hal. sakdal ganda, labis na saya, hari ng
sablay, ubod ng puti, puno ng lungkot)
PANG-URING PAMILANG

Ang pang-uring Pamilang ay may apat na uri. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Patakaran/Kardinal – ito ang likas at basal na mga bilang na siyang pinaghahanguan ng iba’t ibang
paraan ng pagbilang

Halimbawa: isa sampu sandaan sanlibo


Patakda – ito’y nagsasabi ng tiyak na bilang o halaga

Halimbawa: iisang lahi nag-iisang wika lilimang piso


Panunuran/Ordinal – ito’y nagsasaad ng sunud-sunod na pagbilang sa mga tao o bagay

Halimbawa: ikalawang puwesto pang-anim na pangulo unang hakbang


Pamahagi – nagsasaad ng bahagi ng isang bagay na buo

Halimbawa: kalahati (1/2) kalima(1/5) sikapat (1/4) kapulo(1/10)


Nagsasaad din ito ng magkasindami o pag-aayaw-ayaw
Halimbawa: tig-iisa tigpipito dala-dalawa apat-apat

IKALIMANG LINGGO

A. Pagpapabasa sa Lunsarang Teksto

ANG PAGGAWA NG BLOG

Isa sa pinakasikat na porma ng babasahin at sulatin sa internet ang blog. Ang blog ay isang diskusyon o sulatin
na may iba’t ibang diskurso gaya ng pagbibigay-impormasyon, pangangatuwiran, o simpleng paglalabas lang ng mga
iniisip o damdamin tungkol sa isang paksa. Madalas na tinatawag na online at pampublikong talaarawan ang blog.
Isinasapubliko ito gamit ang World Wide Web (www) at madalas na kronolohikal ang pagkakaayos. Nauunang lumitaw
ang mas bagong entry ng isang manunulat sa isang website. Sa kasalukuyan, uso na rin ang multi-author blogs (MABs) o
yaong mga blog site kung saan maaaring magsulat ng blog ang iba’t ibang awtor na ine-edit ng mga propesyunal.
Kadalasang MBAs ang ginagamit ng mga institusyon gaya ng diyaryo at iba pang media outlet, unibersidad, mga grupong
may adbokasiya, at iba pa.
Ang pagsisimula at pagsikat ng blogging noong katapusan ng dekada ’90 ay sumabay sa pag-unlad ng web
publishing tools o yaong website sa internet na nagpapadaloy at tumatanggap ng mga kontribusyon mula sa iba’t ibang
gumagamit nito na hindi naman propesyunal sa larangan ng kompyuter. Sa panahong ito, binuksan sa publiko ang
pagdaragdag ng kaalaman at pag-eedit nito sa internet. Noong una kasi ay kailangang maalam sa teknolohiya ng
HyperText Markup Language (HTML) o File Transfer Protocol (FTP) bago makapaglagay ng anomang nilalaman o teksto
sa internet.
Karamihan sa mga web publishing tools ay interaktibo ang katangian, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga
bumibisita na maglagay ng komento o mensahe gamit ang graphical user interface (GUI) sa mga blog. Ang pagiging
interaktibo nito ang nag-iiba rito sa mga istatikong website. Sa ganitong paraan, nakikita rin ang blogging bilang porma
ng social networking sapagkat hindi lamang nagsusulat ang isang blogger ng nilalaman para sa i-post sa internet, bagkus
ay bumubuo rin sila ng panlipunang relasyon sa kanilang mga mambabasa at iba pang bloggers.
Iba’t iba ang uri ng blog depende sa layunin nito. Maraming blog ang nagbibigay ng komentaryo o mga pananaw
sa iba’t ibang paksa o isyu habang ang karamihan ay mas ginagamit bilang online na talaarawan. Ang iba naman ay
ginagamit sa pagbebenta o online brand advertising. Sa isang tipikal na blog, madalas na pinagsasama ang teksto, mga
larawan, at link sa iba pang blog o web page na may kaugnayan sa paksa. Ang iba’t ibang blog ay may pokus sa mga
sining na tinatawag na art blogs, potograpiya (photoblogs), videos (video blogs- vlogs), musika (music blogs, at tunog o
audio (podcasts). Microblogging naman ang tawag sa uri ng blogging na nagpapakita ng maiikling paskil gaya ng Twitter
o Facebook. Sa edukasyon, ginagamit ang blog bilang sanggunian o batis ng mga modyul at iba pang kagamitang
panturo. Tinatawag itong edublogs.

