You are on page 1of 9

PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

Panimula

Maraming pagkakataong nagdadalawang-isip ang isang tao o ‘di kaya nama’y nag-

aalinlangan sa paggawa ng mga desisyon sa buhay. May mga oras na nagkakaroon ng

pagbabagong-isip sapagakat may mga bagay na kailangang pag-isipan muna ng mabuti

para magkaroon ng mas magandang resulta o kalalabasan. Mula rito, nagagamit ng tao

ang salitang urong-sulong.

Sa pagdadalumat na ito, ginawa ng mga mananaliksik ang kanilang makakaya

upang mas maunawaan ng mas maigi ang nasabing salita. Sa pinagsama-samang tulong

at ideya ng bawat miyembro ng grupo, magiging posible ang pagkumpleto sa

manuskritong ito. Nagsimula sa pag-iisip ng komprehensibong pamagat na maaring

makakintal sa kaisipan ng mga mambabasa, paghahanap ng iba’t ibang pamuhatan upang

mailarawan ang salita, pagtatanong-tanong sa iba’t-ibang tao at pagbibigay ng sariling

pakahulugan sa salita. Nag-isip ng kritikal ang mga mananaliksik upang mas

maipaliwanag ng maayos ang naibigay na salita.

Etimolohiya

Ang salitang urong-sulong ay nagmula sa dalawang salitang magkasalungat o

oxymoron. Ayon sa Tagalog Dictionary (w.p.) ang urong ay nangangahulugang pag-alis,

pag-ikli at pagbawi. Ang salitang sulong naman ay binigyang-kahulugan ng My memory

(2017) bilang onwards. Mula sa dalawang salita, lumabas ang ibang kahulugan ng

pinagsamang salitang pinaghiwalay ng gitling. Ayon kay Parra (2016) ang urong-sulong

ang pag-aatubili, pag-aalinlangan at pagdadalawang- isip ng isang tao na karaniwang ang

naunang desisyon ang siyang mas wasto.

Nagamit din ang salitang urong-sulong sa pamagat ng mga kanta katulad na lamang

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

ng “Urong-Sulong” na iniawit ni Regine Velasquez noong taong 2010. Sa kantang ito,

binigyang-tuon ng salitang urong-sulong bilang mabilis na pagbabagong-isip ng isang

lalake sa isang dalaga.

Sarilaysay

Ayon kay Argosino (2020) ang salitang urong-sulong ay mga salita, kung ito ay

literal na nagagamit sa pang-araw-araw ay mayroong ibig sabihin ang bawat isa. Ang

salitang urong ay isang salitang kilos na tumutukoy sa pag-usad o paggalaw ng isang

bagay o ng tao at ang salitang sulong ay maaring nagpapakita rin ito ng paggalaw na

paharap. Madalas itong naririnig sa mga bayani na sinasambit ito ay susugod o lalaban sa

isang giyera. Kung ito’y bibigyan nang malalim na pagpapakahulugan maari nating

sabihin na ang salitang urong-sulong ay pagbabago ng isang tao sa kaniyang gagawin o

desisyon.

Sa pananaw naman ni Cortez (2020) mula sa salitang urong na nangangahulugang

atras o pabalik at sulong na kabaligtaran ang kahulugan ng urong, ito'y kilos na

nagsasabing pumunta o umusog paharap o sa unahan. Ang urong-sulong ay walang

katiyakang kilos kung ito ba ay uurong o susulong. Ang urong-sulong ay maaaring

maihalintulad sa balimbing na tao na hindi tiyak kung kanino ba ito kakampi, kaya ito’y

pabalik balik.

Ang salitang urong-sulong ay pinagsama na may magkaibang kahulugan. Ang

pagsulong ay isang uri ng paggalaw o paggawa ng kilos paabante at paglakad ng palapit

sa isang bagay at urong naman ay paggalaw ng paatras o papalayo sa isang bagay, ngunit

nag-iiba ang kahulugan nito kapag pinagsasama. Nais ring ipakahulugan na ang urong-

sulong ay ang pagiiba-iba ng gustong gawin at desisyon (Dizon, 2020).

