You are on page 1of 2

PAGBASA 2

PANUTO: Basahin at unawain ang mga impormasyon tungkol sa mga


pamamaraan ng paghahagilap at pagbabasa.

✓ PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA KAPUWA TAO

Ang ating mga kapuwa tao ay mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang
maaaring masabi batay sa kanilang karanasan; maari nilang linawin agad o dagdagan pa ang
kanilang mga sinasabi sa manananaliksik at may kapasidad din silang mag-imbak at magproseso
ng impormasyon. Sa panahon ngayon na palasak at kalat na ang teknolohiyang
pangkomunikasyon, maaari silang makausap ng online bukod pa sa posibilidad na silay
makasama sa isang harapang interaksyon. Importanteng ipaalam agad sa tagapagbatid na sila ay
napili para sa isang pananaliksik, hingin ang kanilang permiso na lumahok, at isangguni sa
kanila ang takdang lugar, araw at oras ng harapan o mediadong interaksyon para sa pangangalap
ng datos.

✓ INSTRUMENTO SA PAGKALAP NG DATOS MULA SA KAPUWA


TAO

Kaparehong harapan at mediado na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao,


dapat ihanda ng mananaliksik ang angkop na instrumento. Ang ilan sa mga instrumento na
karaniwang ginagamit ay ang sumusunod:

1. Talatanungan at gabay na katanungan


2. Pagsusulit o eksaminasyon
3. Talaan sa fieldwork
4. Rekorder

✓ PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA MGA AKLATAN

May mga katunayan at datos na hindi sa kapwa-tao direkta at tahasang maapuhap, kundi
mula sa mga midya at iba pang mga materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan.
Magandang linawin na midya ay kahit anong teknolohiya – pisikal o birtuwal, na ginagamit sa
pagbabahagi ng impormasyon mula sa tagapagbatid o sa prodyuser tungo sa mambabasa,
tagapakini, o manonood.

Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa


aklatan.

1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa
isang pananaliksik.
2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at patakaran na pinaiiral
sa aklatang natukoy.
3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok at makagamit
ng mga pasilidad. (http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/1444).
4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang ito ang
madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan. (Hinampas, 2016,
pp.51-54)
5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at ilan
pang mga printed na materyal kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabsa kung
maraming sangunian ang bubulatlatin.
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga sangunian bago
pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon ng aklatan. 7. Huwag
kalilimutang halughugin ang pinagkunanna online ng aklatan gaya ng subkripsiyon sa journal, e
books, e-databases, at iba pang batis ng impormasyonsa Internet.

✓ PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA MGA ONLINE NA


MATERYAL

Sa kasalukuyang panahon ng Internet at digital na teknolohiya, maaakses ang maraming


primaryang batis ng impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at desktop kundi
pati sa mas maliit na gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito
ang mga artikulos sa journal, balita sa online news site, at account ng karanasan sa blog.

Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang


online news sites na:
1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong
may iba’t ibang panig
2. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata; at 3.
hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo, o
institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.

Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may
kaugnayan sa isyung pambansa.
• Website ng pamahalaan
• Website ng ahensiya ng pamahalaan
• Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
• Website na gumagawa ng fact check

You might also like