You are on page 1of 9

ACTIVITY #1

1. Ang sulating pananaliksik ay isang sulating naglalahad ng mga bagong tuklas na bagay.
Nagbibigay ito ng impormasyon sa mga mambabasa. Kadalasan ng sistematiko ang paraan ng
pagpapaliwanag sa mga nilalaman nito at mas madaling unawain dahil mas pinababa ang mga
salita at termino.

2. May malaking kahalagahan ang pananaliksik sa tao.

Una- Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.

Nagbibigay ng bagong sigla at kasiyahan ang makatuklas ng bagong impormasyong hindi alam
bago pa gumawa ng pananaliksik.

Pangalawa-Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.

Pwedeng tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo, perspektiba at pananaw kaysa dati ng
paraan ng pagtingin ng iba rito.

Pangatlo-Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.

Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at pinagkakainteresansa komunidad, sa


mga institusyon, at sa bansa.

Pang-apat-Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay


na totoo o makakatotohang ideya.

Ang ganitong paksa ng pananaliksik ay naghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na


totoong ideya at siyang interes ngayon ng mga mananaliksik.

3. Kapag masyadong malawak ang paksa, maaari din itong mauwi sa pagkapagod at pagka-
stress ng mga mag-aaral. Isa sa karapatan ng mga mag-aaral na sinusunod sa Kagawaran ng
Edukasyon ay ang pagkakaron ng sapat na kapahingahan. Kung ito naman ay limitado kailangan
ng madami at malawak na sanggunian.

4. Dahil maaari din tayong makakalap ng impormasyon sa telibisyon, radyo, dyaryo at madami
pang iba. Hindi lamang sa internet at mga aklat. Kundi, madami tayong makakalap na
impormasyon sa iba't ibang uri na nagbibigay ng mga pawang katotohanan lamang.

5. Bilang isang mananaliksik dapat maging responsibilidad tayo sa mga bagay bagay na
nagbibigay lamang ng katotohanan. At hindi pawang mga peke. Dahil bilang mananaliksik, tayo
ay naghahanap ng impormasyon na totoo at hindi pawang gawa gawa lamang ng ibang tao.
Dapat maging responsibilidad tayo at huwag na huwag tayong mang aangkin ng gawa ng iba.

6. Ang Basic research ay ginagamit upang magsaliksik ng karunungan para mapasulong ang mga
teorya at batas sa agham kasama na ang pagkaunawa sa mga prediksyon.

Ang Action research ay tumutukoy naman sa malawak na pamamaraan ng pagsasaliksik, pag-


eevaluate o pag-iimbestiga. Layunin nitong kilalanin nag katangian ng isang problema at alamin
ang solusyon nito. Ito ay kadalasan ng ginagamit sa paaralan upang lutasin ang suliranin.

Ang Applied research ay isang pamamaraan upang aktuwal na solusyunan ang umiiral na
problema sa lipunan. Ito ay ginagamit sa medisina, edukasyon, at negosyo. Sa huli, nakakabuo
ng teknolohiya bilang solusyon.

7. Upang hindi magkaroon ng gulo sa kanyang gagawin na pananaliksik. At para maintindihan


lalo ng mambabasa ang ginawa na pananaliksik. At para mas madali lamang itong maintindihan.

8. Upang mas lalo ka pang magkaroon ng interest sa gagawin mong pananaliksik. At upang mas
marami ka ding malalaman na mga impormasyon kung ito ay hindi mo pa nagagawa. At upang
magkaroon ka ng panahon dito kung paano nga ba ito aalamin.

9. Madami itong naiidulot. Magkakaroon ka ng malawak na ideya tungkol dto dahil madami ka
na ding nakakalap na impormasyon tungkol dito. At mas lalo ka pang magkakaroon ng interest
tungkol dto dahil ito rin naman ay napapanahon. At hindi ka mahihirapan na maghanap ng
paksa mo dahil mayroon ka ng ideya at ito ay ang napapanahon.