Narito ang ilang gabay sa paggawa ng blog mula sa website na wikaHow:


1. Tanungin ang sarili kung ano ang pinaka-interesanteng paksa para sa iyo na nais mong ibahagi sa iba. Ang ilan
sa mga posibleng paksa ay:
 Politika. Maaaring maglaman ito ng mga opinyon mo tungkol sa politika ng bansa. Marami nang
komentaryo ang mga mamamahayag o kaya ay mga kilalang tao ngunit interesante at mahalaga pa ring
marinig kung ano ang pananaw ng mga karaniwang mamamayan.
 Pagkain. Maaaring magsimula sa pagbabahagi mo ng mga sariling recipe. Maaari ka ring magbigay ng
rebuy at rekomendasyon batay sa mga restawran na napuntahan mo na. patok na rin ang food blogging
sa kasalukuyan.
 Pelikula o Nobela. Kung mahilig kang manood ng pelikula o kaya ay magbasa ng nobela, maaari mo ring
ilagay sa blog ang rebuy mo sa mga ito.
 Negosyo. Magagamit din ang blog bilang paraan ng pakikipag-ugnayan at pagbebenta ng produkto o
serbisyo sa mga posibleng customer. Makatutulong din ang iyong blog kung mabibigyan mo sila ng
impormasyon tungkol sa produkto.
2. Isipin mo kung paano makatutulong ang iyong blog sa ibang tao. Kailangang ituon mo ang iyong blog sa tiyak na
layunin at sa target na mambabasa. Narito ang ilang ideya:
 Magturo ka! Kung mahilig ka sa isang particular na bagay at malawak ang karanasan mo rito, maaari
mong matulungan ang ibang tao na nahihirapan o bago rito.
 Magbigay ng pinakabagong mga balita at kalakaran. Magbigay ng mga bagong pag-unlad na may
kinalaman sa iyong paksa. Mahalagang manaliksik din nang mabuti upang maging kapani-paniwala ang
iyong blog.
 Magpatawa ka! Magaling ka bang magpatawa? Maaari mong gamitin ang blog upang maging balon ng
kaligayahan at katatawanan para sa ibang tao.
 Maging inspirasyon sa iba. Nagkaroon ka na ba ng mabibigay na pagsubok sa buhay gaya ng malubhang
sakit o matinding problema na nalagpasan mo? Maaaring magamit mo ang mga paksang ito tungkol sa
iyong sarili para magbigay ng inspirasyon at palakasin ang loob ng mga taong dumadaan din sa parehong
mga pagsubok.
3. Magbasa ng iba pang mga blog tungkol sa particular na paksang gusto mong isulat. Ito ay upang hindi na maging
duplikasyon lamang ang iyong blog ng mga nauna nang ginawa.
4. Mag-isip ng magandang titulo at pangalan para sa iyong blog. Kailangang malikhain ito at nakakukuha ng interes
ng mga mambabasa.
5. Pag-isipan kung anong website ang gagamitin mo sa iyong blog. Ang pinakapopular na ginagamit sa kasalukuyan
ay Wordpress at Blogger. Maaari mo ring gamitin ang Facebook upang gumawa ng note.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang paksa ng tekstong binasa?
2. Anong uri ito ng teksto?
3. Ano-anong mga kaisipan sa loob ng teksto ang makapagpapatunay sa inyong pag-uuri?

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon
kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay. Nagagamit ang pag-unawas sa mga tekstong prosidyural sa halos
lahat ng larangan ng pagkatuto. Halimbawa, recipe ng pagluluto sa Home Economics, paggawa ng eksperimento sa
agham at medisina, pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan at teknolohiya, o pagsunod sa mga patakaran
sa buong paaralan. Bukod sa mga nabanggit, halimbawa rin ng tekstong prosidyural ang mga patakaran sa paglalaro ng
isang bagay, mga paalala sa kaligtasan sa kalsada, at mga manwal na nagpapakita ng hakbag ng pagsasagawa ng iba’t
ibang uri ng makina, kagamitan sa bahay, kompyuter, at iba pa.

