You are on page 1of 2

Arag, Christine P.

BSIT 1-1

Ang Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Direksyon ay sinulat ni Virgilio G. Enriquez. Si


Virgilio G. Enriquez ang itinuturing ama ng sikolohiyang Pilipino, siya ay nakapag-aral ng
post graduate studies sa ibang bansa at noong taong 1970 ay bumalik siya sa Pilipinas. Sa
artikulong ito tinalakay ang pagkakaiba ng Sikolohiya sa Pilipinas at Sikolohiyang Pilipino,
mula sa kanyang binigay na halimbawang analohiya ay nabanggit ang "tao sa bahay na dalaw
lamang". Ang sumunod naman na kanyang inilahad ang pagtingala sa sikolohiya ng mga
banyaga at ang mababang pagtingin sa mga sikolohista sa ating bansa. Nabanggit rin ni
Virgilio Enriquez ang tungkol sa sikolohiya ng Pilipino, kung saan ang pag-aaral ng mga
katangian umiikot ang sikolohiya ng mga Pilipino.

Dahil nga ang sikolohiyang Pilipino ay nangangahulugang bunga ng karanasan, kaisipan,


at oryentasyon ng mga Pilipino batay sa paggamit kultura at wikang Pilipino, ang ibig sabihin
nito ay iba ang sikolohiya sa Pilipinas at ang sikolohiyang Pilipino kung susuriin mabuti at
uunawain. Gaya ng ibinigay niyang analohiya sa "taong bahay" at tao sa bahay, dahil ang
pinaka kahulugan ng sikolohiyang Pilipino ay nararapat na magkaroon ng karanasan at
kaisipan sa paggamit ng kultura at wikang Pilipino, ito ay naiiba sa sikolohiya sa Pilipinas na
ang ibig sabihin ay maaring sikolohiya ng ibang dayuhan na ang paksain ay tayong mga
Pilipino ngunit ang laman ng pag aaral ay hindi naangkop sa ating kultura ang interpretasyon.

Makikita mula sa isinulat ni Enriquez na ang sikolohiya sa Pilipinas ay maaring sikolohiya


natin o sikolohiya ng mga dayuhan na nasa Pilipinas mapaPilipino man o banyaga ang pag-
aaral. Para sa akin, mahalagang mayroon tayong sikolohiyang Pilipino dahil tayo ay nararapat
lang na magkaroon ng sarili nating sikolohiya na makakatulong sa pagusbong o
pagpapayaman ng ating sariling kultura na ipinapairal ng bawat Pilipinong indibidwal sa ating
bansa. Mahalaga ang sikolohiyang Pilipino dahil kung mayroon ang ibang dayuhan na
sikolohiya, tayo ay mayroon rin dapat na sariling sikolohiyang Pilipino.

Nabanggit sa artikulong ito na mababa ang pagtingin ng mga sikolohista sa ating bansa,
nabanggit rin mula sa artikulong ito na wala raw tayong naambag sa sikolohiya, dayuhan ang
nagsabi nito. Hindi ko mawari bakit nila ito nakakayang sabihin, matapos nila tayong
sakupin, haluan ng kanilang kultura at ibahin ang pag uunawang tumatakbo sa ating sariling
kaisipan upang magawa nila ang kanilang hindi magandang balak sa atin ay nagagawa pa rin
nilang magsalita ng ganito tungkol sa atin. Higit pang mas nakabibigat ng damdamin ang
tungkol sa isang Pilipino na hinahabol nya ang kanyang dapat raw na natutunan kaya siya ay
nag aral sa amerika upang mapunan ang kanyang kakulangan sa pag aaral. Ipinapakita rito na
hindi napapahalagahan ang ating pansariling sikolohiya dahil kung ito ay pinapahalagahan
marahil ay hindi na niya kinakailangan na dumayo pa sa ibang bansa para mapunan ang
kanyang kinakailanganng matutunan.
Tungkol naman sa pagka unibersalismo ng sikolohiya, mapapansin na ito ay mula sa
mauunlad na bansa at kung ang pagka unibersalismo o partikular ng sikolohiya ang
pagbabasihan maaaring hindi akma gamitin ang pamamaraan maging ang kalalabasang
resulta sapagkat naiiba amg metodong kanilang gamit. Naiiba sapagkat, ang ating kultura ay
nahaluan ng mga dayuhang nagnais sumakop sa ating bansa gayon din naman sa ginagamit
nating wika. Ito ang isa sa dahilan kung bakit kinakailangan natin ng pansariling sikolohiya
dahil hindi ito naangkop sa ating kinagisnang kultura.

Nasasabi rin sa artikulong ito na ang departamentong sikolohiya sa ating bansa ay


mababa. Sinasabi ng ibang mga sikolohista na wala raw tayong naambag sa pagpapaunlad sa
ganitong larangan.

Mahihinuha ko mula sa aking binasa kasama na ang dalawang artikulo bago ko ito
basahin na iba talaga ang epekto ng kolonyalismo sa ating mga Pilipino, imbes na
pagyamanin o linangin ang sarili nating sikolohiya, kultura at wika ay mas tinatangkilik t
tinitingala nila ang sikolohiya, wika at kultura ng mga banyaga. Hindi ko makita ang
magandang dahilan kung bakit magpasa hanggang ngayon ay mayroon pa rin sa ating mga
Pilipino ang mayrong utak kolonyal, marahil dahil tayo ay nasakop ng mga dayuhan noon at
nagkaroon naman ng mabuting dulot sa kabilang banda ngunit hindi ko maatim ang kanilang
hindi magandang intensyon.

Matapos kong mabasa ang sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez, nasuri kong mabuti
na ito ay maka etnosentriko dahil ang sikolohiyang Pilipino lamang ang kanyang pokus na
paksa at isinasantabi niya ang sikolohiyang banyaga sa atin, ngunit sa kabilang banda tayo ay
nagkakaroon ng magandang paghubog mula dito. Nahuhubog ang ating kaisipan at pag unawa
mula sa iba't-ibang kultura na ating naranasan na nagdudulot sa pagkalinang ng ating sariling
kaalaman bilang isang Pilipino.

You might also like