10. Upang magkaroon ka din ng tinatawag na originality. At mas magandang kakaiba ang iyong
paksa upang ang iniisip mong ilalagay mo sa pananaliksim mo ay hindi pa nailalagay ng iba. At
mas madami kang mailalagay na tamang impormasyon.

11. Dahil hindi pwedeng pipili ka ng paksa mo na wala ka pang ideya sa bagay na iyon. At mas
magandang may konting kaalaman ka na sa pipiliin mong ideya upang mas madali mo nalang
magawa ang iyong pananaliksik. At mas dadami pa ang iyong kaalaman.

12. Magkakaroon ka ng malaking problema dito. At kung maaari at paikliin na lamang ang iyong
pananaliksik at huwag ng palawakin pa. Mamili ng mga ideya na kayang kaya mong tapusin sa
takdang panahon.

13. Mahalaga ang pagpili ng iyong paksa. At kailangan interesado ka dito upang mas madami
kang maisusulat. At upang hindi ka tatamarin na gumawa ng iyong pananaliksik. At upang
magagawa mo ito ng maayos.
14. Mahalagang bago pa man natin umpisahan ang ating gagawing pananaliksik at dapat
napagnilay nilayan na natin ito upang kung tayo man ay mag uumpisa na sa ating pananaliksik
ay hindi na tayo mahihirapan. Kundi mas madali nalang natin itong gawin.

15. Ang maaari nyang gawin ay magnilay nilay. O kung hindi naman ay mag research upang mas
mapadali niya ang pagtukoy sa kanyang paksa.

16. Makakatulong ito na mapadali ang iyong trabaho. At mas mapapadali nya ang pag iisip mo
sa kung paano mo gagawin ang iyong pananaliksik.

17. Maaari kang gumamit ng internet, aklat at kung ano pa upang malaman mo ang gagawin
mong paksa sa iyong pananaliksik. At sa paggamit mo ng internet makaka kalap ka pa ng
madaming impormasyon. Ng sa gayon ay mas magagawa mo ng madali ang iyong paksa.

18. Makakatulong sa pananaliksik ang panlilimita ng paksa dahil hindi ito masyadong malawak
at mas madali nya itong matukoy kung ito'y hindi malawak na paksa. At mas madali itong
intindihin.

19. Upang hindi tamarin ang mananaliksik. At upang mas magkaroon ng oras ito sa kanyang
pananaliksik kung may nakalaan na oras kung kailan ito ipapasa o ililimbag. At upang mas
magawa ito ng mas maaga at maayos. At upang ito ay mas mapaghandaan pa lalo.

20. Kung naisulat ko na ang mga dapat kong isulat o ilagay sa aking ginawang pananaliksik. At
kung ito ay puno na ng mga impormasyon na katotohanan. At kung ito'y inabrubahan na ng
aming guro at sinabing tama ang aming ginawa.

ACTIVITY #2
1. Mahalagang mangalap ng impormasyon ang isang magsasagawa ng tesis sapagkat ang tesis
ay isang pormal na papel na nagpapakita nang mga bagong nadiskubrehan sa iba't ibang
aspeto. Ang tesis ay ginagawa upang mapalawig ang kaalaman ng mundo at mas lalo pang
maintindihan ang iba't ibang katanungan sa mundo. Kinakailangan ang pangangalap ng
paunang impormasyon sapagkat ang lahat nang dapat ilagay sa tesis ay totoo, napapanahon, at
may basehan. Ang impormasyon na makakalap ay susuporta sa kung ano mang problema ang
nais tugunan o tanong na nais sagutin nang iyong tesis. Dito rin ay makikita ng nananaliksik
kung ang kanyang tesis na gagawin ay meron nang katulad, ginagawa ito para maiwasan ang
plagirismo o pagkakatulad ng gawa. Sa pamamagitan din nito, makakaron ng paunang
pagkakaintindi ang nananaliksik para magkaroon siya nang mas konkretong pagintindi sa tesis
na kanyang planong paglaanan nang mga susunod pang pananaliksik.
2. Kailangang siguraduhin ng isang mananaliksik na mapagkakatiwalaan ang pinagkukunan nya
ng impormasyon upang hindi ito maging fake news o maling impormasyon. Sa panahon ng
Facebook at iba pang social media sites, napakaraming balita na lumalabas sa iyong feed at
minsan ikaw ay naniniwala kahit na ito ay walang basehan o hindi totoo. Nagiging biktima tayo
ng mga maling impormasyon o fake news na ipinagkakalat ng mga taong gustong manira o
siraan ang isang tao o isang organisasyon.