Ang layunin ng tekstong prosidyural ay makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao
upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan.

Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na
ang iba’t ibang manwal upang panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paanong pagaganahin
ang isang kasangkapan, at pagpapanatili nang maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga
protocol. Ang protocol ay isang uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng gabay at mga paalala na maaaring hindi
nakaayos nang magkakasunod.

Ano-ano ang nilalaman ng tekstong prosidyural?

1. Layunin o target na awtput. Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng
prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng
trabaho o ugaling inaasahan sa isang empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga gabay.
2. Kagamitan. Nakapaloob din ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makompleto ang
isasagawang proyekto. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kalian ito gagamitin.
Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anomang
kasangkapan.
3. Metodo. Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon. Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na
isinagawa. Maaaring sa pamamagitan ito nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di
kaya ay mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan ng layunin ng prosidyur.

Bukod sa mga nabanggit na pangkalahatang nilalaman ng isang tekstong prosidyural, mahalaga ang paggamit ng
mga heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang mas maging malinaw ang pagpapahayag ng mga
instruksyon

Mahalagang maging tiyak ang gamit ng wika sa mga tekstong prosidyural at kung paanong gagamitin ito sa
kabuuang estruktura upang makamit ang mga layunin. Mahalagang alamin at unawain kung sino ang makikinig o
magbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.

Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng tekstong Prosidyural?

1. Layunin – Ano ang gusto mong matamo sa iyong sulatin? Magbigy ng malinaw na panuto upang buong tiwalang
maisasagawa ng mga mambabasa o mga nakikinig ang isang gawain.
2. Tagatanggap – Para kanino ka nagsusulat? Sa guro ba, mga kapwa mag-aaral, grupo ba?
3. Pagkakakilanlan – Sumusulat k aba bilang awtoridad o eksperto sa paksa?

Ano-ano ang mga gabay sa pagsulat ng tekstong prosidyural?

1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa simple at pangkasalukuyang panahon.


2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili (dapat: una, kunin mo di-dapat: una, kukunin ko)
3. Ang tinutukoy na pangkalahatan ay ang mambabasa.
4. Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos.
5. Gumamit ng cohesive devices upang mapagdugtong ang mga pangungusap.
6. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong pagkakaayos
7. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan ng mga bagay (hugis, laki, kulay, dami).

Ano-anong mga Cohesive Devices ang magagamit sa tekstong prosidyural?

Layon Mga Cohesive Devices

Pagdaragdag  Ganoon din/Gayundin


 At/ at saka
 Bilang karagdagan/dagdag pa rito/riyan/rito
Kabawasan sa Kabuan  Maliban sa/ sa mga/ kay / kina
 Bukod sa/ sa mga / kay / kina
Halimbawa  Bilang halimbawa
 Ilan sa mga halimbawa
Pag-uugnayan ng mga pangungusap o  Kaugnay nito/niyan
talata  Ilan sa mga halimbawa

Pagsusunuran ng kalagayan o  Kasunod nito


pangyayari  Kasunod niyan

IKAANIM NA LINGGO
Pakinggan Natin
UPUAN
(Gloc 9)

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking ina na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata


Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

Mga Gabay na Tanong:


1. Anong mensahe ng awitin?
2. Anong katotohanan na nangyayari sa bansa ang masasalamin sa awitin?

Pagtalakay sa Teksto
A. Pagbasa sa Lunsarang Teksto

Mga Gabay na Tanong:


1. Tungkol saan ang pinapaksa ng akda?
2. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa?
3. Ano ang koneksyon ng awitin at tekstong binasa?

ALIPIN NG TADHANA

Saan nga ba nagkamali ang sambayanang Pilipino? Bakit hanggang ngayon ay lugmok pa rin siya sa dusa’t
hilahil? Bakit nga ba gayong mulat naman siya sa pangyayari sa kaniyang kapaligiran at nakaaagapay naman siya sa
makabagong takbo ng panahon? Di nga ba’t mataas daw naman ang literacy nating mga Pinoy?

