Professional Documents
Culture Documents
WW1 - Pili-Basa-Suri
WW1 - Pili-Basa-Suri
WW1 - Pili-Basa-Suri
Baitang-Pangkat 11 - Fortitude
Huwag kalimutang lagyan ng impormasyon ang nasa itaas na bahagi upang mas mabilis matukoy ng iyong guro ang iyong pagkakakilanlan at
pangkat kung saan ka nakapabilang.
PANUTO:
GRASPS Format:
(Goal-Role-Audience-Situation-Product-Standard)
Batay sa ating huling tinalakay na paksa, nalaman natin ang kahalagahan ng pagbabasa bilang isang
markong kasanayan, ito ay mahalaga upang magkaroon tayo ng malaking pag-unawa sa mga
impormasyon na nakikita natin sa iba’t ibang sanggunian at maging sa social media. Kaya naman, bawat
isa sa inyo ay inaasahan na magkaroon na kakayahan ng pagkilatis ng akda at nilalaman bilang
pangunahing katangian ng isang mahusay na mananaliksik o mambabasa.
Matapos ang tinalakay na paksa ukol sa PAGBASA: Kahulugan, Layunin, Kahalagahan, Teorya at
Hakbang, kayo ay inaasahang makapamili o makapagsuri ng isang babasahin o teksto batay sa tseklist o
gabay na makikita sa ibaba. Kaya naman, mula sa tseklist na ito, gagamitin ninyo ito upang lubusang
mabasa at masuri ang teksto na maaaring gamitin sa pananaliksik na makakapagbigay sa inyo ng
kakayahan na bumuo ng sariling opinyon, pananaw, at pagsusuri sa inyong nabasa. Bukod dito, ang gabay
rin na ito ay makatutulong upang makakuha rin tayo ng isang maayos na sanggunian sa ating
pangangailangan sa kurso.
Upang lubusan tayong matulungan sa pagbabasa, inaasahan na makakuha kayo ng babasahin batay sa
tseklist:
Pangnilalaman Oo Hindi
Estruktura Oo Hindi
Mula sa gawaing ito, kayo ay mamarkahan batay sa pamantayan na ito: Pagpili ng paksa, Pagbasa sa
Napiling Teksto at Pagsuri sa Tseklist.