Mahalagang makahanap ng mga kapani-paniwala na mapagkukunan ng impormasyon habang


nagsasaliksik para sa mga artikulo at iba pang materyal na scholar.

3. Ang bagay na dapat isa isip kapag kumukuha ng impormasyon sa internet ay kung ito ay
mapagkakatiwalaan at dapat hindi kung basta basta kumukuha ng mga impormasyon dahil
karamihan sa internet ay hindi makatotohanan at upang maiwasan natin ang sinasabing
plagiarism ay isulat mo kung saan at kanino mo ito kinuha. Magbigay tayo ng reference upang
di tayo matawag na nagplagiarism.

4. Upang magamit natin ito para sa pag basehan natin sa ating tatalakayin na tesis. At dahil ang
mga aklat ay magandang pagkuhanan ng mga impormasyon kaysa sa mga social media dahil
minsan ang social media ay nagbibigay ng mga maling impormasyon o ito ay tinatawag na fake
news kaya maganda rin kumuha tayo ng impormasyon sa aklat para makuha natin lahat ang
ating nais na makuhang impormasyon.

5. Kailangan din tignan ng mga mananaliksik ang petsa o taon kung kailan ito nailimbag upang
ang ating ginawang pananaliksik ay napapanahon(updated) dahil kung ito ay matagal ng
nailimbag ang ating tesis ay maaaring hindi na pansinin ng marami. At kung ito'y hindi pinansin
ng marami mawawalang bahala ang ating pinagpaguran na paggawa ng tesis.

6. Mahalaga din na kumuha tayo ng mga impormasyon sa library dahil ang mga aklat na
nandoon ay pinag aralan ng mabuti at makatotohanan.

7. Mahalagang organisado ang mga impormasyon sa iyong napiling paksang tatalakayin upang
maiwasan ang pagkalito. Kaya naman ugaliin nating naka organisa ang mga impormasyon o
datos at nararapat na mas maiging gawing maayos ang pagkakasunod ng mga impormasyon
upang maging maganda at maayos ang daloy ng impormasyong iyong inilalahad.

8. Sa aking palagay ay oo maraming impormasyon ang hindi makatotohanan,hindi beripikado at


hindi mabisa. Halimbawa na lamang ang balitang nagkalat ngayon sa social media noon na
sinasabi na meroon na daw kaso ng COVID 19 dito sa isabela ngunit wala naman itong
katotohanan. Kung kaya minsan ang mga tao ay natatakot na. Lahat ng nasa social media o
internet ay hindi lahat ay makatotohanan kaya dapat tayong magingat sa mga impormasyon na
ating pinagkukuhanan.

9. Una ay ang Datos ng Kalidad o Qualitative Data, ang mga ganitong datos ay maaaring kulay,
tekstura, lasa, damdamin, pangyayari at sasagot sa mga tanong na paano at bakit. Pangalawa ay
ang Datos na Kailanan o Quantitative Data,tumutukoy naman ang mga ito sa dami o bilang ng
mga bagay o sagot ng mga sinarbey o initerbyung mga respondent,datos na tumutukoy sa mga
katangiang nabibilang o nasusukat.Maaring gamitin ito upang mapagtibay ang punto ng isang
mananaliksik.