Sino-sino nga ba ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito? Ang sistema ba ng ating pamahalaan? O ang mga
taong umuugit dito na silang nagapasimuno sa mga kabulukan sa ating pamahalaan? O ang mga taumbayan mismo ang
dapat balingan ng sisi dahil sa pangungunsinti sa mga ito?
Masakit isipin na hindi pa rin talaga umaasenso si Juan de la Cruz kahit na nagalugad na yata niya ang lahat ng
mga kontinente sa buong mundo sa paghahanap ng ikabubuhay ng kanyang mahal na pamilya. Di nga ba’t nagbanat pa
siya ng di-birong hirap at pagpapakasakit maiahon lamang sa balon ng kahirapan yaring mutyang inang-bayan?

Ilang dekada na ba ang matuling lumipas ngunit nananatili pa ring nakabayubay sa Krus ng Kahirapan itong ating
bayan? Kulang pa ba ang pagpapakasakit ni Juan de la Cruz? Ginawa na nga ba niya ang lahat ngunit wala pa ring
naganap na pagbabago sa ating bayan? Patuloy pa rin itong pinamumugaran ng mga oligarko, mga burukrata’t kapitalista
na parang mga lintang sumisipsip sa dugo ng bayang lupaypay na sa kahirapan ng buhay dulot ng kasakiman ng ilan
nating mga kababayan.

Paano natin iwawaksi sa isipan ng mga dayuhan ang senaryong tayo ay isang “nation of servants”? Napakasakit
tanggapin ngunit ito ay isang katotohanang malinaw pa sa sikat ng araw. Ang ebidensyang pangunahing dahilan sa
pagbaba ng dignidad ng ating pagka-Pilipino.

Bakit hindi natin isagawa ang kolektibong pananaw patungo sa ikatataas ng ating bansa? Bakit hindi ipasok sa
isipan ng ating mga mag-aaral ang doktrinang “Filipinismo” para magbukas sa pinto ng nasyonalismo patungo sa
pagkakaisa ng Sambayanang Pilipino?

Ang halalan o malayang pagpili ng mga manunungkulan ay haligi ng demokrasya ngunit ito’y mawawalan ng
saysay sa kadahilanang ginawa na ring hanapbuhay ng mga limatik na politico ang eleksyon sa pamamagitan ng
pagmamalabis sa poder ng kapangyarihan kapag naluklok na sa puwesto.

Kailangang maging mulat ang mga mata ng lahat sa ganitong uri ng politiko, iwasang muli’t muli tayong malinlang
ng ganitong uri ng politika.

Ang Pilipinas ang tanging Kristiyanong bansa sa dulong-silangan. Nagpapatunay na malapit tayo sa Poong-
Maykapal. Ngunit nitong mga nagdaang panahon, maraming nagsusulputang bulaang sekta ng relihiyon. Sa halip na
magkaisa, maraming nagsusulputang bulaang sekta ng relihiyon. Sa halip na magkaisa, lalong nagulo’t nagkanya—kanya
ang mga tao.

Ayaw kong isiping totoo ang pamaraling “Filipinos cannot govern themselves,” panahon na para pairalin natin ang
tama. Kung mangunguna sana sa atin ang Panginoong Diyos, siguro, matatapos na rin ang ating paghihikahos.

B. Paglinang ng Bokabularyo.

Bigyang – kahulugan ang mga sumusunod:


1. hilahil
2. nagalugad
3. nakabayubay
4. oligarko
5. burukrata
6. Filipinismo
7. limatik

Pagtalakay sa Uri ng Teksto

TEKSTONG PERSUWEYSIB

Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at
katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. Sa pagsulat ng
tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay
gumamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri. Mas matibay na
batayan ito upang maniwala ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng panghihikayat ng manunlat.

