You are on page 1of 5

I.

PAMAGAT
Ang pamagat ng pelikulang aking pinanood ay “Buy Bust”

II. TAUHAN
Teban (Alex Calleja)
Detective Dela Cruz (Lao Rudriguez)
Detective Alvarez (Nonie Buencamino)
Biggie Chen (Arjo Atayde)
Nina Manigan (Anne Curtis)
Chongki (Levi Ignacio)
Manok (Joross Gamboa)
Berni Lacson (Victor Neri)
Rico Yatco (Brandon Vera)
Iggy Hizon (Tarek El Tayech)
Alda Lacson (Sheen Gener)
Gelo Elia (AJ Muhlach)
Solomon (Ricky Pascua)
Dora (Maddie Martinez)
Loren Santos (Mara Lopez)

III. BUOD NG PELIKULA


Ang pelikulang “Buy Bust” ay umiikot sa karakter ni Nina Manigan kung
saan siya ay kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Trabaho nilang huliin ang mga nagtutulak ng ipinagbabawal na droga.
Bilang isa sa mga gawain ng ahensiyang ito, gumawa ng “buy bust
operation” ang PDEA upang huliin ang isang kilalang “pusher” ng droga, si
Chen sa Gracia ni Maria, Tondo, Manila. Subalit pumalya ang plano at
nagkaroon ng gulo. Marami ang namatay, sibilyan, kasapi ng PDEA, at mga
miyembro ng mga iligal na grupo. Ngayon, dapat gumawa ng paraan ang
si Police Officer Nina Manigan upang makalabas ng buhay sa malagim na
sinapit ng kanyang mga ka-grupo.

IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI


a. Tagpuan
Kalagayang Pisikal: “Slums of Gracia / Gracia ni Maria”
Kalagayang Sosyal: Karamihan sa mga karakter na makikita sa
pelikula ay mgakabilang sa mababang antas ng lipunan, maliban lamang
sa mga miyembro ng PDEA
Kalagayang Historikal: Nangyari ang kaganapan sa pelikula
modernong panahon, particular sa panahon ng pamumuno ni Presidente
Duterte
b. Protagonista
Nina Manigan

c. Antagonista
Biggie Chen
Detective Alvarez
Mga residente ng Gracia
d. Suliranin
Umiikot ang istorya sa laban kontra droga, ipinapakita kung paano
tinutugis ng mga miyembro ng PDEA ang mga nagtutulak at pinagmumulan
ng mga ipinagbabawal na droga. Umiikot din ang daloy ng istorya sa
karakter ni Nina Manigan, kung saan kinakailgan niyang gawin ang lahat
nang kanyang makakaya upang makalabas siya nang buhay sa kanilang
palpak na operasyon. Nasasalamin dito ang determinasyon ng mga taong
nagbibigay serbisyo sa mga Pilipino upang mapuksa ang kasamaan sa
ating lipunan. Nagpapakita rin ng katotohanan ang pelikulang ito sa
pamamagitan ng pagtataksil o pagiging isang “corrupt” na taga silbi sa
bayan, si Detective Alvarez ay isang halimbawa na sa panahon ngayon ay
may mga taong pipiliin ang salapi imbes na magkaroon ng mapayapang
bansa. Matatanaw natin sa pelikulang ito ang iba’t-ibang aral kagaya ng
pag-iwas sa mga ipinagbabawal na droga, umiwas sa mga gawaing iligal,
at mag bigay serbisyo sa ating inang bayan.
e. Mga kaugnay na Pangyayari
Maraming mga Pilipino na ang nasawi sa kampanya ni Pangulong
Duterte laban kontra droga. Marami na ang naging biktima ng Extra Judicial
Killing o EJK. Naging kontrobersyal ang paraan ng pamumuno ng
kasalukuyang Presidente kung saan nakuha nito ang atensyon ng iba’t-
ibang nasyon. Ipinapakita ng pelikulang Buy Bust na ang bawat operasyon
na ginagawa ng mga iba’t-ibang sanay ng gobyerno ay napaka delikado,
ngunit hindi lahat nang nahuhuli ay napapatunayang may sala. Hindi natin
maitatanggi na ang “Justice System” ng ating bansa ay puno ng
pagkakamali, ngunit hindi ito rason upang kumuha ng buhay ng isang tao
na hindi dumadaan sa tamang proseso. Isang magandang hakbang ang
ganitong uri ng pelikula para sa industriya ng bansa, ito ay isang paraan ng
pagbibigay tanaw sa katiwalian ng gobyerno.
f. Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Sa bandang huli, nalaman nang protagonista ang katotohanan na
kasabwat si Detective Alvaries nina Biggie Chen.
g. Mga ibinunga
Nang nalaman ni Nina Manigan ang katotohanan na kasabwat ni
Biggie Chen si Detective Alvarez, nalaman niya kung ano ang
kinakailangan niyang gawin – patayin si Alvarez. Bago pa man naganap
iyon, nalanaman na ni Alvarez na alam ni Manigan ang katotohanan at siya
na ngayo’y banta sa kanyang posisyon, kung kaya’t tinangka niyang patayin
si Manigan, ngunit alam na ni Manigan ang gagawin ni Alvarez kaya siya
ay nakapanlaban at nailigtas niya ang kanyang sarili.

