You are on page 1of 27

PAGPROSESO NG

IMPORMASYON,
PARA SA
KOMUNIKASYON
YUNIT II
01 02
ANG PANANALIKSIK MGA
AT ANG PANIMULANG
KOMUNIKASYON SA KONSIDERASYON
ATING BUHAY

03 04
MULAAN NG PAGLUBOG SA
IMPORMASYON MGA
IMPORMASYON

05
PAGSUSURI NG
DATOS
04
PAGLUBOG SA MGA
IMPORMASYON: MGA
PAMAMARAAN NG
PAGHAHAGILAP AT
PAGBABASA
Kung nakapili na ng mayaman at
angkop na batis ng impormasyon,
kailangang paghandaan ng
mananaliksik ang pangangalap at
pagbabasa ng mga katunayan at
datos. Ang pamamaraan ng
pagkalap ng datos ay bahagi ng
disenyo ng saliksik kung kaya
inaasahang natukoy na dito ng
mananaliksik bago pa man siya
pumili ng batis ng impormasyon.
TAMBALAN NG
PANGANGALAP AT
PAGBABASA NG
IMPORMASYON
Maraming disenyo ng pagsasaliksik
kungsaan kailangan munang malikom
ang datos o impormasyon bago ang
pagbabasa at pagsusuri nito. Mayroon
ding mga disenyo na kung saan
pinagtatambal ang dalawang
magkahiwalay na gawaing ito.
PANGANGALAP NG
IMPORMASYON MULA SA
KAPWA-TAO

Ang ating kapwa-tao ay mayamang


batis ng impormasyon dahil
marami silang maaaring masabi
batay sa kanilang karanasan;
maaari nilang linawin agad at
dagdagan pa ang kanilang mga
sinasabi sa mananaliksik; at may
kapasidad din silang mag-imbak at
magproseso ng impormasyon.
Marami ng establisadong pamamaraan ng
pangangalap ng katunayan at datos mula sa
kapwa-tao. Ang pinakapalasak sa mga ito
ay natutuhan natin mula sa Kanluran, at
ang ilan ay maaaring nang isagawa nang
online ngayon.
Subalit may mga pamamaraan na ring
nadebelop mula sa larangan ng Sikolohiyang
Pilipino (SP) na madalas nang gamitin
ngayon ng mga Pilipinong iskolar, lalo na sa
mga pananaliksik sa agham panlipunan.

1. Eksperimento 2. Interbyu

3. Focus Group 4. Pakikisangkot


habang pakapa-kapa
Discussion
5. Pagtatanong- 6. Pakikipag
tanong kuwentuhan

7. Pagdalaw- 8. Pakikipanuluyan
dalaw
9. Pagbabahay- 10. Pagmamasid
bahay
1. Eksperimento

Ito ay paraan ng
pananaliksik na ginagamitan ng
laboratory upang tuklasin ang
kadalisayan at katotohanang
bunga ng mga datos na nakalap
para sa isang mahalagang
problema at paksa.
2. Interbyu

Isang interaksiyon sa
pagitan ng mananaliksik
bilang tagapag tanong at
tagapakinig, at tagapagbatid
na syang tagabahagi ng
impormasyon.
Uri ng Interbyu

01 Estrukturadong Interbyu

02 Semi-estrukturadong Interbyu

03 Di-estrukturadong Interbyu
3. Focus Group Discussion
(FGD)

Isang semi-strukturadong
talakayan na binubuo ng
tagapagpadaloy na kadalasang
mananaliksik, at anim at
hanggang sampung kalahok.
4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa

Ang pakapa-kapa ay isang


eksplorasyon hinggil sa isang paksa sa
konteksto ng pamumuhay ng mga tao sa
isang komunidad gamit ang mga
katutubong pamamaraan ng pagkuha ng
datos kagaya ng pagmamasid,
pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw,
pakikilahok at pakikisangkot (Torres,
1982)
5. Pagtatanong-tanong
Ang pagtatanong-­tanong ay mainam sa
sumusunod na pagkakataon:
 kung ang impormasyong sini­siyasat ay
makukuha sa higit sa isang tagapagbatid;
 kung hindi tuwirang mata­tanong ang mga
taong may direktang karansan sa paksang
sinisiyasat;
 kung di pa tiyak kung sino ang may
kaalaman o karanasan hinggil sa paksa; at
 kung nais maberipika ang mga
impormasyong nakuha mula sa ibang
tagapagbatid.
6. Pakikipag-kuwentuhan