10. Ang datos ng kalidad ay kadalasang ang mga tanong ay bakit, ano at iba pa. Ang datos ng
kailanan naman ay tumutukoy sa bilang ng mga bagay o sagot ng mga respondete.

11. Nagiging angkop ang qualitative data kung mangangalap o nangangalap ka palamang ng
mga imporyanyon upang mabigyang linaw ang mga katanungang kung saan, sino ano, at
ganitong datos ay maaaring kulay, tekstura, lasa, damdamin at pangyayari. Nagiging epektibo
ang quantitative lalo na sa survey, kung tutukuyin mo ang dami ng papulasyon o mga bilang ng
mga bagay bagay. Tulad ng datos na numerikal na tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o
nasusukat taas, bigat, edad, grado.

12. May pagkakataong kailangang gumamit ng dalawang datos upang higit na mas mapagtibay
ang punto upang ang mga resulta ay higit na maaasahan. Sa lahat ng pagkakataon dapat maging
beripikado at totoo ang mga impormasyon na dapat nakalagay sa iyong sulating pananaliksik.
Huwag ka basta magpapaniwala sa mga impormasyong nakalap mo lamang sa internet dahil
malaki ang posibilidad na hindi ito napatunayan at hindi totoo.

13. Sa aking palagay ang maaari kong gamiting datos para sa napili kong paksa ay ang datos ng
kalidad o qualitative data at ang datos ng kailanan o quantitative data. Dahil para sa akin mas
makakatulong ito upang mas matapos ko ng mas maayos ang aking pananaliksik. Makakatulong
ito upang mas higit na mapagtibay ang mga resulta ay higit na kredibilidad at maaasahan ng
mga mambabasa.

14. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya sa isang pananaliksik.
Ito ay tumutukoy sa pananaw ng isang mananaliksik kung saan siya papanig. Kailangang bumuo
ng isang mananaliksik ng pahayag ng tesis dahil ito ang nagbibigay direksyon sa gagawing
pananaliksik, makakatulong din ito upang malaman kung tungkol saan nga ba ang ginawang
pananaliksik. Kailangan ding gumawa nito upang mapatunayan ang mga datos at impormasyon
na kanyang nakalap.
15. Mabibigyan ng direksyon ng isang matibay na pahayag ng tesis ang pananaw ng isang
mananaliksik sa isang paksang kanyang pinili na handa at kaya niyang patunayan at panindigan.
Nagbibigay ito ng direksyon sa isang mananaliksik sa pamamagitan ng pangangalap ng mga
impormasyon na gagawing ebidensiya na magpapatunay sa gagawing pananaliksik. Sa
pamamagitan ng pahayag ng tesis malalaman kung ano nga ba ang nilalaman at ano ang
tatalakayin ng isang mananaliksik sa kanyang pananaliksik.

16. Makakatulong ang pahayag ng tesis sa mga mambabasa dahil sa pamamagitan ng tesis na
ito malalaman nila kung ano ang nilalaman ng pananaliksik at kung tungkol saan nga ba ito.
Makakatulong din ito upang malaman ng mga mambabasa ang pananaw ng mananaliksik sa
kanyang ginawang pananaliksik kung ano ang kanyang opinyon at kanyang papanigang
posisyon. Malalaman din nila kung ano ang pangunahin o sentral ideya ng sulating pananaliksik.

17. Maaaring masubok kung matibay o mahusay ang nabuong pahayag ng tesis kung nasuri ng
mabuti ang mga nakalap na mga impormasyon na may kaugnayan sa iyong paksang napili.
Masusuri at masusubok din ito kung tumutugma ba ito sa sakop ng iyong paksa o pag aaral na
ginawa at kung nakapokus ba ito sa isang ideya lamang. At higit sa lahat, kung maaari bang
patunayan o panindigan ito sa pananaliksik na iyong gagawin.