V. PAKSA O TEMA
Ayon sa mga nakita kong artikulo ukol sa pelikulang ito, sinasabi na
inspirasyon ng pelikulang ito ang katiwalian ng administrasyon ng
kasalukuyang pangulo. Ito raw ay nagpapakita kung paano kadaling
kumuha ng buhay ng isang inosenteng tao, at paano ilagay sa peligro ang
buhay ng isang taong nagbibigay serbisyo lamang para sa bansa.
Nababase ang tema nito sa korapsyon, violence, at droga.

VI. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL


a. Sinematograpiya
May mga eksena sa pelikula na nakakahilo sapagkat sobrang
magalaw ang camera at may mga pagkakataon na hindi nabibigyang
halaga ang ibang bagay sa kadahilanang may mga anggulo na hindi makita
nang maayos sa perspekto ng tagapanuod. Ngunit, kahit ganito ang
kinalabasan, marami din ang mga eksena kung saan naaayon ang galaw
ng kamera, kagaya ng pagpapalit ng “Point of View” sa pangunahing
pananaw upang kahit papano ay madama ng mga manonood ang
“suspense” ng pelikula.
b. Musika
Maganda ang musikang napili, angkop ang mga tunog sa bawat
eksena. Dumadagdag suspense ang musika sa bawat sitwasyon.
c. Visual Effects
Maayos ang pagkakalagay ng mga visual effects sa pelikulang ito,
ngunit may mga bahagi ng pelikula na mahahalatang hindi gaano nabigyan
pansin ang detalye. Halimbawa nito ay kapag bumabaril ang mga karakter,
minsan may lumalabas na bala, minsan naman wala. Minsan may dugo sa
katawan ng karakter na biglang nawawala sa pagpalit ng anggulo ng
kamera.

d. Set Design
Ginanap ang “Shooting” ng pelikulang ito sa lugar ng Gracia ni Maria
sa Manila. (Walang larawan sa internet)
VII. KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA
Ang pelikualng “Buy Bust” ay nagbibigay tanaw sa mga nagaganap
sa ating paligid, particular sa kampanya laban sa droga. Marami ang
nasasangkot sa mga iligal na gawain, lalo na kapag sila’y nasa mababang
antas ng lipunan. Tila kumakapit sila sa patalim upang maitawid lamang
ang kanilang pang-araw-araw. Dito makikita natin kung gaano kadelikado
ang ganitong klaseng pamumuhay. Binibigyang diin din dito ang katiwalian
sa gobyerno, lalo na sa mga may koneksyon sa mga drug pushers at drug
lord.
Pagsusuring Pampelikula
“Buy Bust”

Isinumite ni:
Don Jose R. Diaz

Isinumite kay:
Bb. Gelian Mae Viñas Orfella

You might also like