You are on page 1of 5

Modyul 5

A. Kaligiran ng Akademikong Pagsulat


B. Pagsulat ng Bionote

Kaligiran ng Akademikong Sulatin

Ayon kay Gocsik (2004), gawain ito ng mga iskolar para din sa mga katulad nilang
iskolar. Nakalaan ito sa mga paksa at mga tanong na siyang kinagigiliwan ng akademikong
komunidad. Itinatagubilin din ang pagtukoy at paglalahad ng argumento sa mga uri at
halimbawa na nangangailangan nito.

Ibinahagi naman ni Arrogante, et.al (2007) na nakadepende sa isang kritikal na pag–


aaral at pag–iisip ang pagbuo ng mga awtput nito. Kinikilala sa ganitong uri ng sulatin ang
kahusayan ng manunulat sa pangangalap ng mahahalagang datos, mag–organisa ng mga
ideya, lohikal mag–isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng isang
obra at may kakayahan na makabuo ng inobasyon at sintesis mula sa binasang lathalain o
artikulo.

Kilala sa tawag na intelektwal na pagsulat ang akademikong sulatin. Nilalayon nitong


malinang at mapaunlad ang kritikal na pag–iisip, pagsusuri, pagbuo ng sintesis at pagtataya.
Ilan sa mga halimbawa nito ang akademikong sanaysay, pamanahong papel, konseptong
papel, tesis, disertasyon, panunuring pampanitikan, iba’t ibang rebyu, position paper at marami
pang iba.

Katangian ng Akademikong Sulatin

AKADEMIKO DI –AKADEMIKO

LAYUNIN Magbigay ng ideya at Magbigay ng sariling opinyon


impormasyon

PARAAN O  Obserbasyon  Sariling karanasan


BATAYAN NG  Pagbabasa  Pamilya
DATOS  Pananaliksik  Komunidad

 Iskolar
AUDIENCE  Guro Iba’t ibang publiko
 Mag–aaral

 Planado ang ideya.


 May pagkakasunud–
ORGANISASYON sunod ang istruktura Hindi kinakailangan ang
NG MGA IDEYA  Nasa ikatlong panauhan istruktura
PANANAW Obhetibo Subhetibo

Iba Pang Katangian ng Akademikong Pagsulat

pormal obhetibo may paninindigan

may pananagutan may kalinawan


Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng impormasyon
at malikhaing pagsasagawa ng ulat

Nagagamit ang kasanayan sa pagbabasa at pagsusuri ng iba't ibang uri


ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat

Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa


pananaw ng may akda kasabay ng pag-unawa ng mga mambabasa

Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay


na paksa ng mga isinagawang pag-aaral

Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral upang makasulat ng iba't


ibang anyo ng akademikong sulatin

Matukoy ang akademikong pagsulat bilang isang kurso na lumilinang


sa pagiging inobatibo ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng mas
mataas na pagkilala sa edukasyon

Pagsulat ng Bionote

Sa mga nakalipas na panahon, naging pangkaraniwan na sa atin ang


pagsulat ng awtobayograpiya o talambuhay. Sabi nga ng ilan kahit tulog, kaya
mong sumulat ng halimbawa nito lalo na kung sarili natin ang siyang paksa ng
gagawing awtput. Magkagayunman, tatandaan na maaari ding paiba ang mga
talambuhay --- pagbabahagi sa kwento at mahahalagang pangyayari sa buhay
ng ibang tao.
Nagmula sa mga salitang
Griyego na BIO o buhay at NOTE
o dapat tandaan

Isinusulat upang mas


Pinaniniwalaan na
madaling matandaan
nagmula sa biography o BIONOTE ang tala ng buhay ng
talambuhay sa Filipino
isang tao

Mga talata na naglalaman ng


maikling deskripsyon tungkol sa
may-akda ng iba't ibang
sanggunian
LAYUNIN

Naipakikilala ang sarili sa mga mambabasa

Naibabahagi sa iba hindi lamang ang karakter kundi


maging ang kredibilidad sa isa ispesipikong larang

Nagsisilbing promotional o marketing tool


Laging gumamit ng ikatlong panauhan
sa paglalahad.

Maging matapat at tiyak sa Maikli lamang ang mga


gagawing paglalahad. talakay.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT


NG BIONOTE

HALIMBAWA NG BIONOTE

You might also like