You are on page 1of 1

Mary Heart P.

Santos
BEED 1-D
“Ang galit ng Alon sa tinig ni Athena”

Noong unang panahon, sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang


uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga
tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang
hampas ng alon nito. Si Athena ay isang anak ng isang mangingisda na
namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon,
simulanoon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa
at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik ang
paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng
matandang nakikinig sakanya. Sinabi ng matanda, na may
kapangyarihan ang ginintuang tinig ni Athena. Nagalit Ang Haring
Alon sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa
tinig ni Athena. Sa Katahimikan ng gabi ay nag wasik ng napakalaking
hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos kalahating
bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang
Haring Alon muli ay naghampas siyang napakalaking alon,
nagmadaling tinawag ng isang matanda si Athena sinabi nitong
kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang
makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon. Nakipag
sagupaan ang tinig ni Athena sa hampas ng malalaking alon hindi niya
ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan,
nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon
ay hindi na muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at
namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sakanilang puso.

You might also like