You are on page 1of 1

Balangkas ng Wika

Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang
tunog(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga
salita(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng
mgapangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan
sapagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag samakabuluhang


yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/,/u/, /m/, /i/, /p/,
/a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo angsalitang [lumipat].

Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliitna


makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay
angsalitang-ugat, panlapi at fonema.Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor,
dentistaPanlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-hanFonema = a*tauhan, maglaba, doktora.

Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap


saisang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaranito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang
maging malinaw ang nais ipahayag.

You might also like