You are on page 1of 1

Introduction to Philosophy

1st Semester
Pangkabuuang Pananaw at Pananaw ng mga Bahagi lamang

Basahin ang tula: Ang mga Bulag at ang Elepante, gamit ang link sa ibaba
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2017/04/ang-mga-bulag-at-ang-elepante-1.pdf

Sagutin ang mga gabay na tanong:

● Sa iyong palagay, mayroon bang isa sa mga bulag na lalaki ang nagbigay ng
tamang sagot? Bakit?
● Sa konteksto ng kwento ng anim na bulag na lalaki at ng elepante, ano sa palagay
mo ang isang pang-kabuuang pananaw? At ano ang pananaw ng mga bahagi lamang?
● Ano ang kahalagahan ng isang pang-kabuuang pananaw tulad ng itinuro ng
makata na si John Godfrey Saxe?

Ilagay sa google docs/MS Word ang sagot sa mga gabay na tanong at ipasa sa google classroom.

Mga Sagot:

1. Opo at hindi po. Opo, dahil tama po ang paglalarawan at paghahalintulad nila sa bahagi
ng elepante. Hindi po, dahil sa kanilang paglalarawan, isang bahagi lamang po ng
elepante ang pinagbatayan nila upang masabi na iyon ay ang kabuuang itsura o
istruktura ng isang elepante.
2. Ang pang-kabuuang pananaw rito ay kanilang pinaniniwalaan ang kanilang nalalaman o
natuklasan. At sa pananaw ng mga bahagi lamang, ibinahagi nila ang kanilang
paniniwala kung ano ang isang elepante batay sa kung ano lamang ang kanilang
nahawakan.
3. Upang malaman ang malawak na ideya, konsepto, dahilan, pangyayari ng isang bagay,
mahalagang unawain at pahalagahan ang pang-kabuuang pananaw. Nang sa gayon ay
makilatis natin nang maigi, masuri natin nang maayos ang nais nating maunawaan o sa
mga bagay na ating pinag-aaralan.

You might also like