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

Sa paniniwala naman ni Flores (2020), ang salitang urong-sulong ay buhat sa

dalawang magkasalungat na salita na urong na nangangahulugang pagbawi at sulong

naman na nangangahulugang pagtuloy. Ang dalawang salitang ito na pinagsama ay

maaring maging paglalarawan sa ugali ng isang tao. Ang urong-sulong ay tumutukoy sa

pag-aalinlangan o pabago bagong isip ng tao. Nagiging pabago-bago ang isip nito sa

kanyang magiging desisyon. Marahil walang kasiguraduhan ang magiging bunga ng

gagawing aksyon.

Mula sa pananaw ni Muli (2020), ang dalawang pinagtambal na salita ay nasa dulog

na magkasalungat na kung saan pinagsama ng gitling. Ang urong ay isang pandiwa na

nangangahulugang pag-atras, pagbalik, o pagbawi ng ginawang kilos. Sa kabilang dako

naman, ang salitang kilos na sulong na kabaligtaran ng naunang salita, ay

nangangahulugang pag-abante o pagkilos papalapit. Maari rin itong ipakahulugan sa

salitang pagsugod. Kung ito nama’y susumahin, ang dalawang magkasalungat na salita,

ay magkakaroon ng panibagong kahulugan. Ang urong-sulong ay binibigyan diin ang

mabilis na pagbabago sa nagawang kilos o desisyon sa loob ng maikling panahon. Ang

isang tao ay nag-aalinlangang isagawa ang naunang kilos sapagkat nagugulumihanan ito.

Maari ring ipakahulugan ang urong-sulong sa salitang pagkalito sapagkat ang dalawang

salita ay lubos na magkaiba. Kung bibigyan ng iba pang ibig sabihin, masasabing ito ang

hindi pag-alis sa kinaroroonan sapagkat may paggalaw mang nangyayari ngunit walang

pag-usbong na nagaganap.

Ang ibig sabihin ng urong-sulong ay pagdadalawang-isip ng isang tao kung

ipagpapatuloy ba ang isang bagay o ihihinto na. Maaring sabihing nangyayari ito sa

tuwing nagdududa sa kakayahan at paniniwala. Ang urong-sulong ay nangangahulugan

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

na umaabante pagkatapos ay bigla na lamang uurong. Samakatuwid, hindi umaalis sa

posisyon sapagkat inuulit-ulit lamang ang galaw dahil sa bawat pagsulong ay susundan

ulit ng pag-urong (Tolentino, 2020).

Pagsasalin at Pagdaragdag

Ayon kay Miguel (2020), ang salitang urong-sulong, kung bibigyan ng literal na

kahulugan, ang ibig sabihin ay pag-uurong at pagsulong. Kung bibigyan naman ng mas

malalim na pagpapakahulugan, ang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng pabago-

bagong isip o desisyon. Maari ring pabago-bago ng kagustuhan ng isang tao.

Ayon naman kay Dominguez (2020), ito ay may katumbas na salitang pag-

aatubili. Ang mga taong nag-uurong-sulong ay walang matibay na pasya at

nagbabantulot. Samantala, karaniwan namang tama ang unang napili o desisyon ng isang

taong salawahan.

Urong-sulong means a person is hesitant, undecided, wishy-washy and going back

and forth (Tagalog Lessons, w.p.).

Ang kahulugan ng salitang urong-sulong ay isang taong nag-aatubili, hindi

makapagdesisyon, sumasabay lamang sa agos at gumagalaw nang pabalik-balik.

A double-minded person is restless and confused in his thoughts, his actions, and

his behavior. Such a person is always in conflict with himself. Correspondingly, the

term  unstable is analogous to a drunken man unable to walk a straight line and

swaying one way. He has no defined direction and as a result doesn’t get anywhere.

Such a person is unstable in all he does (Got Questions, 2020).

Ang taong may pabago-bagong-isip ay walang pahinga at nalilito sa mga naiisip,

ginagawa at pag-uugali. Palagiang pagkakaroon ng tunggalian sa sarili. Ang

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

terminolohiyang unstable naman ay katulad ng isang lalaking lasing na hindi makalakad

ng tuwid at pagewang-gewang. Walang siguradong direksyon at ang resulta nito ay

walang patutunguhan. Ang ganitong klaseng tao ay hindi magiging matibay o matatag sa

lahat ng ginagawa.

