You are on page 1of 2

Ang bawat social media networking sites ay lumikha ng iba’t ibang mga kagamitan upang

kumonekta sa mga gumagamit at upang madagdagan ang komunikasyon sa buong bansa at mundo.

Facebook, Twitter, at Youtube ay tatlo sa pinakasikat na social media sites na ginagamit ng mga pulitiko

upang kumonekta sa kanilang mga nasasakupan (Kaitlin, 2012). Madami ka ding makikitang iba’t ibang

advertisement tungkol sa politika dito mo din malalaman ang iba’t ibang opinion ng mga tao. Ngunit ang

social media ay hindi dapat basta bastang pinagkakatiwalaan dahil mayroon ang iba dito ay fake news at

maaring sila ay binayaran ng isang kumpanya upang sabihin ang mga iba’t ibang opinion para lamang

pabagsakin ang isang politiko. Kaya dapat bilang isang politikal advertiser dapat maging alerto sa iba’t

ibang opinion ng mga tao dahil mahirap talaga malaman kung alin dun ang legit na opinion at alin dun

ang peke. Dahil ang mga kandidato ay lumilikha ng isang malakas na personal na tatak upang bumuo ng

isang mensahe upang makipag-usap sa kanilang social media site (Kaitlin, 2012).

Ang advertising sa politika ay may binubuo ng tatlong magkakaibang uri ng media at ito ay

tinatawag na bought, earned, and owned. Ayon kay Mashable, ang bought media ay isang media na

binabayaran tulad ng TV advertisement at billboard, ang earned media ay tumutukoy sa coverage ng

balita, o mga komento sa social media, at ang owned media ay isang website ng kumpanya, facebook

page at iba pang mga news outlets na kinokontrol ng kumpanya (Drell, 2011). Ang tatlong ito ay

nagpapakita ng iba’t ibang uri ng advertisement para sa politika at paano ito gumana. At ang may pinaka

importanteng role naman dito ay ang earned media na dahil ang kompanya na humahawak ng iba’t

ibang pagmamay-ari ay pwede nilang ifilter ang mga biniling advertisement gamit ang kanilang social

media pages.

Ang problema naman sa politikal advertisement ay madami kang makikita ditong pekeng

opinion ngunit hindi naman lahat dun ay peke. Kaso karamihan kasi ng mga gumagawa ng mga pekeng

opinyon ay maaring nagpapasikat lamang at pinapabagsak ang kandidatong ginagawa nila. Kaya dapat
huwag muna tayong maniwala sa kanilang mga sinasabi at matututo muna mga search upang hindi

mabiktima ng isang “fake news”. Isa naman din sa problema ay marami din gumagawa ng mga pekeng

account sa social media. At dahil ito’y free iba’t ibang politikal advisers ay gumagawa nalang ng

maraming account upang protektahan ang kandidatong gusto nilang Manalo. Kaya naman ang iba’t

ibang tao ay naniniwala sa kanilang sinasabi kasi nakikita nila ay madaming taong nagsasabi nito ngunit

ito’y isang dump or fake account lamang. Ang social media ay isang pangunahing salik sa pagkapanalo ni

Rodrigo Duterte noong 2016, at ang kanyang troll armies at fake news machinations ay lumalala lamang

hanggang ngayon (Camille, et al. 2021).

References:

C. (2022, January 12). Facebook, Twitter, TikTok, YouTube still open for abuse in PH polls.

RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/elections/tech-social-media-platforms-

policies-abuse-disinformation-polls-philippines-2022/

Vonderschmitt, Kaitlin, "The Growing Use of Social Media in Political Campaigns: How to use

Facebook, Twitter and YouTube to Create an Effective Social Media Campaign"

(2012). Mahurin Honors College Capstone Experience/Thesis Projects. Paper 360.

https://digitalcommons.wku.edu/stu_hon_theses/360

You might also like