You are on page 1of 5

Ayon kay Mer Layson  (2017)

Korean language, ituturo sa HS students - DepEd

MANILA, Philippines -  Masayang inianunsyo ng Department of Education (DepEd) na

magkakaroon na ng pagkakataon ang ilang high school students sa bansa na matuto ng wikang

“Hangul” o Korean language.Kasunod ito nang paglagda ng DepEd at ng Korean Embassy ng

memorandum of agreement para sa Special Program in Foreign Language.Ayon kay Education

Secretary Tonisito Umali, sa ilalim ng naturang programa, tuturuan ang mga high school

students mula sa 10 public schools sa National Capital Region (NCR) na bumasa, sumulat at

magsalita ng Hangul mula Grades 7 hanggang 12.Layunin nitong higit na ma-appreciate ng

mga mag-aaral ang kultura ng South Korea, sakali mang naisin nilang maghanap ng trabaho

doon.“It will be an elective subject just like any other foreign language.,” pahayag ni

Umali.Inaasahan namang malaki ang maitutulong ng naturang programa dahil sa inaasahang

pagdami ng mga job opportunities para sa mga Pinoy sa South Korea.Nabatid na taun-taon ay

may ibinibigay na labor quota sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang South

Korea ngunit maaari lamang maipadala roon ang isang manggagawa kung makakapasa ito sa

tinatawag na test of proficiency ng naturang bansa.

 NEW MEDIA(2017)

Kumpiyansa si Department of Education (DepEd) Undersecretary for Planning and Operations

Jesus Mateo na mahahasa ang pagiging multi-lingual ng mga mag-aaral sa pagkakadagdag ng

Korean language sa curriculum ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.Inihayag ni Mateo

na bahagi lamang ang Korean subject sa Special Program in Foreign Language (SPFL) na

ipinagkakaloob ng kagawaran na siyang maghahanda sa mga magsisipagtapos na estudyante

na magtatrabaho sa ibang mga bansa.“Yung Korean offering is part of the Special Program in
Foreign Language kasi dati mayroon na tayong Spanish program, French, German, Japanese,

and Chinese, gusto natin ang mga bata will take not only English but other languages as well.

Ang purpose nito yung mga estudyante natin ay mayroong option to speak different languages

other than English or Filipino,” pahayag ni Mateo.Idinagdag ni Mateo na maraming Filipino ang

nagtutungo sa South Korea kada taon at malaking tulong kung matutunan ng mga kabataan

ang wika ng mga Koreano na magagamit nila sa hinaharap.Kaugnay nito, inihayag ng

Department of Tourism na nananatili ang South Korea bilang top tourist market ng Pilipinas

kung saan 24.72-porsiyento sa kabuuang 5.9-milyong turistang bumisita sa bansa noong 2016

ay Korean nationals.Sa kasalukuyan ay bahagi na ng curriculum ng mga piling paaralan sa

National Capital Region ang Korean language bilang elective subject habang pinag-aaralan pa

DepEd ang pagbibigay ng pagsasanay sa karagdagang mga guro na siyang magtuturo ng

nasabing lengwahe.Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na mas

mahalagang pag-aralan at pakinggan ang wika ng Espiritu Santo na siyang gumagabay sa

simbahan at nagbibigay ng pag-asa sa sangkatauhan.

Ayon sa RMN News Nationwide: The Sound Of The Nation(2018)

DAGDAG KAALAMAN | Wikang Koreano, sisimulan nang ituro sa 2019.

