You are on page 1of 1

HAKBANG SA PAGBUO NG PANANALIKSIK.

Ang pananaliksik ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating bigyang pansin. Dahil sa
pananaliksik, ating masasagot ang mga isyung panlipunan na patuloy na nagiging problema para sa mga
tao.

Bukod dito, mahalaga rin ang pananaliksik dahil ito’y tumutulong sa pagpapaunlad ng hindi
lamang teknolohiya, kundi pati na rin ang buhay ng mga tao.

Pero, ano nga ba ang mga hakbang na ating kailangan para mabuo ang isang makabuluhang
pananaliksik?

1. Pumili ng paksa na nais gamitin sa isang pananaliksik. Halimbawa, ang paksa ay


maaaring tungkol sa napapanahong isyu o kaya ay siyentipikong pag aaral
2. Ipahayag ang layunin ng pananaliksik. Sa ganitong paraan, malalaman natin kung bakit
mahalaga na pag aralan ito.
3. Maghanap ng mga sanggunian na maaaring gamitin bilang reference. Mas mabuti kung
makahahanap ng kaparehong pag aaral na isinagawa noon.
4. Maghanap o gumawa ng datos. Maaaring gumawa ng mga questionnaires o mag
eksperiment upang makahana ng datos na maaaring gamitin.
5. Pagbuo ng konseptong papel at dokumentasyon. Dito nakalagay ang mga hakbang na
isinagawa, at ang konklusyon sa isinagawang pananaliksik.

Higit pa rito, ang pananaliksik ay dapat na nakabatay sa mga katotohanan sa halip na mga
opinyon, dahil ang mga pananaw ng mga tao ay maaaring magbago pagkatapos basahin ito. Kung ang
impormasyong nakuha ay hindi masyadong tiyak, ang pananaliksik ay maaaring higit pang pinuhin sa
pamamagitan ng paggawa ng draft.

You might also like