You are on page 1of 8

Performance Task sa Unang

Markahan
Aktibidad: Report

Inihanda nina:
Bb. Christalee M. Sagsagat
Bb. Mary Clairre H. Gamayon
Bb. Lheny Joy Lim. Dadis

Iniharap kay
Gng.Maricel Dumingsil
Aralin 3: Hatol sa Lipunan

Sa unang bahagi ng aralin ay aming tinalakay ang artikulong


pinamagatang “Pilipinas, Pumang-anim sa Pinakamasayahing Bansa sa
Mundo” sa taong 2013. Ito ay isang subey na isinagawa ng Us research group
na Gallup, Inc. Itinatag ni G. George Gallupin noong 1935. Isang institusyon sa
pananaliksik sa Estados Unidos na naglalayong makakuha ng mga
impormasyon tungkol sa kalagayan ng panglipunan, pang-ekonomiya, at
pampolitika sa Estados Unidos at iba pang bansa.
Sa subey na kanilang isinagawa na pinamagatang Positive Experience Index,
1,000 na respondante ang naging kabilang sa mula sa 138 na bansa mula sa
iba’t ibang panig ng mundo. Lumalabas na 7 sa 10 katao sa mundo ang
nakaranas ng positibong emosyon nang sila’y tanungin sa araw na isinagawa
ang subey. Makikita ang mga bansang kabilang sa pinakamaraming Iskor
na nakura sa lumabas na resulta sa isinagawang subey sa ibaba.
Positive Experience Index
Mga Bansa Iskor

Paraguay 87%
Panama 86%
Guatemela,
Nicaragua, 83%
Equator
Costa
Rica, Colombia, 82%
Denmark
Honduras,
Venezuela, 81%
El Salvador
Pilipinas,
Indonesia, 80%
Thailand
Canada, 79%
Australia
 Estados Unidos 78% Sanaysay
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nagsusulat ng
tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at bagay-
bayag na sadyang pakapupuluran nga aral ata aliw ng
mambabasa.
“Ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat
na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.”
G. Alejandro Abadilla
 Dalawang uri ng Sanaysay
Ang Pormal na sanaysay ay nagtataglay ng makatotohanang
impormasyon, piling salita, mga pahayag na maingat na tinatalakay
at nakakatulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan kaya’t
masasabing mabisa. Inaakay ng manunulat ang mambabasa tungo sa
malalim na pag-iisip at paglakbay in ang guniguni.
Ang Di-pormal na sanaysay naman aya kilala rin sa tawag na
palagayang sanaysay. Naglalahad ito nga mga impormasyong
mapang-aliw, mapagbiro, at mga kathang isip na nagsasaad ng di
makatotohanang pahayag. Sa paggawa nga di-pormal na sanaysay,
maaaring ilahad nga manunulat ang kanyang karanasan,
personalidad o mga saloobin at damdama ng may akda.

Mga Bahagi nga sanaysay


Sa Panimula dito madalas nilalahad ang pangunahing
kaisipan, pananaw, o impormasyon mula sa may akda.
Inaasahan sa bahaging ito ang magbibigay katanungan sa sa
isipan ng mambabasa , dahilan para magka interesadong
ipagpatuloy ang pagbabasa sa ginawang sanaysay.

Habang sa katawan/gitna ng Sanaysay nilalahad ang mga


sagot sa mga tanong mula sa panibula na siyang magbibigay
suporta, proheba at mga hakbang sa paglutas nga mga
problema at mga katanungan sa sanaysay.
At sa huling bahagi nga sanaysay, ang wakas ang siyang
magbibigay buod sa kabuuan ng Sanaysay.

Mga Paraan sa Paglalahad ng Sanaysay


Pagbibigay hahulugan - ito ang ginagamit sa paglalahad ng
depinisyon ng isang bagay nagbibigay linaw sa kahulugan nga isang
salita.
Pagsasalaysay - ito ang pinakamadalas na ginagamit natin sa pang
araw-araw na pakikipagtalastasan natin sa iba, dito natin nilalahad
ang mga iba’t ibang pangyayari.
Paglalarawan – ito ay nagbibigay buhay at kulay sa paglalahad ng
sariling salaysay, nilalarawan nito ang biswal na imahe ng isang bagay
sa kaisipan nga mambabasa, nilalarawan din nito ang iba’t ibang uri
nga damdamin.
Paghahabing- dito tayo naghahambing ng dalawa o higit pang mga
katangian, kaanyuan, bagay, pangyayari at iba pa.