18. Iba't ibang paraan ng paglalahad ng pahayag na tesis:

1.Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinion o posisyon.

2.Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at manghinuha kung paano ito
malulutas.

3.Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.

4.Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.

5.Magpanukala kung paano ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/ hindi nangyari
ang mga bagay-bagay sa nakalipas.

6.Pagkumparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ito ng marka.

7.Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensyahan ang isang paksa kaya ito
nagging ganito o ganoon( Hal. Musika, sining, politika)

*Ang pinakakomportable sa akin na paraan ay ang ikatlo-ito ay mag-isip ng maaring solusyon sa


isang suliranan.Ito ang pinili ko dahil maaring ang iyong naisip na solusyon ay dinggin ng
nakararami at kanilang i-aapply sa kanilang mga buhay.
19. Mga hakbang sa pagbuo ng pahayag na tesis;Una-mangalap ng impormasyon tungkol sa
iyong paksa.Pangalawa-Pumili ng mapagkakayiwalaang malagkukunan ng
impormasyon.Pangatlo-Suriing mabuti ang mga nakalap at tignan ang kaugnayan ng bawat isa
sa iyong paksa,at tignan kung ang impormasyon na iyong nakalap ay sapat na ba.

20. Una sa pagpili ng paksa nila sa kanilang sulatin dapat interesado sila, para mas maging
maganda ang kalalabasan ng kanilang pananaliksik. Ikalawa ay dapat napapanahon upang hindi
sila mahirapan mangalap ng impormasyon at upang makakuha din sila ng impormasyon ng mga
taong nakapalibot sakanila, at ang ikahuli dapat ay may disiplina lalong lalo na sa oras upang
maipasa sa takdang araw na ibinigay na pagpapasa.

ACTIVITY #3
Paksa: Reasons Why Students Play Computer Games and It’s Impact to their
Academic Performance

Rasyunal

Napili ang paksang ito dahil isa ito sa mga kapansin pansing isyu sa ating lipunan na nais mabigyan ng
pansin.
Tila malaki na ang pinagbago ng mga kabataan ngayon dahil sa kasalukuyang panahon maraming
kabataan na ang nahumaling sa paglalaro ng kompyuter kaysa sa mga pisikal na laro at pagpapaunlad ng
sarili sa pag-aaral.

Layunin

Mailahad ang dahilan ng pagalalaro ng kompyuter games ng mga kabataang mag-aaral at matukoy ang
impluwensya ng nito sa indibidwal na mag-aaral.

Metodolohiya

Ang pamamaraan na ginait sa pagsusuri sa pananaliksik na ito ay Literature search na kung saan ang
mananaliksik ay naghanap ng impormasyon o datos sa internet.

Inaasahang output o resulta

Ang kompyuter games ay isang uri ng libangan na, teknolohiya at laro na ginagamitan lamang ng
kompyuter.
Ito ay madalas na nagbibigay ng aliw sa atin, lalo na sa mga kabataan ngayon. Ito ay halos palaging
gumagamit ng internet onkatumbas ng teknolohiya. Ang computer games ay maaaring sumaklaw mula
sa simpleng teksto ng laro hanggang sa may kumplikadong grapiko at virtual na mundo na may
maraming manlalaro. Nabatid ng mananaliksik ang pagdami ng mga kabataan na nahuhumaling sa mga
kompyuter games na nalalaro sa iba't ibang social networking sites.