Ang tekstong persuweysib ay ginagamit ng isang may-akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o
tiyak ang kanyang isinulat. Ito ay literal na pagtutulay at pagpasa ng paniniwala ng may-akda sa kanyang mga
mambabasa. Naglalahad ang tekstong ito ng mga pahayag na nakaaakit at nakahihikayat sa damdamin at isipan ng mga
mambabasa sapagkat may sapat na ebidensya o katibayan sa paglalahad ng paksa. Layunin dito ng may-akda na
maglahad ng isang paksa na kayang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patunay at totoong datos upang
tanggapin, makumbinsi, at mapaniwala ang mga mambabasa. Ang tekstong ito ay may pagkasubhetibo dahil ang tuon ng
paksa ay sariling paniniwala ng may-akda na lohikal na ipinaliwanag. Ang tono ng isang tekstong persuweysib ay
maaaring:

 Nangangaral
 Nag-uuyam
 Naghahamon
 Nagagalit
 Nambabatikos
 Natatakot
 Nasisiyahan
 Nalulungkot
 Nagpaparinig

Ano-ano ang mga paraan ng manunulat upang makahikayat? (Ayon kay Aristotle)

1. Ethos. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang sariling paniniwala, saloobin, damdamin,
pag-uugali, at ideolohiya sa kanyang paksang isinulat ay impluwensya ng kaniyang karakter. Ito ay ginagamit
upang makapagganyak o makahikayat ng mga kaisipan o kaugalian. Sa paraang ito limitado ang pananaw
sapagkat umaasa lamang ito sa kung ano ang sinasabi ng may-akda. Kaya ang manunulat o may-akda ay
kinakailangang magsulat nang may kalinawan sa mga nagsasalungatang ideya upang hindi makabuo ng
kalabuan sa mga mambabasa.
2. Logos. Pagiging rasyonal ng isang manunulat ang paraan na ito. Nangangailangan ito ng tiyak at rasyonal na
katibayan upang makahikayat. Ayon kay Aristotle, nauugnay ang logos sa mismong ginagamit na salita ng
manunulat na tila may nais na patunayan. Gumagamit ang may-akda ng mga piling-piling salita na nagtataglay ng
kapangyarihang mapaniwala ang bawat mambabasa.
3. Pathos. Ang emosyon o damdamin tungkol sa isang paksa ay ang paraan na ginagamit ng may-akda upang
mahikayat ang mga mambabasa. Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang kaniyang mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalapat ng kaniyang saloobin, maging ito may ay galit, masaya, nangungutya at iba pa sa
teksto o paksang isinulat.
Ano-ano ang mga elemento sa pagbuo ng mahusay na tekstong persuweysib?

1. Pagbuo ng makatotohanang kaisipan.


2. Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may kaugnayan sa interes ng mga mambabasa.
3. Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin.
4. Pagbuo at pagpapahayag ng kongklusyon.
5. Mapaniwala ang mambabasa na ang kongklusyon ay mula sa napagkasunduang katotohanan.
6. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
Ano-ano ang mga hakbang sa pagsulat ng tekstong persuweysib?

1. Piliin ang iyong posisyon. Aling mga bahagi ng isyu o problema ang nais mong sulatin at anong posibleng
solusyon ang nais mong gawin? Alamin ang layunin ng iyong isusulat.
2. Pag-aralan ang iyong mga mambabasa. Alamin kung ang iyong mambabasa ay sasang-ayon sa iyo, walang
kinikilingan, o hindi sasang-ayon sa iyong posisyon.
3. Saliksikin ang iyong paksa. Ang mapanghikayat na teksto ay naglalahad ng tiyak at kongkretong ebidensya.
Maaari kang pumunta sa aklatan o kapanayamin ang mga taong eksperto sa iyong paksa.
4. Buuin mo ang iyong teksto. Alamin kung ano ang dapat mong isamang ebidensya at ang pagkakasunod-sunod
ng mga ito. Kailangang isaalang-alang ang iyong layunin, mambabasa, at paksa.

Sa pangkalahatang panuntunan sa pagsulat ng tekstong persuweysib, ang may-akda ay kailangang: (1) magkaroon
ng matatag na opinyon na madaling matanggap ng mga mambabasa, (2) simulant ang pagsulat ng teksto sa
mapanghikayat na panimula upang bigyang-pansin ng mga mambabasa, (3) maglahad ng mga ebidensya na susuporta
sa isiniwalat na opinyon, at (4) pagtibayin ang pahayag sa kung ano ang nais na paniwalaan ng mga mambabasa.

Ano-ano ang mga estretehiya na ginagamit sa panghihikayat?

1. May personal na karanasan


2. May humor o katatawanan
3. May katotohanan at mga estadistika
4. Sumasagot sa argumento
5. May hamon
6. May panimula, katawan at kongklusyon

You might also like