Inihanda ni: Bb. Christalee M. Sagsagat


Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod
at ang Pinaglilingkuran
Isinulat ni Gordon Fillman na Isinalin ni Pat V. Villafuerte
Sa pangalawang bahagi ng nga aming aralin, aming tinalakay ang
sanaysay tungkol sa isang taong naninirahan sa Jerusalem, Israel na
may kapit bahay na nagmula sa iba’t ibang lahi. Tumatalakay ito sa
tradisyon at kultura ng iba’t ibang lahi na naaapektuhan ang
diskriminasyon, maraming katanungan at pagsisiyasat tungkol sa
lingkod at pinaglilingkuran ng mga lahing naroon.
Nangyari ang kuwento noong Banal na Araw sa Jerusalem.
Naganap noo ang isang pambansang eleksyon, taong 1996 sa pagitan
nina Simon Perez at Benjamin Netanyahu. Nagsimula ang kuwento
nang yayahin ang pangunahing tauhang sumakay sa sasakyan ng isa
sa mga kilalang akademiko roon at napagkuwetuhan nila ang tungkol
sa kapalaran ng pagkakaroon niya ng mga kapitbahay na nagmula sa
iba’t ibang lugar sa daigdig.

Boud ng sanaysay
Ang sanaysay ay tungkol sa isang taong nagnanais maging
pantay ang turing ng bawat nilalang sa kanilang kapwa at mawala
ang diskriminasyon. Siya ay nakatira sa kumunidad na
kinabibilangan ng mga taong mula sa iba’t ibang lahi. Ayon sa
kanyang mga naririnig na kuwento ng iba galing sa iba tungkol sa
kaguluhang nagaganap sa Israel dahil sa iba’t lahi at hindi
nakakaintindihan na pamahalaan sa kanilang lugar. Hindi niya
ikinakatuwa ang hindi lubos na pag-unawa nga isa’t isa at
pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang sarili at kapwa na makilala
at unawain ang tunay na kabutihang taglay ng ibang mga lahi ng
ating mga kapwa mula sa ibang lugar.
Ang tanging solusyon upang malutas ang problemang ito ay
ang pagtanggap at pag-respeto sa sari-sariling pananaw at kultura
nating mga tao sa ating kapwa. Mas mapapabuli rin para sa ating
lahat kung iwasan natin ang pangungusap sa iba base sa kanilang
kaanyuan, paniniwala, kultura at tradisyon na kanilang
nakagawian.

Ano ang Kaisipan ng Sanaysay?


Ang nais iparating ng may-akda ay maling mali ang mangusga
at mag paratang sa ating kapwa dahil lamang sa nakaraang
nagawa niya, wala ito maidudulot na kaunlaran ata maganda sa
lipilunan. Kung nagawa ng namang makapamuhay ng ilang tao na
mula sa ibang lahi at kultura na hindi nakakasakit sa kapwa, ano’t
hindi ito magawa ng lahat?
Ang diskriminasyon ay dulot ng hindi makatarungang
pagtrato sa mga tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian,
pananaw, paniniwala, kultura, lahi, at tradisyon. Kaya nararapat
lamang na irespeto at kilalanin natin ng maigi ang pagkakaiba ng
bawat isa at huwag tayong mangusga agad,mas pairalin sana natin
ang malasakit at pagmamahalan dahil lahat naman tayu ay
nagnanais ng payapa at magandang buhay.

Ano ang Tono ng Sanaysay?


Ang Tono ng Sanaysay ay seryoso. Pormal ang ginamit na
mga wika upang ipaliwanag ng lubos ang kanyang nauunawaan at
saloobin tungkol sa Diskriminasyon na nagaganap at nasasaksihan
mula sa kanyang kakilala, kaibigan, at komunidad na kaniyang
kinabibilangan.
Inihanda ni: Bb. Lheny Joy Lim. Dadis

Ang Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay


ng Sariling Pananaw
Ano nga ba ang Sariling Pananaw?
Ang sariling pananaw ay ang pagpapahayag ng isa ag tao sa
kanyang sariling kaisipan, opinyon, o ideya sa isang bagay.
Sa huling bahagi nga aming aralin, aming tinalakay ang mga
salitang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling pananaw.
1. Saganang akin,
2. palagay ko
3. sa isang banda,
4. tulad sa
5. sa tingin ko
Ang mga nakatalisadong salita ay mga salitang ginanamitsa
pagpapahayag nga sariling opinyon o sariling ideya. Ang salitang ito
ay ginagamit sa tuwing tayo ay magsasalaysay ng mga ideyana
walang kasiguraduhan.
Sa kabilang dako, ano mga salitang:
1. Ayon sa
2. Batay sa
3. Sang-ayon kay/kay
4. Sa tingin ni
5. Sa pananaw ni
Ito ay mga salitang nagsasaad sa sariling pananaw ng ibang
tao.

Inihanda ni: Bb. Mary Clairre H. Gamayon

You might also like