You are on page 1of 3

ULAP

ni: Jose Corazon De Jesus

Dati akong panyo ng mahal na birhen

Na isinalalay sa pakpak ng anghel;

Maputi, malinis, maganda, maningning,

Ang lahat sa langit, nainggit sa akin.

At ako’y ginamit sa kung saan-saan,

Pamunas ng noo ni Bathalang mahal;

Kung gabi’y kulambo’t kung araw’y kanlungan,

Lalong pampaganda sa bukang-liwayway.

Kung umaga ako’y ginto sa liwanag,

Karong sinasakyan ng Araw sa sinag;

At kung gabi namang tahimik ang lahat,

Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak.

Dati akong puti, busilak ang ganda,

Sa Dios pamunas sa tuwi-tuwi na;

Sa Birhen ay panyong pamahid sa dusa,

At sa mga tala ay kulambo nila.

Dahilan sa ganyang dami kong gawain,

Ako ay dumumi, lumungkot, umitim,

At ang katawan kong ibig kong basain,

Kapag lumitaw na, ulan ay darating.

At ngayon sa aki’y sawa na ang lahat,

Di na nagunita ang lahat kong hirap,

Dios ang may sabi: Ang aking pamunas

Nang marumihan na’y tinawag kong ulap.


Pagsusuri

a. Tao sa Tao

Base sa aking pagsusuri, ang naging ugnayan ng tao sa tao ay ang may-akda ay
kanyang ipinapahiwatig ang kanyang saloobin sa pamamagitan nitong tula, nais niyang
iparating sa mga tao na nakinabang sa kanya ang kanyang naranasan. “Dati akong puti,
busilak ang ganda” nais niya rito ipabatid na siya ay may magandang kalooban at mabait
ngunit siya ay nagbago “Ako ay dumumi, lumungkot, umitim, At ang katawan kong ibig
kong basain, Kapag lumitaw na, ulan ay darating.” at ang mga tao ay sa kanya’y nagsawa
dahil hindi na nila mapakinabangan.

b. Tao sa Kalikasan

Batay sa aking pagsusuri, ang ugnayan naman sa Tao sa Kalikasan na lumitaw sa


tulang ito ay ang naging epekto ng mga galaw ng tao na siyang nakasira sa ulap kung
saan bahagi siya ng kalikasan. Halimbawa, nabanggit sa tula na “Ako ay dumumi,
lumungkot, umitim,”. Ang pasususunog ng mga basura at ang mga iba’t ibang uri ng
usok na nagmumula sa mga sasakyan at pabrika ay may masamang dulot sa kalikasan
lalo na sa kalangitan. Lahat ng ito ay Gawain ng mga tao. Sa gayon, sa tulang ito ay
inilantad ang ugnayan sa tao sa kalikasan sa pamamagitan ng paglalarawan ng masamang
dulot ng gawaing tao sa kalikasan kahit hindi ito hayag na ipinakita sa tula.

c. Kalikasan sa Kalikasan

Sa parte naman ng ugnayan ng Kalikasan sa Kalikasan ay aking nasuri na ang


naging uganayan ng dalawang ito ay inilarawan ng may-akda ang mga papel o gawain ng
kalikasan gamit ang iba pang kalikasan tulad ng buwan, araw, tala at langit kung saan
nabanggit sa tula na “Kung umaga ako’y ginto sa liwanag, Karong sinasakyan ng Araw
sa sinag; At kung gabi namang tahimik ang lahat, Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak.”.
Sa gayon, base sa aking pananaw may mga kontribusyon din ang ibang uri ng kalikasan
sa iba pang uri ng kalikasan.
d. Kalikasan sa Tao

Base sa aking pagsusuri at pananaw, ang ugnayan naman ng Kalikasan sa Tao na


lumitaw sa tula ay ang kalikasan ay mayroong sariling papel sa pamumuhay ng mga tao.
Aking masasabi na ito rin ay may epekto sa tao. Halimbawa, ang ulap ang nagdadala ng
ulan sa ating kalupaan kung saan minsa’y may dalang pinsala sa ating pamumhay. Batay
rito, ang tao ay may ugnayaan sa kalikasan at ang kalikasan rin ay may ugnayan sa tao.
Sa gayon, hindi man hayag na inilarawan sa tula ang mga papel ng kalikasan sa tao ito
naman ay makikita rito kung iyong susuriin ng mabuti ang mensahe ng tula o ang may-
akda.

You might also like