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng

wikang Koreano sa mga paaaralan sa susunod na taon.Partikular na tuturuan ang mga high

school student ng pagbabasa at pagsusulat ng Korean na nasa ilaim ng special program in

foreign language.Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahalagang mabigyan ng

sapat na kaalaman ang mga bata hinggil sa Korean language dahil isa ang Pilipinas sa

bansang may magandang kaugnayan sa Korea.Tiniyak naman ng DepEd na hindi

mapapabayaan ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan dahil gaanon pa din ang dami ng oras sa

pagtuturo nito.Ang hakbang ng DepEd ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na alisin ang
temporary restraining order sa Commission on Higher Education memorandum na nagtatanggal

sa Filipino at Panitikan bilang core college courses

Ayon sa Pilipino Star Ngayon (2018 )

Estudyanteng mag-aaral ng Korean Language pipiliin lamang - DepEd

MANILA, Philippines- Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na

pili lamang ang estudyante sa pampublikong paaralan sa bansa ang papayagan nilang

mag-aral ng Korean language.Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, simula

ngayong semestreng ito ang pagtuturo ng naturang dayuhang lengguwahe sa 10 public

schools sa Metro Manila.Sinabi ni Sevilla, tanging ang mga Grade 7 hanggang Grade

12 students lamang na may ‘mastery’ sa English at Filipino languages, ang papayagan

nilang mag-aral ng Korean language.Kabilang sa  10 public schools na papayagang

magturo ng Korean language ang Jose Abad Santos High School, Pasay City National

Science High School, Kalayaan National High School, San Bartolome High School,

North Fairview High School, Maligaya High School, Judge Feliciano Belmonte Sr. High

School, Lagro High School, Las Piñas National High School, at Makati High

School.Paliwanag pa ni Sevilla, magiging elective subject din lamang naman ang

Korean language tulad din ng iba pang foreign language na nagsimulang ituro noong

2009 tulad ng Spanish, French, Nihonggo, German at Mandarin.


Ayon sa DepEd (2018) 

Tanging Grade 7 hanggang Grade 12 students lamang na may mastery sa mga wikang Ingles

at Filipino ang papayagang makapag-aral ng Korean language.Paglilinaw ni DepEd

Undersecretary Annalyn Sevilla.Hindi sila kukuha ng mga estudyante na mayroon lamang

interes o kagustuhan na mag-aral ng wikang Korean.Sinabi ni Sevilla na kabilang sa mga pag-

iigihin sa skills ng mga mag-aaral ay ang kanilang pakikinig, pagbabasa, pagsusulat at

pagsasalita ng Korean language.Ito aniya ang mga kailangan ng isang bata upang magkaroon

ng pangalawang foreign language competency.Dagdag nito, ituturo ang wikang Korean ng mga

gurong nagsanay sa ilalim ng Korean Cultural Center.Una na ring sinabi ng DepEd na sampung

pampublikong eskwelahan sa Metro Manila ang papayagang magturo ng Korean language

ngayong semester.At ito ay isa lamang elective subject gaya ng ibang foreign language.

Ayon sa Abs-cbn News PATROL.PH(June 23,2017)

Wikang Korean,ituturo na rin sa ilang pampublikong paaralan

Ituturo na rin sa ilang high school students sa mga pampublikong paaralan ang wikang

Korean matapos lagdaan ng Department of education (DepEd) at Korean embassy sa

Manila ang isang memorandum of understanding. Ang nagsabing programa ay kabilang

sa elective offering sa 10 piling mataas na paaralan sa National Capital Region."The

DepEd will introduce Korean language as a second foreign language and elective

through pilot program which will be conducted starting this year in selected 10 high

school in Metro Manila,"pahayag ng DepEd.Ayon kay Korean Ambassador to the

Philippines Kim Jae Shin,ang pag-aaral ng wikang Korean ay maaaring magbukas ng

oportunidad ng makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa. Maaari ring makatulong ito

sa ilang estudyanteng Pinoy na nais makatanggap ng education grants sa


Korea."Language is very important so teaching and studying [foreign languages] in

schools is very helpful to deepen the bilateral understanding between two nations,"ayon

kay Kim.Upang mapaghandaan ang programa,makikipagtulungan ang DepEd sa

Korean Cultural Center sa pagsasanay ng mga guro .Bukod sa Korean, itinuturo rin ang

Spanish,Nihongo, French,German at Mandarin, sa ilalim ng Special Program in Foreign

Language ng DepED.

You might also like