Rekontektuwalisasyon

Mula sa Tagalog Lang (w.p) ang salitang urong ay nangngahulugang retreat o pag-

atras at backward movement o paggalaw ng paatras. Maari ring sabihin na ang kahulugan

nito ay pagka-udlot. Sa kabilang banda, ang salitang sulong naman ay nangangahulugang

pagkilos tungo sa unahan o sa dakong nais marating o maabot. Karadagan pa rito, ang

ibig sabihin ng salitang ito ay pag-alis, paglayas o paglakad. Ang salitang pagsulong

naman ay may kahulugang pag-unlad, kabihasnan, pagiging bihasa o pagkatuto.

Ayon sa Word Hippo (2020) ang limang maaaring maging kahulugan ang

salitang urong-sulong. Ang una ay ang pagiging double-minded o pagdadalawang-isip.

Ang ikalawa naman ay hesitant o bantulot, alanganin, natitigilan, bantilaw at alapap. Ang

ikatlong pagpapakahulugan naman ay ang pagiging indecisive o walang katiyakan sa

mga ginagawang desisyon, salawahan at hindi nakapagpapasya. Para sa ikaapat, ang ibig

sabihin ng salitang urong-sulong ay irresolute o walang matibay na pasya, walang

matatag na pasya at bantiti. Para sa pinakahuling pagpapakahulugan naman, ito ay

nangangahulugang reluctant o pagkakaroon mabigat ang loob, pag-aatubili at pagtabang

ng loob.

Para naman kay Glenn (2018), ang nais ipakahulugan ng salitang urong-sulong ay

pagdadalawang isip o pag-aalinlangan. Sa pananaw naman ni Calderon (2008), ang ibig

sabihin ng urong-sulong ay mag-alinlangan, mag-alanganin at matigilan. Ayon naman sa

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

Depinisyon (w.p.) ang nais ipabatid ng salitang urong-sulong ay alanganin, salawahan,

nag-aagam-agam at nag-aalinlangan.

Kasaysayan ng Salita

Urong-sulong, dalawang magkasalungat na salita na pinag-isa. Tila ito ay para

bang simpleng salita lamang ngunit ngayon ay ginawan pa ng kanta. Ito ay kumakatawan

sa emosyon at maging sa pagdedesisyon.

Ayon kay Pangilinan, binigyan nitong kahulugan ang salitang urong na

ngangahulugang balik noong taong 1913 sa kanyang Diccionario-Hispano--Tagalog.

Mababasa rin dito ang kahulugan ng salitang sulong na ang ibig sabihin ay abante.

Taong 1990 ay nagkaroon ng awiting urong-sulong na inawit ng isa sa sikat na

mang-aawit sa Pilipinas na si Regine Velasquez. Ang nais ipahiwatig ng awiting “Urong-

Sulong” ay bawat bagay/desisyong gagawin ay kailangan muna nang malalimang pag-

iisip. Ngunit minsan sa kadahilanang sobrang pag-iisip ng tao ay nagkakaroon ng pag-

aalinlangan kung kaya nagiging urong-sulong ang desisyon nito. Sa pagkakataong iyon,

maaring mayroong pagkakataong masayang sa kadahilang pabago-bago ang isip ng tao.

Darating sa puntong magiging urong-sulong ang magiging desisyon ngunit wala

nakaaalam ng magiging kahihinatnan ng isang bagay kung hindi ito itutuloy o sulong ang

magiging desisyon. Nasa kamay ng tao ang magiging kapalaran nito. Ang buhay ay

parang isang sugal hindi ka mananalo kung laging umuurong sa hamon ng buhay

subukan ring sumulong upang makita ang mas magandang hinaharap.

