You are on page 1of 1

Lecture No.

Sari-saring impormasyon ang natatanggap natin araw-araw mula sa iba’t ibang midyum. Maaaring galing ito sa
ating mga kaanak o kaibigan, sa mga libro o pahayagan, sa radyo o telebisyon, o maging sa mga social media platform.
Matitimbang ang pagkamakatotohanan ng mga pahayag, kaisipan, o argumento sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga ito.
Upang matiyak na makatotohanan ang isang pahayag, maaaring gawing batayan ang sariling karanasan o obserbasyon,
o hindi kaya ay mga ebidensya at datos na susuporta rito.

Bukod sa sariling karanasan at mga pampublikong kaalaman, may iba pang batayang sanggunian na maaaring
gawing basehan ng pagkamakatotohanan ng isang pahayag.

1. Libro, magasin, at ensayklopedya – Naglalaman ito ng mga impormasyon at kaalaman na isinulat ng mga taong
dalubhasa sa kanilang larangan o paksang isinusulat. Kadalasan, ang mga impormasyong nilalaman ng mga libro at
magasin ay mula sa iba’t iba pang mapagkakatiwalaang batayang sanggunian.

2. Pahayagan – Nakatala rito ang pinakabagong mga pangyayari at kaganapan sa isang partikular na lugar. Tinatalakay
rin nito ang mga napapanahong isyung panlipunan at pampayanan.

3. Radyo at telebisyon – May mga programa sa radyo at telebisyon na tumatalakay sa kasaysaya, kultura, tradisyon, at
iba pang kaalaman na maaaring pagkunan ng impormasyon ng mga manonood.

4. Internet – Sa panahon ngayon ng teknolohiya, ang internet ay isang malaking imbakan na maaaring pagkunan ng
impormasyon sa anumang paksa saanmang lugar. Naglalaman ito ng mga sari-saring mga artikulo at website, online
encyclopedia, at mga video na makapagbibigaykaalaman sa maraming bagay. Ngunit tandaan, dahil sa dami ng mga taong
nakapaglalagay ng impormasyon dito, hindi lahat ng nakikita at nababasang impormasyon sa internet ay dapat paniwalaan.

Tandaan!
Sa pagsusuri ng pagkamakatotohanan ng mga pahayag gamit ang mga batayang sanggunian na ito,
mahalagang hanapin ang mga susing salita tulad ng batay sa, ayon sa, at alinsunod sa. Nagiging hudyat ang mga
susing salita na ito na ang impormasyon sa pahayag ay nagmula sa isang batayang sanggunian at maaaring timbangin
bilang isang katotohanan.Ang araw ay sumisikat sa Silangan at lumulubog naman sa Kanluran.

May mga pamantayan upang mabisang matiyak kung makatotohanan at mapagkakatiwalaan ang isang pahayag
na nakuha mula sa isang batayang sanggunian.

1. Awtoridad – Tumutukoy ito sa karanasan, pinag-aralan, at kadalubhasaan na taglay ng isang may-akda o institusyon
na nagbibigay rito ng awtoridad na magsulat o tumalakay tungkol sa nasabing paksa o larangan. Kung ang libro ay
pumapaksa sa kasaysayan, sinasabing may awtoridad ito kung ang may-akda ay isang historyador na nagtapos ng mga
kursong may kinalaman sa kasaysayan.

2. Pananaw – Sa pagtalakay ng isang paksa o isyu, mahalagang suriin kung dapat bang paniwalaan ito batay sa pananaw
na inilahad ng may-akda. Katanggap-tanggap na ang isang may-akda ay may sariling pananaw o panig patungkol sa isang
isyu. Ngunit sa pagsusuri ng pagkamakatotohanan ng mga pananaw na ito, maaaring timbangin ito sa pamamagitan ng
pagbabasa ng ibang batayang sanggunian na nagpapahayag ng ibang pananaw o perspektiba.

3. Panahon – May mga impormasyon o datos sa ilang larangan na nababago sa paglipas ng panahon, lalo na sa agham.
Halimbawa, sa usapin ng mga gamot panlunas sa COVID-19, mahalaga na malaman ang pinakabagong impormasyon
dahil palagian itong napapalitan sa bawat pagtuklas. Ngunit sa mga larangan ng kasaysayan at panitikan, maaari pa ring
ituring na totoo ang mga impormasyong matagal nang natuklasan.

4. Kalidad – Ito ay tumutukoy sa kalidad ng pagsusulat na ginawa ng may-akda. Kung gumamit ang may-akda ng mga
mapagkakatiwalaang sanggunian at dumaan ang materyal sa pagsusuri ng mga katulad niyang dalubhasa, masasabing
may kalidad ang batayang sanggunian.

Tandaan!
May mga pahayag na maaaring hindi nagsasabi ng katotohanan dahil nakabatay lamang ito sa sariling pananaw
ng isang tao. Ito ang mga pahayag na hindi ibinase sa mga batayang sanggunian. Tinatawag na OPINYON ang pahayag
na nakabase sa mga paniniwala at prinsipyo ng isang tao. Naglalaman ito ng kanyang mga saloobin at damdamin sa
isang paksa at maaaring tutulan o sang-ayunan ninuman.Ang araw ay sumisikat sa Silangan at lumulubog naman sa
Kanluran.
Maaari ring gumamit ng mga susing salita na magsisilbing hudyat sa pagpapahayag ng opinyon. Kabilang dito
ang sa aking palagay, sa tingin ko, sa pakiwari ko, sa nakikita ko, kung ako ang tatanungin, at para sa akin.

You might also like