Sa panahon ngayon, madaming kabataan ang sadyang naadik ng kompyuter games. Sa paglalaro ng
kompyuter games, naaapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya ay nagkaroon ng mga pantasya
ukol doon sa nilalaro niya. Ang bawat tao ay natututo, nahuhumaling, at kapag nagtagal ay kanilang
kinaadikan na ang mga larong kompyuter. Sa pamamagitan lamang ng pag-oobserba ay natuto ng
maglaro ng computer games kahit hindi pa ito nasusubukan. Nagiging curios ang isang kabataan sa
paglalaro na unti-unti nila itong pinag-aaralan hanggang sa malaman nila ang sagot at ito na pala ay unti-
unti na rin nilang kinagigiliwan. Ang ilan naman ay ninais nilang maglaro dahil naglalaro ang kanilang
mga kaibigan o iniisip nilang ito'y nakaka-astig o malakas ang dating. Ayon naman sa teorya ng Symbolic
Interactionism Theory, ang tao daw ay hindi nakabatay sa gusto nila o nais sa isang sitwasyon o bagay.
Ito ay sa kung paano nila bigyan ng kahulugan ang isang sitwasyon. Kaugnay nito sa pananaliksik ay ang
mga kabataan ay nakabatay sa kanilang kapaligiran, dahil sa mga taong nakaimpluwensya sa kanilang
kaisipan ang pagbibigay ng kahulugan ng mga kabataan sa mga laro sa kompyuter ay nagiging masama.
Dahil sa mga kabataang hindi na pumapasok sa paaralan at puro paglalaro na lamang ng kompyuter ang
alam ay naimpluwensyahan nito ang kagustuhan ng ibang nais mag-aral na maglaro na lamang din kaysa
sa pag-aaral.
Karagdagan ay dahil sa kailangan nila ang kompyuter lalo na sa atin na mag-aaral ay natutunan nilang
laruin ang mga laro sa kompyuter. Na ang gawain nila ay habang nagsusuri ng gawaing pang-eskwela ay
isinasabay na rin ang paglalaro sa kompyuter at minsan nga naisasantabi na nila ang ginagawang pang-
eskwela.
Nagreresulta ito ng masamang epekto hindi lamang sa kalusugan kundi pati na rin sa kanilang pag-iisip
na aspeto. Nagiging marahas ito dahil ito'y minsan ay may temang sex at pagpaslang gamit ang
nakakamatay na sandata. Ayun nga sa mga nababalitaan natin, nag-aaway ang mga mag-aaral dahil
lamang sa larong kompyuter. Maging din, dahil sa pagkahumaling sa paglalaro nito ay hindi nila
namamalayan na nauubos ang oras nila dito at napapabayaan na ang gawain bilang isang mag-aaral.
Dahil din sa pagbababad sa isang computer shop ay naa-angkop nila ang mga masasamang salita o
tinatawag nila itong 'trash talk" at ito na ay nagiging normal na lamang na salita na naririnig mo na sa
eskwelahan. Nagagawa na rin nilang lumiban sa klase dahil dito o di kaya naman ay nakakawala Ng
konsentrasyon kapag sila na ay nasa klase. Madalas dito din nauubos ang pera nila na imbes pambili ng
baon at nagagawa na rin nilang mangupit sa kanilang magulang kung wala na silang perang pambayad.

Ang computer games ay may negatibong epekto lalo na kung hindi mo na alam ang iyong limitasyon
bilang isang mag-aaral. Hindi naman ito masama kung hindi labis sa paglalaro sapgkat lahit ng sobra ay
may dulot na masamang epekto.
Bibliyograpiya

https://brainly.ph/question/505966

https://www.academia.edu/25008640/Ang_Naidudulot_ng_Paglalaro_ng_Online_Games_sa_mga_Mag
-aaral_ng_Unibersidad

https://www.academia.edu/35713026/EPEKTO_NG_PAGLALARO_NG_ONLINE_GAMES_SA_MGA_MAG-
AARAL_NG_BS_IMPORMASYON_SA_TEKNOLOHIYA_SA_KOLEHIYO_NG_MONTALBAN_ISANG_PAGSUSU
RI

https://www.scribd.com/doc/242478288/Ang-Pagkahumaling-Ng-Mga-Kabataan-Sa-Larong-Kompyuter-
Geyms

https://www.slideshare.net/mobile/MarcCastillo12/christian-thesis-2

You might also like