Taong 2019 naman nang lumabas ang kantang “Urong; Sulong” na iniawit nina

Kiyo at Allison Shore. Ito ay sumasalim sa pagtitiwala ng isang tao. Makikita sa kanta na

sa panahon ngayon maraming mga bagay ang kailangan ng masinsinang pag-iisip bago

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

gawin ang isang desisyon. Darating sa punto na magiging urong-sulong sa pagpapasya

sapagkat walang kasiguraduhan ang magiging bunga ng isang aksyon. Kaya mayroong

pag-aalinlangan o pagbabagong isip kung ito ba ay itutuloy pa o hindi na. Sa mundong

ginagalawan ng tao isang bagay lamang ang mananatili at hinding-hindi mababago ng

kahit ano o sino man at iyon ay ang patuloy na pagbabago.

Pananaw

Ang salitang urong-sulong ay maaring magkaroon ng iba-ibang

pagpapakahulugan batay sa pananaw ng isang tao. Ang urong-sulong ay dalawang

magkasalungat na salitang pinagsama upang makabuo ng bagong salita. Urong na

nangangahulugang pagbawi at ang salitang sulong naman ay pagtuloy. Ang urong-sulong

ay nangangahulugang pagbabagong-isip sapagkat hindi sigurado sa gagawing aksyon

kung kaya nagiging urong o sulong ang desisyon.

Pilipinolohiya

Sa makabagong mundong ginagalawan ng tao sa kasalukuyang panahon, maraming

mga bagay rin ang patuloy na nagbabago. Ang wika ay dinamiko kaya ito ay nagbabago

sa bawat henerasyon. May mga salitang nalilimot ngunit mayroon ding nanatiling buhay

isa na doon ang salitang urong-sulong. Ang urong-sulong ay nanatili pa ring ginagamit sa

kasalukuyan. Sa katunayan, ang salitang ito ay ginamit bilang pamagat ng awitin noong

1990 ng sikat na mang-aawit na si Regine Velasquez at ni Kiyo taong 2019. Ayon sa

isang tweet ni Castillo (2020), “Medyo urong-sulong ako at aminadong kinakabahan sa

proyektong ito pero 'ayan, may konting preview na bago icopy-edit: Digmaan ng mga

Alaala: Rebolusyon at Pagkakamali sa mga Talang-Gunita”. Mula naman sa isang

facebook post ni Manego (2018), ginamit ang salitang urong-sulong upang ilarawan ang

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

paggalaw ng paa na iniangkla sa tula:

‘Pag tumingin ka, akin ka

Mga katagang laging sinasambit ‘pag nariyan ka

Ngunit hindi magawang lapitan ka

Mga paang urong-sulong

Hindi maalaman kung ano ba

Sa isa ring facebook post ni Brunidor (2020), “Urong-sulong ka ba pagdating sa pagdi-

decide ng mga bagay na mahalaga pero nangangailangan ng sakripisyo ng iyong bulsa?

Actually, hindi ka nag iisa kasi mas madami ang matagal mag-isip ‘pag patungkol na sa

pag-iipon sa kinabukasan.” Masasalamin dito na ang salitang urong-sulong ay hindi

tuluyang naibaon sa limot sapagkat nagagamit ang salita sa kasalukuyang panahon.

Sangandiwa

Maraming mga pagsubok ang kinaharap ng mga mananaliksik sa pagdadalumat ng

salitang urong-sulong. Mula sa kakulangan sa oras dulot ng maraming proyekto sa ibang

mga asignatura, kakulangan sa gamit upang mas matutukan ng maayos ang sulating

papel, kakulangan sa pinagkukunan ng mga karagdagang impormasyon at iba pang

kahirapan sa paggalugad ng mga references upang mas maging kapani-paniwala ang

nasabing manukrito. Ang pagdadalumat ay hindi ganoon kadali sapagkat kailangan ng

mabusising pagsisiyasat sa pinagmulan, kahulugan at lahat ng may kaugnayan sa salitang

iyong dadalumatin. Kailangan ng mahabang pasensya sa paghahanap ng mga

impormasyong kakailanganin. May mga salitang tuluyan ng nilimot ng panahon kung

kaya minsan ay mahirap ng makahanap ng mga impormasyon. May mga impormasyon

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


PAGLILIRIP SA SALITANG URONG-SULONG

naman ngunit minsan ay iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga may akda. Sa ganoong

sitwasyon ang mga mananaliksik ay kailangan ng malalimang interpretasyon upang

makuha ang punto ng bawat may akda at magamit ang mga ito.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

You might also like