You are on page 1of 2

Lit 104 -Panulaang Pilipino

BSED Fil 2-A


Mid-Term Exam.

I. Suriin ang pangungusap kung anong uri ng tayutay ang gamit nito Piliin sa talaan
ang wastong uri at isulat ang TITIK lamang.
a. Pagtutulad o simili b. Metapora o pagwawangis c. Personipikasyon d. Eksaherasyon
____1. Balahibot parang labong ang mga braso niyat binti .
____2. Humuhinga pagsapit ng takipsilim ang gabi. Bumubulong ng libong himutok.
____3. Sa paglakad ng buwan , mababago ng lahat ang takbo ng panahon.
____4.ang kanyang buhay ay parang bukas na aklat.
____5. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko .
____ 6. Tinik sa lalamunan ko ang katahimikan mo .
____7.Ang pag-asa moy tulad ng gripong mahina ang agos.
____8. Magmaktol man ang pag-ibig kung hindi bibigyang pansin tiyak na magtitigil din.
____9.Sa sobrang problema namuting lahat ang buhok niya.
____10.Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit.

II. Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang tula .Piliin sa talaan ang tamang sagot at
Isulat ang titik lamang.
A.babaeng b.Ina c.busilak d. pinagpala e. Uliran f. dibdib g.wagas h.Dakila i..mapagpala j..puso

1.Babaeng ____ 2. ____ nagmamahal 3.Babaeng minahal 4. Babaeng ____


Likha ni Bathala Sa aswang tapat sa ____ ng anak Sa ____ ng lahat
Siyang _____ Bigay na pag-ibig walang alinlangan Inang _____
Inang maaruga Sa pusong____ sa puso ay ____ ___nating lahat

III. A. Pagbibigay kahlugan : Ipaliwanag ang ibig sabihin ng sumusunod na salitang patambis (figurative
meaning):
1. Magsunog ng kilay
2. Paniningalang pugad
3. Gabay ng magulang
4. Mahaba ang buntot
5. May tali o susi ang bibig

B. Pagbuo ng maraming salita mula sa mahabang salita ( 10 salita)

6. Pangkabuhayan -

IV. Piliin ang pinakamalapit na kaisipan na angkop sa diwang ipinahihiwatig ng makata . Isulat ang titik ng
tamang sagot.
____1. Ako ang daigdigng tula
a.Siya ang kabuuan ng tula
b.siya ang makatang nagbibigay- buhay sa larangan ng pagsulat ng tula
c. eksperto siya sa pagsulat ng tula
d.umiinog sa kanya ang buhay ng makata
____2. .Ako
Ang walang maliw na ako
Ang walang kamatayang akoang tula ng daigdig
Ang tula ng daigdig
a.sinasabi rito na ang isang makata ay walang kamatayan
b.ang tula ay hindi mawawala
c.hindi mawawaglit sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng isang makata
d.lagi siyang pag -uusapan dahil sa kanyang tula
____3. Ako
Ang malayang ako a .ang isang makata ay walang pagkukunwari o pagbabalatkayo sa paghatid
Matapat sa sarili ng kanyang damdamin at kaisipan
Sa aking daigdig b. Naisusulat niya ng buo ang gusto niyang sabihin
Ng tula c. walang makapipigil sa kanya sa pagsulat ng tula
d.dito niya naisisi walat ang sama ng loob
_____4. Ako ang larawang buhay
a. Iginuhit ang kanyang larawan para maging isang alaala
b. Buhay niya ang ipinakikita rito
c. Ipinadarama ng makata ang angking kariktan ng tula na humihinga ,gumagalaw may
damdamin
d. Sinisimbulo niya rito ang isang taong agresibo na hindi marunong mahiya

_____5. Ako
Ang buhay
Na walang hanggang
a.Siya raw ay walang kamatayan
b.Ang buhay raw niya ay may hangganan
c.Siya ang kumakatawan sa mga makatang walang kamatayan
d.Bilang isang makata ,walang kamatayan ang kanyang mga kaisipan.

V. Isa kang kandidato ng partido ng mag-aaral ng inyong kolehiyo . Ipakilala mo ang iyong sarili
. Gusto mong kakaiba ang paraan mo sa pagpapakilala .Gawin mo itong patula . Sundin ang balangkas sa
Ibaba: 10 pts.

Pamagat: ang buong pangalan

Unang taludtod : ang buong pangalan


Ika-2 taludtod : apat na katangiang naglalarawan sa iyo
Ika-3 taludtod : mga kapatid na babae/lalaki
Ika-4 taludtod : hilig /gusto
Ika-5 taludtod : kailan masaya/malungkot (mabighay ng 3 pagkakataon)
Ika-6 taludtod : mga kinatatakutan/iniiwasan ( magbigay ng 3 bagay o pagkakataon
Ika-7 taludtod : mga bagay na gustong makamit o mapuntahan ( mabigay ng 3 halimbawa)
ika -8 taludtod : tirahan ( bayan o lungsod)
Ika-9 taluadtod : Apelyido

********
Inihanda ni : Gng. Nelia A. Herrero
Guro

You might also like