Ito ay isang di-estrukturado at


impormal na usapan ng mananaliksik at
tagapagbatid hinggil sa isa o higit pang
paksa kung saan ang mananaliksik ay
walang ginagamit na tiyak na mga tanong
at hindi nya pinipilit igaya ang daloy sa
isang direksyon.
7. Pagdalaw-dalaw

Ang pagpunta-punta at pakikipag-


usap ng mananaliksik sa tagapagbatid
upang sila ay magkakilala. Ito ay
maaring kaakibat din ng ibang mga
pamamaraan ng pagkuha ng datos
kagaya ng pakikipagkuwentuhan at
pakikilahok.
8. Pakikipanuluyan

Nakikisalamuha sa mga tao at


nakikisangkot sa ilan sa kanilang mga
aktibidad. Inaasahang malalim at
komprehensibo ang impormasyong
malilikom ng mananaliksik. Ito ay isa sa
mga pinakamabisang pamamaraan
upang mapaunlad ang pakikipagkapwa
tao.
9. Pagbabahay-bahay

Ito ay isang di-estrukturado at


impormal na usapan ng
mananaliksik at tagapagbatid hinggil
sa isa o higit pang paksa kung saan
ang mananaliksik ay walang
ginagamit na tiyak na mga tanong at
hindi nya pinipilit igaya ang daloy sa
isang direksyon.
10. Pagmamasid-masid

Ito ay pag-oobserba gamit ang


mata, ilong, taynga at pandama sa tao,
lipunan at kapaligiran. Ang
pagamamasid ay kaakibat din ng iba
pang mga pamamaraan ng pagkuha ng
datos kagaya ng pakikilahok,
pakikisangkot, pagbabahay-bahay at
pakikipanuluyan.
Apat na uri ng
Pagmamasid

01 Ganap na tagamasid

02 Ganap na kalahok

Tagamasid bilang
03 kalahok

04 Kalahok bilang tagamasid


Mga Instrumentong Karaniwang
ginagamit sa Pagkalap ng Datos mula sa
Kapwa-tao

 Talatanungan at gabay na katanungan


 Pagsusulit o eksaminasyon
 Talaan sa fieldwork
 Rekorder
PANGANGALAP
NG
IMPORMASYON
GALING SA
MGA AKLATAN

May mga datos na hindi sa kapwa tao direkta


at tahasang makukuha, kundi mula sa mga
midya at iba pang materyal na maaaring
matagpuan sa mga aklatan.
Bigyang pansin ang ilang paalala sa
paghahanap ng batis ng impormasyon sa
aklatan.

 Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga


batis ng impormasyon na natukoy para sa isang
pananaliksik.
 Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din
hinggil sa protokol at patakaran na pinaiiral sa
aklatang natukoy.
 Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang
mga kahingian bago makapasok at makagamit ng
mga pasilidad.
Bigyang pansin ang ilang paalala sa
paghahanap ng batis ng impormasyon sa
aklatan.

 Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library


Congress.
 Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-
photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at ilan
pang mga printed na materyal.
 Gamitin ang online public access catalog (OPAC)
 Huwag kalimutang halughugin ang pinagkunan na
online ng aklatan.
PANGANGALAP
NG
IMPORMASYON
MULA SA
ONLINE NA
MATERYAL

Sa kasalukuyang panahon ng Internet at


digital na teknolohiya, maaakses ang
maraming primaryang batis ng impormasyon
hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at
desktop kundi pati sa mas maliit na gadyet
tulad ng cell phone at tablet. Pangunahin sa
mga batis na ito ang mga artikulo sa journal,
balita sa online news site, at account ng
karanasan sa blog.
Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa
pananliksik, bigyang prayoridad ang online
news sites na:

 walang hayag na kinikilangang tao, grupo, o


institusyon dahil naglalathala ng mga
artikulong may iba’t ibang panig.
 pumupuna sa sarili o umaamin ng
pagkakamali sa pamamagitan ng komento
 hindi naglalabas ng mga propagandang
nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo, o
institusyon habang tahasang bumabatikos sa
mga kalaban nito.
Mainam ding bisitahin ang mga sumusunod
kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
isyung pambansa.
 website ng pamahalaan
 website ng mga samahang mapanuri at may
adbokasiyang panlipunan.
 website na gumagawa ng fact check.

You might also like