You are on page 1of 9

Gamit ng Wika sa Lipunan

Wika ang kasangkapan


ng tao sa pakikipagtalatasan
sa kaniyang kapuwa.Sa
pamamagitan nito’y
naipahahayag niya ang
kaniyang kaisipan at
damdamin.
 Wika parin ang nagbubuklod sa
mga tao upang magkaisa sa
pagkilos tungo sa kanilang
ikalalaya at ikauunlad.Wika parin
ang gamit sa pagdukal ng
karunungan.
 Wika ang kasangkapan ng tao sa
pananagisag.Ito ang pangunahing
instrumento ng tao upang maipahayag
ang kaniyang sarili.Sa wika pinahahayag
ng tao ang kaniyang tuwa,lungkot,galit
takot,pag ibig ang halos lahat-lahat sa
kaniyang buhay.Wika rin ang panukatan
ng lawak o tayog ng tinamong
karunungan ng indibidwal.
Kahulugan o kontestong panlipunan
Ang wika ay hindi lamang sistema ng komunikasyon,
isa rin itong kumbensyong panlipunan na
pinagsasaluhan ng pamayanan .Kailangang isaalang
alang ang katotohanang ito lalo’t maituturing na
kaparusan ang mahusgahan sa maling paraan o
konteksto.
 Sa ‘teoryang semiotics’ mula sa kinikilalalang ama ng
lingguwistiko sa mundo na si Ferdinand De Sassurre,
binigyang diin na kahulugan ay hindi eksklusibong
nakatali sa mismong pahayag-pasalita man o pasulat.
Manapa’y mahahanap ito sa katotohanang umiiral sa
paligid habang isinasaad ang pahayag tulad ng uri ng
lugar na pinangyayarihan ng
komunikasyon,oras,relasyon sa isa’t isa na kasangkot sa
diskurso,at iba pang mahahalagang salik.
Ang SIGN ay ang mga idea,kaisipan o
konsepto sa utak ng tao na maituturing na
abstrakto at kailang mabigyan ng
aktuwalisasyon.
Ang SIGNIFIED ay ang katawagan o
kahulugan
(assigned meaning) na ikinakapit sa bawat
konsepto matapos itong maging kongreto o
maaktuwalisa.
Ang SIGNIFIER naman ay ang paraan ng
pagpapakahulugan sa bawat konsepto,kaisipan
o mensahe.
 Bawat tao ay may magkakaibang ‘persepsyon’
o paraan ng pagtingin sa mundo na maaaring
nakabatay sa nakamulatang kaugalian o
pagpapahalaga sa lipunan. Magkakaiba din ang
karanasan batay sa kalagayan sa buhay o
kapaligirang kinalakhan.Bawat lipunan o
komunidad ay mayroong itinatanging
pagpapahalaga o kumbensyong nagbibigkis dito
bilang isang komunidad kaya hindi kailanman
magiging magkatulad ang paraan ng pag iisip at
pananalita ng bawat tao
Ferdinand De Sassure
 Isang swiss linggwistiko na
Nagasabing mas kailangan
daw pagtuunan ng pansin
Ang anyo at paraan ng wikang
ginagamit ng isang nagsasalita
sa halip na pagtuunan ang
kahulugan nito.

You might also like